Torn Between Two Lovers

19 8 4
                                    


"Salamat sa pakikipag libing. Paano nyo nga pala nalaman na libing ngayon ni Joachin?", tanong sa amin ni Jason.

"Nabalitaan ko lang kanina sa school. May nakapag sabi na lower batch. Eh, sakto nagpunta itong si Claire sa school kanina kaya sinabihan ko sya para makapag libing kami", sagot ni Sarah.

"Uhhmm, Jason mauna na kami ni Sarah ha. Baka gabihin kasi kami pauwi. Nice meeting you again", sabi ko sabay ngiti.

"Okay. Oo nga pala, may cellphone number ka ba or landline, Claire? Para sa 40 days ni Joachin, ma-inform ko kayo" sabi ni Jason.

"Mmm.. Sige. May cellphone ka ba? Ano number mo? Miss call kita", sagot ko kay Jason.

Pagtapos namin mag exchange ng umber ni Jason, umuwi na kami ni Sarah. "Wow ha! May pa exchange-exchange numbers pa kayo ha!", naghihinalang sabi ni Sarah sa kin nang nasa loob na kami ng kwarto ko.

"Oyy grabe ka! Pati ba naman yun bibigyan mo pa ng meaning" nagtatampong sagot ko habang napa ismid.

"I smell something fishy lang naman", ngiting sabi ni Sarah.

After 2 days, nasa kwarto at nagbabasa ng pocketbook nang maka receive ako ng text from Jason. "Hi Claire! Jason here. Pwede ba tayo magkita? If pwede lang naman. Pls reply. =)"

Mula sa pagkakahiga ay napa upo ako ng mabasa ang text ni Jason. Unti-unting bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit kaya gusto ni Jason na magkita kami? Ano ba itong nararamdaman ko. Pero, wala naman sigurong masama na makipag kita ako. For old times sake, di ba.

"Ok. Kelan at saan?", reply ko sa text ni Jason.

"Tnx sa reply! Tom s Megamall mga 12pm lunch tym. Treat ko. =)" text naman ni Jason.

"K", simpleng sagot ko. Hindi ko muna sasabihin kay Sarah. Mas lalong di ko muna sasabihin kay Michael. Wala naman siguro masama. Kakain lang naman kami sa labas at malamang magkukwentuhan. Parang na-excite naman ako. Ano kayang susuotin ko?

Kinabukasan, pagbaba ko na taxi, nakita ko agad si Jason sa bungad ng Megamall. Kumaway sya at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya, bumibilis ang pintig ng puso ko na parang sasabog dibdib ko at ang mga kamay ko ay nag uumpisang manlamig.

"Thank you ha at pumayag ka makipag kita sa akin. Huwag ka mag alala, kakain lang tayo", sabi ni Jason pag lapit ko sa kanya.

"Bakit naman ako mag aalala. Kakain lang naman talaga tayo", sagot ko na ngumiti ng pilit.

"Hahaha! Itsura mo kasi parang bibitayin!" tumatawang sabi ni Jason habang naglalakad kami papasok sa loob ng mall.

"Ewan ko syo. Saan ba tayo kakain?" napasimangot na sabi ko habang binilisan ko maglakad.

Habang kumakain nag kukwentuhan kami ni Jason. Napag usapan namin yung pagkakaroon ni Joachin ng sakit hanggang sa mamatay sya. Pati kung saan sya nag aaral at kursong kinukuha nya. Second year college na si Jason sa pasukan at kursong Electrical Engineering sa isang kilalang kolehiyo sya nag aaral.

"Ikaw ba, saan ka mag college ngayon pasukan?", tanong ni Jason.

"Sa FEU. Nakapasa naman ako sa ibang school, pero yan ang pinli ko. Mag enroll nga ako next week eh", sagot ko.

"Samahan kita mag enroll. Anong araw next week? Agahan natin para matapos agad tayo", biglang sabi ni Jason. Nahinto ako sa pag subo ng kinakain ko at napatingin sa kanya.

To Be Continued...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon