CHAPTER 4- kwek kwek Story

116 6 0
                                    

Two days na ang nakakaraan mula nung first encounter ko dun sa lalakeng sinasabi ni Katie. I don’t know why I want to see him again. Siguro sadyang naiintriga lang ako sa itsura nya. Pero honestly, medyo interesado na rin ako kahit di ko pa sya ulit nakikita.

“Maki? “

“yes?”

“May ginagawa ka ba?”

“Natural...WALA! Parang di mo naman ako katabi?”

Anu ba naman tong  katabi kong si Bachoy. As if naming may ginagawa ako eh siesta time nga naming. At isa pa, seatmate ko kaya sya! Di ba nya nakikitang wala nga akong ginagawa?

“Pwedeng ano?...ahmm.. ano? Ano kasi? Ahmm...”

“Ano?”

“Ano kasi..ahmm.. pwede ano? Kasi ano talaga eh! Pwede bang ano?”

“Ano nga?!”

“Hindi sige, wag na lang! Nevermind!”

Tapos bgla syang yumuko. Bigla tuloy akong na-bother kung ano yung pinipilit nyang anuhin. Anu nga bay un?

“ANU NGA KASI YUN! ANO KA NG ANO EH!”

Tumaas bigla yung boses ko. Eh panu ba naman kasi..kung ganito naman talaga yung kausap mo diba? Puro words na “ano” yung maririnig mo! Sino ba namang di maaasar. Ayaw pa kasing sabihin eh.

“hmm...galit ka na nyan?” sabay angat ng ulo.

“DI NAMAN TEH! MEDYO LANG!”

“Kasi nga ano?!..” tapos nagtakip ng mukha.

“Ay LECHE flan! Ano ba kasi yun?”

“hmm... I’m hungry!”

“JUSME! Yun lang pala yun oh! Gutom ka lang pala, kung anu-ano pa ang sinasabi mo dyan!”

Haay! Gutom lang pala tong si Bachoy kaya nagkakaganito.

“Gutom na gutom na  gutom na ulit ako!”

“Edi tara! Kaen tayo!”

“but....”

“but ano?” eto nanaman sya.

“Gusto ko dun tayo sa labas bumili!”

“huh?” anak ng tokwa naman! Choosy pa tong Bachoy na to! Gusto pa talaga nya sa labas bumili ng food, samantalang kaliwa’t kanan ang mga stores dito. And di ba nya naiisip na nasa rooftop kmi ngayun? Ang layo kaya!

“Please!”

“Fine! Wala naman akong magagawa eh. Pagnangayayat ka, baka kasalanan ko pa!”

“yehey!”

Then we went out of the room. Etong kasama ko enjoy na enjoy sa paglalakad. Halatang gusto kumain. Tek a anu nga palang kakainin nya at gusto nya pa sa labas bumili?

“hoy, Bachoy!”

“bakit?”

“Anu bang lalamunin mo? At gusto mo pa na sa labas bumili?”

“ Yung itlog ni Manong!”

Naglalakad kami sa may groundfloor nung mga oras na yon eh. At talagang napahinto ako.

“ITLOG NI MANONG?”

“oo! Itlog nga ni Manong! Ang kulit mo naman!”

“HAHAAHAHAHAHA~”

Yuck naman si Bachoy! Umiral na naman ang berde kong pag-iisip. Ang dami-daming hot na lalaki sa campus tapos yung itlog lang ni manong ang hinahanap nya.

Tumingin sakin si Bachoy. Siguro nagtataka sya bat ako tumawa.

“ahh...Alam ko na yang mga ganyan ganyan mo Maki! Bastos talaga yang utak mo kahit kelan.”

“HAHA~ bakit? Masama bang tumawa? Eh ikaw kasi eh! Your craving for Manong’s delicious eggs!”

“Hindi yung eggs na iniisip mo yung tinutukoy ko!”

Hahaha! Anu to? Baka mas malala pa yata sa iniisip ko yung tinutukoy nya!

“bakit ano ba yung ITLOG na tinutukoy mo?” habang pinipisil-pisil ko yung bilbil nya sa tiyan.

“what I mean is KWEK-KWEK! I’m craving for kwek-kwek, not Manong’s eggs!”

“But you said you want his eggs...right?”

“whatever!”

Then, bigla nya akong binatukan. Syempre wala akong palag no! Ang laking bulas kaya nitong kasama ko. Ang hirap talaga pagkamaliit ka eh. WEAK!

“okay! Fine. Ikaw kasi eh, di mo pa dineretso kanina! May nalalaman ka pang itlog ni Manong dyan!”

“eh, akala ko naman nag-gets mo Maki!”

“sorry naman! Manghuhula ba ako?!”

“tse! Tara na nga!”

Ang tagal naming naglakad ni Bachoy hanggang sa nakarating kami sa aming destinasyon, “ANG MAHIWAGANG ITLOG NI MANONG!” yan yung panagalan ng store nya.

Now, i understand why Bachoy call it that way. Medyo nakakaloko nga ng konti. Pero infairness ah! Pinipilahan yung itlog nya.

“Maki, bibili na ako ah... gusto mo ba?”

“hindi, wag na! I’m still full.”

“okay! Dyan ka lang ah.”

Nandito ako ngayon malapit sa gilid ng gate ng campus namin. Nasa tapat lang kasi yung store ni Manong eh. Medyo naaaliw din ako ng konti eh. Kasi ba naman tong si Bachoy halos dambahin na yung mga kwek-kwek sa tindahan. Kung di ko to kaibigan...masasabihan ko to ng capital PG.

Habang nandito ako, hindi ako mapalagay ng konti. Ewan ko ba kung bakit? Pe4ro feeling ko may mangyayari.

“Maki?!”

Eto na si Bachoy. At sa wakas, natapos din sa pagbili.

“why?”

“You want some?”

“I’m still full! Ang kulet mo naman!”

“okay! Bute naman.”

Kinain na nya yung kwek-kwek. At takenote......with FEELINGS! Nang-iinggit pa, as if namang tatablan ako. Haha

Habang busy si Bachoy sa paglamon, ako naman eh busy sa pagtingin tingin sa paligid. Baka kasi makita ko si Prince Chubby eh.

“Maki, I’m done eating. Let’s go!”

“okay.”

Paalis na kami nung biglang may nakita akong medyo familiar.

“ba-bachoy...wait for a while!”

Tinignan ko ulit.

“Maki , why?”

“wait lang!”

Epal naman to oh!

Di ako sigurado sa nakikita ko...si Prince Chubby ba itong nasa tindahan ni Manong? Yung may bag na stripes.

Sya nga kaya yun?

Love StalkingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon