>>>Eros POV<<<
Sumakay na ko ng kotse at iniwan na ang babaeng yun. Sinong bang maniniwala sa kanya, nababaliw na sya. Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko ang ginawa nya kanina, matagal kong iningatan ang sasakyang ito, isa pa hindi raw nya ako kilala. Ako lang naman si Eros Park ang sikat na vocalist ng aming banda sorry naman sa word ko na sikat dun din naman ang end up ng career namin, sumikat kami dahil sa video na pinost ng bandmate kong si S sa youtube dahil dun nadiscover kami ng You Rock Entertainment at ginawa kaming front act ng bandang Erudites, pero ngayon binibigyan na kami ng management to create a big name sa industry, may mga guesting narin kami at medyo marami narin ang aming mga gigs at may fans club narin kami kaya naman our manager Lui decided na kumuha na kami ng P.A pero if ganung klaseng nilalang ang magiging P.A namin mas mabuti pang wag na kaming magkaroon ng P.A. That annoying girl ang kapal ng mukha nya may pa swerte pa syang nalalaman, san ka naman nakarinig na swerte ang pagbato ng itlog sa kotse.Grrrrrrr nakakainis sya she's getting into my nerves.
*Cellphone ringing
"What's up Bro?"
"Eros san ka? may goodnews ako sayo?" sabi ni S sa kabilang linya.
Wow goodnews mukhang tumatama ang sinasabi nung babaeng yun ah.
" I'm on my way na sa bahay na kinuha para satin ni Lui, anong goodnews ba yan?" sagot ko naman kay S
"Remember the song piece na pinadala natin sa Ice Box Record. Nagustuhan nila at magpapaschedule na daw sila for contract signing, Bro this is it were gonna have our very own album beside that magkakaroon din daw tayo ng solo concert." excited na ibinalita sakin ni S
"Goodnews talaga yan" mukhang tama nga si annoying girl ah
"Hindi lang yun bro, kinukuha din tayo bilang endoser ng isang clothing line, di ba naman sobrang daming goodnews ang dumating ngayong araw na to kahit sina Zarex hindi rin makapaniwala e."
"Oo nga, mukhang tama ang babaeng yun ah." dapat na ba akong maniwala sa kanya
"Sinong babae?" nagtatakang tanong sakin ni S
"Never mind, ano ng plano ni Lui ngayon."
"Ayon super excited din sya, kailangan na daw natin makakuha ng magiging P.A natin, lalo na ngayon magiging super busy tayo, marami paring dapat ayusin at linisin dito sa bahay natin e, speaking of P.A nakausap mo na ba yung gustong mag-apply na P.A natin pinapatanong ni Lui e kailangan na daw makapagsimula kung pwede nga daw ngayon na."
"Ah yun ba, nakausap ko na" mukhang tama si annoying girl sa sinasabi nya pero baka naman nagkataon lang yun.
"So ano, ok ba sya?"
"Ah eh, hindi ko alam." ayaw ko talaga sa kanya noh
"Anong hindi mo alam, kinausap mo ba? Bro we badly need a P.A right now, kailangan na natin gumawa ng line up of songs para sa album natin, I guess mapapadalas din ang pag-stay natin dito."
"Alright, kasama ko na sya pagpunta dyan." napilitan lang akong sabihin yun, wala naman akong choice san ba ako makakahanap ng aplikante ngayon besides maliit lang ang kaya namin ipasweldo sa kanya bilang nagsisimula palang kami pero dahil mukhang desperada ang babaeng yun sigurado akong she will grab it kahit magkano pa yan. Bumalik ako sa bahay para sabihin sa annoying girl na yun that she's hired. Bumaba ako ng kotse at hinanap sya.
"Nasan na ba si annoying girl?" lumingon lingon ako sa paligid at hinanap sya
"Ehem, ako ba ang hinahanap mo?"
Nakakagulat naman itong babaeng to
"Bakit ba nanggugulat ka dyan?" nakakainis talaga sya
"Pasensya naman kung nagulat ka, nagtatanong lang naman ako e."
BINABASA MO ANG
C Boys Meets the Girl
Teen FictionWelcome sa magulo at the same time masayang buhay ni Charlie, ang babaeng gagawin ang lahat magkaroon lang ng pagkakataong makilala ang lalakeng pangarap nya. But what if sa journey nya of finding her "destiny daw" iba ang makita nya. Let's join Ch...