Chapter 4

4.7K 91 0
                                    

Chapter 4

“Ito na lang panoorin natin.” sabi ni Hannah kay Travis at inabot ang nahanap niyang DVD sa rack nito.

“Ayoko niyan. Lagi 'yang pinapanood ng kapatid kapag nandito siya.” sabi ni Travis ng makita ang title ng DVD.

“Eh sa paborito ko 'to eh! Sige na. Ang tagal ko na 'tong hindi napapanood.”

“Ayoko.” madiing sabi nito

“Ayaw mo talaga?”

“Ayoko,” ulit na sagot nito.

“Eh di wag.” tumayo na siya at akmang aakyat na ng hagdan

“Oh saan ka pupunta?”

“Matutulog na lang ako. Niyaya mo kong manood tapos ayaw mo naman pumayag sa gusto kong panoorin.”

“Sige na nga. Panoorin na lang natin 'to,” sabi nito at isinalang na sa DVD ang napili niyang panoorin.

Lihim naman na nagdiwang ang kalooban ni Hannah. Buti na lang umepekto rito ang ginawa niyang pagtatampo kunyari. Dali-dali na siyang bumalik sa pwesto niya sa sofa.

Nagsimula na ang palabas. Paborito niyang pelikula ang “My Bestfriend's Wedding” although in the end ay hindi magkakatuluyan si Julianne at Michael ay may sense pa rin naman ang movie na iyon para sa kanya. It's just a shame that George is gay, in the movie, of course.

Engrossed na engrossed si Hannah sa panonood nang may maramdaman siyang tumama sa kanya. Pagtingin niya ay isang popcorn ang tumama sa kanya.

Agad na napadako ang tingin niya kay Travis na prenteng kumakain ng popcorn habang naglalaro ng games sa Tablet nito. Alam niyang guilty ito sa pagbato sa kanya dahil hindi iniiwas nito ang tingin sa kanya kahit ramdam nito ang masamang tingin na ibinibigay niya dito.

Ibinalik na lang niya ang atensyon sa pinapanood. ilang saglit lang ay binato na naman siya nito ng isang pirasong popcorn.

Pagtingin niyang muli dito ay nakaupo na ito ng maayos at kunwa'y nanonood din tv.

Isa pa! Humanda ka talaga sa'kin. Sa isip-isip ni Hannah. Muling niyang ibinalik ang atensyon sa pinapanood. Nagulat siya nang hindi lang isang popcorn ang ibato na nito sa kanya. Kundi isanf dakot marahil ng kamay nito ang inihagis sa kanya. Tha'ts when she snapped.

“That's it!” sinugod niya ito at binagbabayo ang dibdib nito. Tawa naman ito ng tawa. Pinigilan siya nito sa paghawak sa kamay niya. “Ginagalit mo talaga ako ah!” tuloy lang siya sa paghampas sa dibdib nito.

Nang mapagod ay tumigil na rin siya. Ito man ay halos hindi na makahinga sa kakatawa.

Sails in Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon