Chapter 1

75.3K 1K 45
                                    

JINA's POV

"Umaga na naman" nag inat-inat muna ako ng kaunti.

New school year, new classmate. Palagi na lang bago. Wala na bang luma?

Ay nakalimutan ko di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Regine Marie Oh, half Korean and half Filipino, and I am a college student. Shocks! 3rd year na agad ako? Isang taon nalang ga-garaduate na'ko. Ano pa ba? Ah oo ako lang naman ang Campus Nerd ng Park Academy. Ewan ko ba sa kanila bakit ako tinawag na nerd eh nakasalamin lang ako. Like Duhh.

Wait lang maya na muna baka malate pa ako.

I did my morning rituals. I brushed my teeth, took a bath at syempre nagsuklay. Yan done na!

"Jin anak bumaba ka na dyan nakahanda na pagkain ikaw na lang hinihintay namin bilisan mo dyan" tawag sa akin ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

"sige po mommy baba na po ako" sabi ko at bumaba na para pumunta sa kusina.

"Jin anak kumain ka na baka malate ka pa sa school" sabi ni Mommy. Hinapag ni mommy sa akin ang platong may lamang kanin at hotdog and eggs.

"Ang aga pa eh ma, tsaka ayoko pang pumasok sa school" sabi ko at sinimulan nang kumain. Hindi ko pwedeng tanggihan ang grasyang nakahapag sa harap ko.

"Bakit? Aawayin ka na naman ng mga schoolmates mo dahil sa style mo?" tanong ni Dad while he is sipping on his coffee.

Nag-nod lang ako sa kanila.

"Tsk. Anak naman kasi eh, bakit ayaw mo kasing isuot yung mga damit na dinesign ko para sa'yo?"

"Oo nga baby girl ko, sayang naman yung mga designs ng mommy mo" pag-sang ayon naman ni Dad.

You heard it right, isang famous designer si Mommy.

Kung nagtataka man kayo dahil designer si Mommy tapos ako isang nerd kuno, di kasi ako sanay sa mga dress tsaka heels hanggang jeans at flats lang ako. Kapag kasi nagde-dress ako, feeling ko nakikita ang hindi dapat makita. Kapag nag heels ako, hirap na hirap akong maglakad. Tsaka nasa school ka bakit ka maghi-heels?

"Pero Dad di ako sanay sa mga yun, sige una na po ako" sabay kiss ko kina Mommy.

Ayaw ko kasing pinag-uusapan yung mga bagay na yun.

"Akala ko ba masyado pang maaga?" tanong ni Mommy.

"Nagbago na po isip ko hehe. Sige babye"

Pagkatapos ko umalis na ako

Pagkarating ko sa university ay agad akong nakita ni Kyla kaya mabilis siya lumapit sa akin.

"Hi girl na miss kita!" sabay yakap sa'kin ni Kyla

"Namiss din kita besty!"  yakap ko din sa kaniya.

"So bess kumusta naman vacation mo?" tanong ni Kyla.

Nga pala si Kyla lang kaisa-isang kaibigan ko dito sa campus. Ayaw nilang makipagkaibigan sa'kin baka daw mahawa sila sa ka-nerdihan ko. Nakakahawa ba yun? Weird.

"Ok lang. Ayun pumunta kami sa South Korea as usual. Ikaw kamusta naman?"

"Ok lang din hehe ayun shopping shopping lang " sagot niya naman.

"Oh tara na baka malate pa tayo" aya ko sa kaniya.

"Sige tara malapit na rin magbell"

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa kanya-kanyang room namin. Narinig namin yung mga hiyawan ng mga girls.

"KKYYAAAHH"

Si Kyla naman nakisama na rin. Tsss

Pansin ko lang. Bakit kapag nakakakita ng gwapo ang ibang mga babae tumitili? Hindi naman to Boys Over Flower o kaya Meteor Garden.

"Uyy Kyla tara na baka malate pa tayo" sabay hila ko sa kaniya.

"Una ka na bess, titignan ko pa si Jeff my loves"

Tss. Nakita na naman niya yung crush niyang peymus. Nagpa-fangirl na naman yun. Akalain mo yun pinagpalit ako para lang makita ang crush niya.

Kesa naman malate ako ay nauna na'kong maglakad sa kanya kaya lang...

BOGGSSHH!!

Ouch, sakit ng ulo ko, tsk sino ba'tong nakabunggo sa'kin? tsk

"Uhm miss, okay ka lang ba?" tanong ni koya.

"Okay lang ako ugh?"

"Oh my gosh di nya sya kilala?" sabi naman ni maarte #1

"Tsk syempre nerd sya paano nya malalaman? eh alam nya lang books!" sabi naman ni maarte #2

"HAHAHAHA" tumawa naman yung mga babaeng nandun

So kailangan kilala ko si Koyang? Porket gwapo kailangan kilala ko? Hindi ba muna pwedeng magpakilala muna siya? Grabe sila hindi naman ako manghuhula para malaman ang pangalan nila.

"Hindi mo ako kilala?" gulat na tanong ni koyang.

"Hindi nga "

"Sure ka? " tanong niya

"Yep" -_-

"As in sure na sure na sure ka pa sa sure na sure na sure? " tanong niya pa

HANU DAW?????

"Oo nga. Ano to ulet ulet? Radio ka kuya?" sarkastikong sagot ko

Nakakainis na kaya ulet ulet? Hindi naman ako bingi. Tss

"Sure ka talag-"

"Ba't di mo sya pabayaan. Tss" sabi naman nung lalaki sa likod niya. Mukhang masungit.

"Sorry naman. Magpapakilala ako. ehem. Hi ako si Jeremy, sorry ulit nice to meet you, and you're name is?" tanong niya

Aba mabait naman pala eh yun nga lang nakakainis. Kailangan kakilala ko siya? Pero shocks! Ang gwapo!

"Hello I'm Regine Ma-" naputol naman yung sinasabi ko kasi bigla naman sumingit si masunget.

"Tss, tara na nga Jeremy" inis na sabi ni sunget

"Sige babye tawag na'ko ni commander hehe ^_^" paalam niya sa akin

"JEREMY!!!!" tawag ni sunget

Naku naku kung di kalang gwapo este nakakatakot matagal na kitang tiniris!

Tsk as always parang di ako welcome dito. Nerd DAW kasi ako.

"Hoy nerd, umalis ka nga dyan sa harapan akala mo ang ganda ganda mo" sabi ni retokada #1

Hindi ko na lang sila pinansin. Maka-upo na nga lang.

"Dun ka sa likod umupo, di ka pwede dito sa harap, nakakadistract yang mukha mo baka di kami makapagconcentrate dahil sa'yo" sabi ni retokada #2

"Your right girl baka mahawa pa tayo"retokada #3

Tss sinabe ko bang tingnan nila ako? nakakainis eh first day na first day ko binubully ako agad. Tsk kung di lang ako mabait (choss) matagal ko na silang hinagis.

Sakto naman akong nakaupo nung pumasok si professor.

As usual syempre first day ng class pupunta sa harapan para magpakilala. Parang elementary at high school.

Natapos na lahat silang magpakilala tapos ako na.

Nung nasa harapan na ako

"BOO!! BOO!!"

Kainis naman oh.  Ano ako virus? Kung makaboo wagas!

"Class be quiet!!" sabi ni Sir.

Thank goodness

Magsasalita na sana ako nang may um-interrupt nanaman . Tsk, pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko kainis!

____________

TO BE CONTINUED....

Campus Nerd meets the Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon