=001=

809 24 1
                                    

"Miss Xeira, lahat na po ng mga bagahe niyo ay naisakay ko na po sa sasakyan."

Narinig kong sinabi ni Butler Han. Take note. Hindi siya yung butler na parang si Hayate. Mga nasa mid 40's na ang butler ko.

But I know na mapagkakatiwalaan ko siya. Bata palang ako siya na yung in-assign na magiging butler ko. Kaya were close naman. But only in my style.

Hindi nalang ako sumagot at hinayaan siya. I looked at myself in the mirror and smirked.

Ang ganda ko talaga

I stood up and get my Chanel Petite timeless tote that my Mom bought for me. I'm not a spoiled brat. Kung may gusto ako, pinaghihirapan ko.


Sadyang nagsasayang lang ng pera ang mga magulang ko sa mga kung anu-anong bagay na pinamimili nila. Pero minsan lang nila gamitin.

K. No one cares.


Bago ako lumabas sa baul ko (Yeah! I prefer baul kaysa sa Room. Dito ko kasi tinatago lahat ng sekreto ko.) , pinagmasdan ko muna ito.

Simple lang naman ang baul ko. White and black ang color niya. White yung color interior ng room. Then may mga touch of black sa gilid. And may walking closet pa.

Sa dami ng mga nireregalo sakin na mga branded na damit and shoes. Hindi ko na alam kung saan ko lahat ilalagay yon.

Isama mo pa lahat ng mga pinamimili ko at binibili ng Mommy ko. Plus may veranda pa malapit sa kama ko pero may sliding door siya. Kaya I have no worries.


I sigh and closed the door and locked it.


"Good bye Xeira"


Oh... Nag ba bye sakin ang amang hari.


Aww. That is so cute! You actually think I care? Well that's a hell NO.

"Please understand. This is not a Goodbye. This is I can't stand you."


x


"Miss Xeira nandito na po tayo."


Nakatulog pala ako sa buong byahe.


Hayst.


Kinusot kusot ko ang mata ko at lumabas sa kotse.

Nakita kong nakalabas na ang mga maleta ko.

Kaya umayos nako ng tayo at sinimulang kunin ang isang bagahe ko at naglakad patungo sa bahay na titirahan ko.


Kinuha na lamang ni Butler Han ang iba.


Malaki naman itong bahay. Tulad din ng palasyo namin na hanggang tatlong palapag. Sana lang ma-enjoy ko ang pag i-stay ko dito.


Pag sinabi kong ENJOY. IBIG KONG SABIHIN AY SANA WALANG MANGINGIALAM NG PRIBADO KONG BUHAY.



Hindi ko akalain na kay Manang Pat to. Siya kasi ang nag recommend na dito nalang daw ako tumira sa building niya.

Sakto daw na may isa pang kwarto na bakante at sigurado daw siya na magugustuhan ko daw yon.


Si Manang Pat ay isa sa mga Yaya ko. Pero nag resign siya para mabantayan daw niya ang paglaki ng anak niya.


Hindi ko tuloy maiwasan na mainggit. Palibhasa kasi yung mga magulang ko busy sa mga trabaho nila.


Kaya sa tuwing nag be-birthday ako. Mga yaya at body guard ko lang ang kasama ko mag celebrate ng birthday ko.

"Butler Han. Ako na. Pwede na kayong bumalik sa palasyo."


"Sigurado po kayo?" Ibinaba na niya ang ibang bagahe ko malapit sa pintuan kung saan ako ngayon nakatayo.


"Yes."

"Masusunod po. Magingat po kayo Miss Xeira."


"Alam ko. Wala na kasi kayo sa tabi ko para bantayan ako."


Lumingon muli si Butler Han sa akin at ngumiti. At tuluyan na siyang umalis.


Hindi ko kayang masabi ang word na thank you. Pero nagpapasalamat ako in my own way.


I pressed the door bell twice pero wala paring nagbubukas ng pinto. Kaya nagsimula nakong mainip. Bakit ba ang tagal nila buksan? Tsk. Nakakainis na.


Ilang beses ko ulit pinindot pero wala paring nagbubukas kaya naisipan kong pihitin ang doorknob. At buksan ang pinto.



Buti nalang talaga bukas.



"I wish na sana tahimik ang buhay ko dito." Bulong ko sa sarili ko.



Pero pagkabukas ko may nakita akong isang lalaki. Haharap na sana siya sakin.

Pero biglang may sumunod sa kanya na isa pang lalaki na may hawak na cake. Pero nakaharang sakin yung naunang lalaki.


"Lagot ka sakin." Sabi ng isang lalaki. Hindi ata nila ako napansin dahil nga naman nakatakip sakin ang kung sino mang hindi ko kilalang tao.


"Joke lang talaga yun Krysler. Nadulas lang talaga yung kamay ko at naitulak ko sayo yung paper plate na may cake." Pagmamakaawa niyang sabi.



"Wala. Akong. Pake."


Magsasalita na sana ako pero nagulat ako at napapikit ng may dumamping kung ano sa mukha ko. Nalasahan ko at naamoy ang icing.


"Patay." Sambit nilang dalawa.


Great. WHAT A NICE WELCOMING.

[COMPLETED] A Princess Between 7 Princes || Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon