It's already 6 pm at hindi parin sila tapos magrehearse, siguradong nag-aalala na sina Mama nalowbat pa naman ang cellphone ko kaya hindi ako makatawag sa kanila kaya naman nagdesisyon na akong lapitan si Sir Lui para itanong kung anong oras sila matatapos.
"Sir Lui, itatanong ko lang po sana kung anong oras po sila matatapos medyo late narin po kasi e."
"Bakit, may lakad ka ba ngayon? and please don't call me Sir sabi ko naman sayo Lui nalang masyadong pormal yun sir eh."
"Wala naman po, hindi pa po kasi alam sa bahay ang tungkol sa trabaho ko e kaya sigurado pong nag-aalala na sila." sagot ko sa kanya
"Ganun ba, sige pwede ka na munang umuwi, ipaalam mo na sa parents mo ang tungkol dito sa trabaho mo naka line-up na kasi ang schedule ng mga gigs ng C Boys, ihanda mo na rin ang sarili mo sa puyatan."
"Problema ko nga rin po ang pag-uwi e." nakakahiya man pero kailangan kong sabihin sa kanya ito.
"Problema mo ang pag-uwi, bakit?" nagtatakang nyang tanong
"Hindi ko po alam kung paano umuwi sa bahay" nakatungo kong sagot sa kanya
"Hahaha, nakakatuwa ka talaga. Nakalimutan ko sa probinsya ka nga pala nanggaling that's why you are not familiar sa mga lugar dito but wait paano ka nakarating dito kanina." natatawa nyang sabi sa akin
"Kasama ko po si Eros kanina sabay kaming pumunta dito, dun po kasi ako nakatira sa apartment na pinaparent nila."
"I see, if that's the case sabay nalang kayong umuwi. I think they give enough effort naman for this day so okay lang na umuwi sila ng maaga, wait lang i'll call him."
"Ok lang po, kailangan ko lang po malaman ang way papuntang bahay, nakakahiya naman po kasi sa kanya." sa totoo lang ayoko lang talagang makasabay ang mayabang na yun.
"Ano ka ba you're already part of this group kaya hindi ka na dapat nahihiya. I know you're worried about Eros attitude pero masasanay ka din sa kanya mabait naman yun e, believe me. Just wait here I'll just check them if may natapos na silang song peace for this day"
"ok Sir, ah I mean Lui pala."
Umalis sya at pumunta sa rehearsal room. Hindi parin magsink-in sa isip ko ang sinabi ni Sir Lui na mabait si Eros, I still hate him. Kung may nagawa man akong mali he should know that I'm still a girl he should know how to show respect. Nakakainis talaga sya.
"Hey Charlie" bati sakin ni Zarex habang palabas ng rehearsal room
"Lui naman e, bakit ba ang aga mo naman kaming pauwiin ngayon ang dami pa naman namin mga bagong concepts na naiisip e." sabi ni Eros kay Lui
"You've done enough for this day, beside kailangan naring umuwi ng maaga ni Charlie hindi pa alam ng parents nya that she's working with us." sabi ni Sir Lui sa kanya.
"So what, Umuwi sya kung gusto nya." naaasar nyang sabi. Ang sama talaga ng ugali nitong isang to.
"Look Eros, hindi nya alam ang way pauwi sa kanila, knowing her situation na sa province sya lumaki at dahil you're living in the same area naman mabuting pang magsabay na kayong umuwi." paliwanag ni Sir Lui sa kanya.
"Ano? that's the reason kung bakit mo kami pinauwi ng maaga, ihahatid ko ang babaeng ito sa kanila. Wow naman Bro." asar nyang sabi and then sinamaan nya ko ng tingin.
"Ok lang naman Bro na umuwi tayo ng maaga, medyo pagod narin kasi ako e." sabat ni S sa usapan
"Oo nga naman, may lakad rin kasi ako ng 7 pm ngayon e kaya wala namang problema sakin na umuwi tayo ng maaga." pagsang-ayon ni Zarex kay S.
BINABASA MO ANG
C Boys Meets the Girl
Teen FictionWelcome sa magulo at the same time masayang buhay ni Charlie, ang babaeng gagawin ang lahat magkaroon lang ng pagkakataong makilala ang lalakeng pangarap nya. But what if sa journey nya of finding her "destiny daw" iba ang makita nya. Let's join Ch...