EPILOGUE

383 6 2
                                    

==LONGEST CHAPTER!!!==

Xeira's pov

Nasa hapag na kami ng kainan. Tahimik kaming kumakain. Masarap yung pagkain pero kaunti lang kakainin ko.

"Uhh, guys may sasabihin lang ako....." Panimula ni Skyler at ang naging dahilan kung bakit nawala ang katahimikan sa buong dining room.

"Ako rin." Sabi ko. Kailangan ko nang aminin. Di ko na kayang itago pa to sa loob ko.

"Mauna ka na Xeira. Ladies first naman eh." Sabi ni Skyler. Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Umiling ako at ngumiti.

"No, go ahead." Sabi ko at deretsong kumain.

"Ah. Kase ano... Kase next month..." Sinimulan niya. Derederetso padin ang pagtibok ng dib dib ko.

"Kase nga ano?" Sabi na ni Damien dahil ang di padin niya tinutuloy ang sasabihin niya.

"Kase nga may engagement party akong pupuntahan next week." Derederetso na niyang sinabi

"Kasama kami?"

"Sino ikakasal?"

"Anong motif?"

"Saan yung event?"

Puro ganyan yung naririnig ko. Di ko alam pero tibok padin ng tibok ang dibdib ko.

"May pagkain?" Tanong ko habang kumakain.

"Ako yung ikakasal." Napatigil ako sa pagkain sa narinig ko.

Biglang nabilaukan si Jastony.

"Ha? Ano?!" Gulat na sabi ni Prince.

"Hala...." Iba iba ang reaksyon ng anim na lalake sa paligid ko. Pero ako eto, tulala.

"Oy Xeira. Galaw galaw." Bigla akong nawala sa pagkatitig nung narinig ko ang sinabi ni Krysler.

"Ay galaw!" I acted at hinulog ng sadya ang kutsara. Tumayo ako para kunin yoon at kumuha ng bagong kutsara.

Dumeretso agad ako ng kusina pagkakuha ng kutsara.

Kukuha na sana ako ng kutsara pero, biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Parang may kumukurot at may sumusuntok sakin.

Masakit

Mahapdi

Mainit

Hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ang kamay ko habang namimili ng kutsara.

Hindi ko din alam kung bat pa ako namimili ng kutsara magkakaparehas lang naman lahat.

Kuha lang ako ng kuha ng hanggang makita ko na marami na ang nasa kamay ko at halata na ang panginginig. Sinubukan ko nang maglakad. Sa puntong to, hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sakin. Nanginginig nako, namimili.

Hindi ako mapiling tao.

"Xeira bat ang tagal mo naman diyan sa kusi-" napatigil na sabi ni Jastony.

Napatingin ako sakanya.

--

Jastony's pov

"Jastony, pacheck naman si Xeira dun. Kanina pa eh. Kukuha lang ng kutsara." Utos ni Krysler. Tumayo naman ako at naglakad na papuntang kusina.

Tuwang tuwa akong naglalakad papuntang kusina dahil sabik nakong kausapin pa si Xeira. Di kayo maniniwala pero kinakausap na kami ni Xeira. She laughs with us, she answers our questions, she greets back when we greet her at sa lahat, she smiles.

[COMPLETED] A Princess Between 7 Princes || Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon