ELEVENTH CHAPTER

282 8 0
                                    

Chapter Eleven:
“Looking Out”

Pagpasok namin sa room.. Gush? Seriously? Nandito si Dwain? Means dito siya mag-aaral? Kinakausap pa niya si Danica..

Jusko Lord! Wag lang sana masabi ng daldalerang kakambal kong to yung tungkol sa kasal, tungkol sa arrange marriage. Please lang.

“Dwayne, come here. May pag-uusapan tayo” hayy.. Heto na baka masabi niya. Lumapit naman ako.

“Dwayne, si dad, lumipad na siya kagabi sa Canada. Dito ko na ipagpapatuloy tong pag-aaral ko” seryoso? Ibig sabihin umuwi lang sila dito para sabihin yung tungkol sa kasunduan? Haha. Di manlang siya nag-stay dito..

“Eh?” poker face nanaman ako. Tulala.

“Yes, that's true.. Kasi yung plano ———” tinakpan ko na yung bibig ni Dwain. Ayoko kasing malaman ni Dan yung tungkol sa kasunduan

“Wait? Ano yung plano?” yan na nga ba eh. Nagtanong na siya tungkol dun

“Ah, Eh, wala yun. Wala lang yun” pagsisinungaling ko. Ayoko talaga na malaman niya.

“Oo, wala yun. Yung plano kasi is ihahatid lang ako ni dad dito sa Pilipinas...  Yun yon.” salamat naman at tinulungan ako ng kambal kong to na pagtakpan yun.

“Aa, okay” yes naman buti nalang naniwala siya.


***

Pansin niyo bang wala pang teacher na pumapasok? Start na kasi ngayon yung preparation for the intramural meet.

Selection for Mr. and Ms. Intrams nanaman at elimination nanaman sa iba't-ibang sports. Magiging busy nanaman ako ng husto.. Ako ang SSG President, Captain sa Volleyball, Last Mr. Intramural, President sa Department namin.. Hayyy.


AYA's POV

Yun kaya yung kambal ni Ced? Haha. Nakakatawa lang. Magkamukhang magkamukha sila.. Length lang talaga ng buhok ang pinagkaiba. Haha. At yung kasarian nila. Ang di ko lang alam is yung ugali niya. Hehe

“Ath. Yun ba yung kambal ni Ced? Ganda niya...” tanong ko kay Ath sabay turo sa kausap nila Ced at Danica.

“Mmm? Oo, kambal ni Ced yun. Di ba halata? Haha tinamaan ka nanaman!” sagot naman ni Ath. Haha OO ata? Hehe.

Lumapit na ako kila Dan, Ced at sa kambal niya. Wala lang. Makikipagkaibigan lang.

“Ahm, Ced? Kambal mo?” tinawanan ko si Ced at tumango naman siya.

“Parang ikaw lang. Kung naging babae ka. Haha” dagdag ko.

“Erica, Krish Erica Dwain. Kambal niya ako. Anong masama don? Malamang magkamukha kami, kambal nga diba?” haha nakakahiya naman siya na unang nagpakilala. Medyo pilosopo din pala siya at gusto pa ata niyang makipag-shake hands.

“Aya, Airiane Yumie Anne. ” iniabot ko na yung kamay ko sa kamay niya para mag-shake hands.

***

Magkakasama kami nila Ced na naglunch at mas lalo ko pang nakilala yung twin sister niya. Mabuti naman pala siyang tao. Nag-aadjust lang siya dito sa Pilipinas.

Krish Erica Dwain's POV

Hindi naman sa nadidiri o masungit ako.. Haha.. Nag-aadjust lang talaga ako..

Pumasok na kami sa room at nakita namin na may teacher na nasa loob ng room.

Pagpasok na pagpasok namin sa room.. Nag-ingay na sila at tinuro kami ni Airiane.

Falling Inlove With A Boyish (#Wattys2018 #WattPride)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon