"Wala na ba kayong naiwan sa loob?" sabi ni Papa habang inaayos ang mga gamit sa likod ng owner type naming sasakyan.
"Wala na, ikaw Charlie wala ka na bang nakalimutan?" tanong sakin ni Mama
"Wala na po" sumakay na ko sa sasakyan. Ito na yung malungkot na part aalis na talaga kami, nakita ko si Melencio palapit sakin
"Mag-ingat ka best dun ha, yung sinabi ko sayo i-push mo yan."
"Oo naman. Ikaw din ha, yung sinabi mong susunod ka dun tuparin mo yun."
"Sure friend, ah friend para sayo nga pala." iniabot nya sakin ang isang box.
"Ano naman ito?" binuksan ko ang box at nakita ko ang 3 itlog na laman nito
"Para sayo yan best, pangpaswerte." Ito na naman si Melencio sa mga paniniwala nya, nung una hindi ako naniniwala sa kanya pero madalas nagkakatotoo naman yung mga sinasabi nya. Madalas nyang nakukuha ang mga paniniwala nya sa mga napapanood namin koreanovela mga kalokohan lang, yung iba naman gawa gawa lang talaga nya tulad nitong pampaswerteng itlog, kelan pa naging swerte ang tatlo itlog?
"Ready na kayo?" inistart na ni Papa yung engine ng sasakyan, inilagay ko na sa body bag na dala ko ang box na binigay ni Melencio
"Tito Tita ingat po kayo" sabi ni Melencio kina Papa
"Salamat iho, mag-ingat ka rin."
-Habang nasa byahe-
"Ok ka lang ba Charlie dyan." tanong sakin ni Mama
"Ok lang po" nandito kasi ako sa likod katabi yung iba namin gamit
"Pasenya ka na anak ha alam namin hindi madali para sayo toh."
"Ok lang po Mama, naiintindihan ko naman kayo e."
Mukhang malapit na kami sa Manila, malawak na kasi yung kalsada tapos nagsimula naring magkaroon ng planters sa gitna, nakikita ko narin ang mga billboards.
"Malapit na po ba tayo? tanong ko kay Papa
"Kalahating oras pa siguro sana hindi tayo matraffic. Teka......"
"Papa anung problema?" tanong ni Mama kay Papa mukhang may problema kasi ang sasakyan namin
"Mukhang plat ang gulong natin, itatabi ko muna itong sasakyan."
Tumigil muna kami sa harap ng isang tindahan, dun nagpalit ng gulong si Papa.
"Ma, san po ba yung malapit na CR dito naiihi na kasi ako e."
"Ayun anak may gas station dun sigurado may CR dun."
Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa gas station na itinuro ni Mama.
"Naku sa kabila pa pala yung gas station kailangan ko pang tumawid."
Takot pa naman akong tumawid. Nilakasan ko nalang ang loob ko, tumawid na ako, sa awa ni Lord buhay naman akong nakarating sa gas station. Pagkatapos kong magCR naglakad-lakad muna ako sa labas ng gasoline station.
*Cellphone ringing Sa telepono may tumatawag (Wonder Pets theme song)
Kinuha ko ang cellphone ko, si Mama tumatawag
"Bakit po Ma?" -ako
"Tapos ka na ba dyan?" -mama
"Opo, katatapos ko lang po." -ako
"Ah ok, bumalik ka na dito, malapit na matapos ang Papa mo sa pagpapalit ng gulong." -mama
"Ah ok po, papunta na po ako dyan."
BINABASA MO ANG
C Boys Meets the Girl
Teen FictionWelcome sa magulo at the same time masayang buhay ni Charlie, ang babaeng gagawin ang lahat magkaroon lang ng pagkakataong makilala ang lalakeng pangarap nya. But what if sa journey nya of finding her "destiny daw" iba ang makita nya. Let's join Ch...