CHAPTER 2 - Gravity?

167 8 2
                                    

CHAPTER 2

“Andi Lim, ba’t ka huminto?”

“a-ahh..”

Tapos may tinuro syang dalawang lalake na naglalakad. Parehong gwapo yung dalawa. Matangkad, matangos ang ilong, maporma at higit sa lahat mukhang mayaman. Pero medyo familiar yung isa.

“Te-teka lang,di-diba si ..”

“Maki,yung crush mo?!”

Ten-te-ne-nen! Yung crush ko nga yun.

“Oo nga! Yung crush ko ngayun. Pero bakit may kasama…huh?”

Natulala ako sa nakita ko. Biglang nagholding hands silang dalawa. Feeling ko tumaas ang balahibo ko sa nakita ko kaya tumalikod na lang ako.

“Sabi na sayo eh, Beki (bakla) sya eh!”

Hindi ako makapaniwala kaya di ko na lang pinansin yung nakita ko.

“Anu ka ba Andi? Malay mo mag-best friends lang sila. Ta-tapos malay mo, ganyan lang sila maglambingan!”

“Huh? “

“Oo! Malay mo dba? In the first place, we don’t have the rights to judge him.”

“Eh..anung tawag mo dyan? Lambingan pa ba yan?” tanong nya habang tinuturo yung dalawa.

“Alin?”

“Naku po! Panu mo makikita kung nakatalikod ka diba?” Tapos pinaharap nya ako.

Nung humarap ako, nagimbal ako sa sumunod na eksenang nakita ko.

“KA-DI-RI!!!” sabay naming pagsabi ni Andi.

Bakit kasi kailangan pa nilang magkiss in public. Okay lang sana kung smack, kaya lang torrid kiss eh. As in TORRID! With the capital T-O-R-R-I-D, at may kasama pang pag-ikot ng ulo na 360 degrees.

Hindi kinaya ng mga nerve cells ko at eye balls ko ang nakita ko kaya tumalikod na lamang ako.

“Maki, are you okay?”

Eto nanaman tong babae na to. Syempre naman masakit sa damdamin ang nasaksihan ko. Tumakbo na lang ako papunta sa rooftop ng building.

“Saan ka pupunta?”

Hindi ko na siya sinagot. Basta dirediretso lang ako hanggang sa makarating na ako sa rooftop.

Gusto kong umiyak nun, kaya lang pinipigilan ko. Ang pangit naman siguro kung papasok ako ng first class namin tapos yung mukha ko hindi na fresh diba? Kaya huminga na lang ako ng malalim at nagisip-isip.

“Ang lakas pala ng hangin dito, nakakawala ng sama ng loob. Maganda din kaya yung view mula dito sa taas?”

Lumakad ako papunta dun sa may gilid. Mukhang maganda yung view dito kaya nga lang hindi ko abot. Ang hirap talaga pagmaliit. Tapos may nakita akong chair sa gilid. Kinuha ko yun at tumayo sa ibabaw.

“WOW! Ang ganda pala dito sa taas!”

Tinaas ko yung dalawa kong kamay. Yung parang sa pelikulang “Titanic”.

*booooog! (bumukas yung pinto)

Huh?

Tapos narinig ko yung boses ng mga kaibigan ko.

“Wag!!!!”

“Maki, huwag!!!

“Wag mong gawin yan! BATA KA PA! 17 ka pa lang at 2nd year college! Marami ka pang magagawa sa buhay mo!”

HUH? Anu daw? May maliba sa ginagawa ko para umakto sila ng ganun? Tumingin ako sa kanila. Di ko pa din maisip kung bakit ang O.A. ng mga to.

“bakit?” tanong ko habang nakatayo sa ibabaw ng upuan.

“Wag kang MAGPAKAMATAY! Utang na loob!” sigaw ni Katie habang umiiyak.

“Wag!!” sigaw ng ibang kung classmates ko.

Tumingin ako sa paligid kung sino yung sinasabihan nila. Wala namang iba bukod sa akin.

“Tama na! bumaba ka na dyan!”

Huh? Ako yata yung sinasabihan nila eh. Mukha ba kong magpapakamatay?

“Ako ba yung tinutukoy nyo?”

Mukhang nagulat sila sa tanong ko.

(O_____O) ß------- FACIAL EXPRESSION nilang lahat.

“Di naman ako magpapakamatay ah! “

“huh? Eh ba’t ka nandyan?” tanong ni Barbie with matching luha.

“Tumitingin lang ng view!”

“Eh sabi ni Andi magpapakamatay ka na daw!”

Hay naku naman! Etong si Andi mahilig talagang gumawa ng eksena. At di lang yn ah..nagtawag pa sya ng kasama. Nakakainis! Buong section pa namin talaga yung hinakot  nya. And it’s so embarrassing.

Tapos tumingin silang lahat kay Andi. Yung tingin na parang kakain ng tao.

“Ay naku! ANDI LIM! ” sabi nilang lahat.

“Tara na nga! Baka ma-late pa tayo sa class nyan eh.” sabi ni Sara, ang president naming sakang.

“Si Andi talaga! NAKU!!” sigaw ni Pinky, ang pike naming classmate.

Tapos nagalisan na silang lahat hanggang sa kami nalang ni Andi yung maiwan.

“Ikaw ah, sumosobra ka na! nakaka-strike two ka na ah!”

“sorry!” (^____^)

Naiinis na ko sa babaeng to. Kanina pa sya nambubwisey eh. Pag ako nakahanap ng tsempo, gaganti talaga ako. Bumaba na ako ng upuan. Pagka lapag ko ng kanang paa ko sa baba. May nafeel akong gravity sa paligid ko bigla. As in “GRAVITY” talaga, kaya hinila ko yung paa ko.

“Tara na nga! Pasok na tayo!” (^___^) Andi said and nagsmile.

“ok!”

Kaya lang malakas talaga yung gravity sa paanan ko, kaya di ako makalakad.

“huy! Bilisan mo na dyan!”

“ok!”

Pero di pa din ako makaalis.

“It’s 6:55 a.m.! Tara na! tsaka ok ka naman na diba? Wag ka na mag-emote dyan.” Tapos hinila nya yung kamay ko.

Pero hindi pa din ako umalis sa pwesto ko.

“Maki?”

“Can’t you feel the gravity?” tanong ko sa kanya.

“HAHAHAHA! Syempre naman may gravity talaga dito! Anubey!”

“I’m not joking!”

“eh bakit? Sinabi ko bang nagjo-joke ka dyan?”

“Pero ang lakas talga ng gravity eh. Hinihila yung right feet ko!” with matching sour expression.

“huh? Asan?” tumingin sya sa baba at ginalaw galaw yung paa ko.

“there!” tinuro ko yung paa ko.

“Wala naman eh!”

“Meron.”

“Wala!”

“Meron!”

“Wala nga! Lumuhod sya at tinignang mabuti yung paa ko.

“MERON nga!”

“WALA nga kasi!” nilapit nya pa yung mukha nya sa paa ko.

(HAHAHA~ okay! eto na ang pinaka-aantay kong pagkakataon para gumanti.) Tinaas ko yung right feet ko at tinutok sa mukha niya.

“WAAAAAAHHHHHH!!” Sigaw ni Andi.

Nagulat sya sa ginawa ko. Gusto kong tumawa ng malakas kaya lang pinigilan ko eh. Actually, sinentro ko talaga yung paa ko sa ilong nya!(Para ramdam na ramdam niya ang lakas ng GRAVITY!) Tapos….

*TOINK!

Napsigaw bigla ulit si Andi.

“WAAAAAAAAAAAHHHHH!!! Ba-ba…

Bakit…may…

EBAK!!!!”

Love StalkingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon