=002=

654 33 2
                                    

Xeira's POV

"Nandyan na ba si Xei----Jusko po! Ano ba nangyari sayong bata ka,"

Nakapikit parin ako dahil sa icing na nakalagay sa mukha ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha doon ang panyo ko.

Pero naramdaman kong kinuha ito sakin ni Manang Pat at siya ang nagpunas ng mukha ko.

Narinig kong paulit ulit na humihingi ng pasensya yung dalawang tao na may kasalanan nito.

"Mis---" Magsasalita na sana si Manang Pat but I cut her off. Ayoko munang tawagin akong Miss or Your Highness habang nananatili ako dito.

Ayaw ko sa lahat na malaman nila kung sino at ano ako. Gusto ko munang itago na anak ako ni Mr. Lim.

"Tita Pagod na ako, asan na po yung kwarto ko?" Nakatingin parin ako ng walang ka emo-emosyon sa kanya. Napakamot nalang siya sa batok niya.

Mukhang nakalimutan niya yung pinagusapan namin.

"Nasa taas pa Xei. Iwan mo nalang yung ibang bagahe mo dito sina Krysler at Aiden nalang magtataas."

Tumango nalang ako, kinuha ko yung isang maleta ko at bag. At sinundan si Manang Pat papunta sa kwarto ko.

Inexplain sakin ni Manang Pat na nasa second floor ang kwarto ko. Dun ngalang sa pinakadulo. Nasa second floor din daw ang mga kwarto ng iba. Bali 8 rooms ang nandito. Yung pito na rooms ay magkakatapat ang pintuan at may mga initials ng pangalan nila na nakalagay sa pintuan. Tapos saakin yung nasa gitna.

Sabi ni Manang Pat na saakin daw yung pinakamalaking kwarto. Kaya no worries.

Pagkapasok ko ng kwarto ko iniwan nako ni Manang Pat para makapagpahinga na daw ako.

Pinagmasdan kong mabuti ang panibagong baul ko.

Malaki nga ito. At parehas din ito sa baul ko sa mansion.

Ang pinagkaiba ngalang mas malaki yung nasa mansion at walang walking closet dito.

Parehas din silang may Banyo. At may veranda din dito na may daan papuntang rooftop.

Inilapag ko na ang mga dala ko. At kinuha ko ang mga kaylangan ko pang ligo.

Ang lagkit ko na.

Hayst.

Pagkatapos kong maligo nagpalit nako. Blinower ko ang buhok ko at sinuklay yon.

Maya maya may narinig akong kumatok. Baka 'yon na yung ibang maleta ko. Binuksan ko na yung pinto at sakto nakita ko yung isang lalaki na tumapal ng icing sa mukha ko.

"Ah.. Eh..."

Tiningnan ko lang siya at kinuha ang ibang maleta ko at hindi siya pinansin.

"Uhm.. Ano.. Sorr---" Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya, pinagsarahan ko na siya ng pinto. Humiga nalang ako sa kama ko at inidlip ko ang sarili ko.

Krysler's POV

"Nakausap mo ba?" Pagtatanong sakin ni Aiden.

"Gago Hindi!"

"Hahahahahahaha! Harutan pa kayo ni Aiden. Para hindi lang pingot sa tenga ang aabutin niyo." Tumawa ng malakas si Prince sabay apir kay Skyler na prenteng nakahiga sa sopa.

"Ang tanga kasi ni Aiden. Bakit ka kasi umilag? Sana sinalo mo nalang yung icing. Para hindi nainis sakin yung bagong boarder ni Tita!"

Binulyawan ko kaagad si Aiden at binatukan siya. Nasabi na samin ni Tita Pat na ngayon dadating yung pamangkin niya at dito muna daw siya tutuloy.

[COMPLETED] A Princess Between 7 Princes || Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon