Chapter 1 - CHANGES

1.8K 24 4
                                    

(Now playing: Incomplete

by: The Last Goodnight)

Can I have your attention please

If you didn't want the garden why did you plant the seed?

Your making promises that you never keep

Now you deal with the consequence down on your knees.

And maybe we will do this for the rest of our life.

Maybe we will live forever.

And maybe we don't have to think it's right.

And maybe we will.

I don't feel what you feel I don't wanna feel this incomplete

(music continue playing)

"Nak, baba na at kakain na tayo."

"Opo Ma, tatapusin ko lang po ito."

Everyone knows you're my one weakness

The butterfly, the butterfly is beautiful but soon will die. ..............

"Ang galing talaga ng Erudites No. 1 na naman sila sa hitchart."

(music continue playing)

"and that's Erudites with there No. 1 song Incomplete"

Pinatay ko na ang tv at lumabas na ako ng kwarto para puntahan si mama.

"O bakit ba ang tagal mo" ang sabi sakin ni Mama.

"Tinapos ko lang po yung Music Hitchart, nakakatuwa nga e no. 1 nanaman yung bagong kanta ng Erudites."

"Ayan ka na naman sa Edurites mo."

"Ma, Erudites po hindi Edurites." natatawa kong sabi kay Mama

"Ibang iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Alam mo Charlie, nung kabataan ko hindi uubra sa lola mo yan, ayaw na ayaw nya na nagkakaganyan kaming magkakapatid sa mga lalake." hay, ilang ulit ko na tong narinig na sinasabi ni Mama pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan, alam ko ang mga sakripisyo nya para sakin.

"Ma naman e, alam na alam nyo naman na sya lang ang nagpapasaya sakin ng ganito diba? saka hindi naman sya basta lalake lang, sikat sya Ma sikat na sikat." sabi ko kay Mama habang nilalambing sya.

"Sige na, tulungan mo nalang akong ayusin tong mesa para makakain na tayo."

"Ah nasan nga po pala si Papa, napapansin ko lagi syang wala?"

Lagi kasing wala si Papa, nagtataka lang ako kasi hindi ako sanay na lagi syang umaalis.

"May inaasikaso lang ang Papa mo."

"Inaasikaso? Ano po yung inaasikaso nya?"

"Malalaman mo din"

Kinabahan ako sa sinabi ni Mama, nitong mga nakaraang araw kasi madalas kong napapansin ang seryosong usapan nila ni Papa, minsan na akong nagtanong sa kanila kung may problema ba pero lagi nilang sagot noon wala. Pero ngayon mukhang malalaman ko na kung ano yun.

"Papa nandito ka na pala, umupo ka na dito at kakain na tayo." -mama

Kararating lang ni Papa, umupo na sya at sabay sabay kaming kumain.

C Boys Meets the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon