Getting To Know

55 24 27
                                    


Claire Reyes Vasquez. Ako ay isang 4th year highschool student sa isang Catholic school sa Manila. Panganay at nag iisang babae sa apat na magkakapatid. May buhok na lampas balikat at tuwid na tuwid. Malamlam na mga mata at maliit at manipis na medyo mapulang labi. May katamtaman na ilong at may isang maliit na dimple malapit sa sulok ng kaliwang labi. Petite ang built ng katawan ko at di naman katangkaran.

Ang Papa ko ay OFW sa Saudi Arabia. Siya ay accountant sa isang Oil Company sa Saudi. Umuuwi sya isang beses sa isang taon para magbakasyon at makasama kami tuwing buwan ng December hanggang January. Nagiging isang buong masayang pamilya kami.

Si Mama naman ay dating accountant sa isang pharmaceutical company sa Manila. Pero mula ng mag abroad ang Papa ko, pinahinto na niya si Mama sa pagtatrabaho para maalagaan at mabantayan niya kaming magkakapatid. Pero sadyang nasa dugo ni Mama ang pagtatrabaho. Kaya di man sya regular na nagtatrabaho, nakakahanap pa rin ng pagkakaabalahan and at the same time, mapagkakakitaan kahit nasa bahay lang. Nagbe-bake sya ng mga cupcakes and simple pastries sa bahay at inaalok sa mga friends nya. Tumatanggap din sya ng order at dinadala sa mga events and meetings.

May tatlo akong kapatid na lalaki. Si Jerwin, 13 yrs old at nasa first year highschool. Tahimik at parang may sariling mundo sya. Madalas sa kwarto at nagbabasa ng books or nag se-search sa internet gamit ang laptop na regalo sa kanya ni Papa nung 13th bday nya. Grade five naman sa parehong school si Andy. Makulit at pala kaibigan ang kapatid kong ito. Sa age na 11 yrs old, palagi sa labas ng bahay at naglalaro ng basketball sa park or naglalaro ng playstation sa bahay ng mga kaibigan. Pinaka cute si Matthew ang bunsong kapatid ko. 9 yrs old at grade three student sa parehong eskwelahan. Tinutulungan ko si Mama sa pag aalaga kay Matthew kahit na may kasambahay kami. Isinasabay ko sa pag pasok sa school at hinahatid sa labas ng classroom niya.

Larawan kami ng isang ordinaryong pamilya. Hindi mahirap pero hindi naman mayaman. Napag aaral kaming magkakapatid ng mga magulang namin sa isang private catholic school. Nakakakain kami ng higit sa 3 beses sa isang araw. Nakakakain din ng masasarap na pagkain. Twice a month, kumakain kami sa labas kasabay ng pamamasyal namin sa mall. Ang mga magulang ko ay nakapag tapos ng college sa magagandang unibersidad. At pangarap ko din maging propesyonal tulad nila. Marketing ang balak kong kuhain na kurso sa kolehiyo. Gusto ko kasi makapag trabaho sa isang advertising company.

Tulad ng isang normal teenager, mahilig ako bumarkada. Masaya ako kapag kasama ko mga kaibigan ko sa pamamasyal or kahit sa pagtambay lang. Mahilig din ako manood ng sine lalo na yung mga bagong palabas. Syempre favorite ko din mag shopping! Sino ba namang babae ang hindi mahilig mag shopping lalo na sa isang teenager. Tinitipid ko ang allowance ko every week para makabili ng bagong damit, sapatos, bag, make up or nail polish. Every Friday, schedule ko magpa foot spa with manicure and pedicure sa suki kong salon. Syempre bawal sa school namin ang may nail polish. Kaya pagdating ng Sunday ng gabi, binubura ko na ang nail polish. May pagka kulit din ako at isip bata minsan. May pagka maarte at maingay din ako. I am an extrovert person.


Michael Patawaran Santos. 18 yrs old at nakapag tapos ng highschool sa isang pampublikong eskwelahan. Mula nang makapagtapos ng highschool, nagtrabaho sa mga fastfood chain. Sinubukan mag college ngunit di nakayanan ng ina paaralin dahil kapos sa pera. May taas na 5'7 at maputing balat. Nangungusap na mga mata at may mahahaba at makapal na pilik mata. Mat katangusan ang ilong at medyo makakapal na labi. Clean cut sa likod at may pagka keempee sa harap ang buhok at katamtaman ang pangangatawan.

May walong taon ng namayapa ang ama. Ang nanay nya ay isang janitress sa isang bangko sa Makati. Nakapag asawa ulit after 3 yrs mula ng mamatay ang kanyang ama. Bukod sa kanilang apat na magkakapatid, may tatlong kapatid pa sila sa pangalawang asawa ng nanay nya. Pangalawa si Michael sa kanilang magkakapatid. Ang ate Marie nya ay 21 yrs old at nakatira sa kapatid na babae ng tatay niya sa Laguna. Sumunod kay Michael si Tina, 14 yrs old at nasa 2nd year highschool sa isang pampublikong eskwelahan na malapit sa tinitirhan nila. Si Jason naman ang sumunod kay Tina at nasa 1st year highschool sa parehong eskwelahan. Sa pangalawang asawa ng nanay nila, panganay si Josef, 9 yrs old at grade 3 sa isang pampublikong elementary school. 7 yrs old at grade 1 naman si Sandra na sumunod kay Josef. At ang pinaka bunso nila ay si Neil na nasa kinder, 5 yrs old.

Medyo magulo nang bahagya ang pamilya nila Michael. Bukod sa madami silang magkakapatid eh di nila gaanong kasundo ang amain nila. Nagtatrabaho si Mang Berto sa taga supply ng kuryente sa buong Maynila. Isa sya sa gumagawa ng linya kapag may pumutok na transformer ng kuryente sa Maynila. Di kalakihan ang sweldo at kadalasan nagkukulang pa pang suporta sa kanilang lahat. Kahit pagsamahin ang sweldo ng nanay at amain nya, kukulangin pa rin dahil sa dami nila magkakapatid. Pasalamat nalang sila na kahit papaano, hindi sila umuupa ng bahay. Pag aari nila ang bahay at lupa at kasalukuyang binabayaran pa sa NHA na unang inasikaso ng tatay niya noong nabubuhay pa ito.

Dahil sa kahirapan kaya di naipag patuloy ni Michael ang pag aaral sa kolehiyo. Ang ate Marie naman nya ay sa Laguna nakatira at ang tiyahin nila ang nagpalaki dito mula ng mamatay ang tatay nila. Tumutulong ang ate nya sa maliit na grocery ng tiyahin nya. Si Michael ay nakapag trabaho sa isang kilalang fastfood chain pero nag end of contract na kaya tambay sya sa kasalukuyan. Hindi nya kasundo ang amain nya mula ng nagpakasal ito at ang nanay niya. Hindi naman nananakit ang amain nya pero sadya lang talaga di nila makasundo. Marahil siguro di pa nila masyadong tanggap ang pagkamatay ng tatay nila at biglang pumasok ang amain nya sa eksena.

Dahil hindi makasundo ang amain at medyo maingay sa bahay nila kaya palagi nakatambay sa labas si Michael. Si Michael ay tahimik at di pala kibo. Mahilig sya mag gitara at tumambay sa mga bahay ng barkada. Mag jamming sila at mag inuman minsan sa gabi. Mahilig din siya mag basketball at maglaro ng chess.

Isa sa madalas tambayan ni Michael ay ang bahay ng classmate nya nung highschool, si Ronald. Anim silang magbabarkada kasama si Eric na madalas tumambay kina Ronald. Halos inaabot sila ng gabi sa pag tambay at doon na nag hahapunan. Kadalasan din doon na sila nag iinuman hanggang madaling araw at may pangyayari pa na doon na sila nakakatulog hanggang umaga. Mabait ang mga magulang ni Ronald. Parang anak na ang turing nila sa mga barkada nya lalo na kay Michael. Alam kasi ng mga magulang ni Ronald ang istorya ng buhay ni Michael. At may kaunting awa silang nararamdaman. Maayos na teenager si Michael. Hindi naman pala away. May bisyo ng paninigarilyo at paminsan minsan na pag inom ng alak. Pero hindi naman nagsusubok ng pag gamit ng drugs.

Si Ronald ay kababata ko. Nakatira si Ronald sa tabi ng bahay namin. At dahil madalas tumambay sila Michael kina Ronald, kaya nagkakilala kami. Naging magkaibigan pero di naman close friend. Naging boyfriend ko si Eric na barkada nila Ronald at Michael. Pero di nagtagal ang relationship namin na nabuo lang sa tuksuhan.

Mula nang samahan ako ni Michael manood ng sine, naging close kami. Palagi na ako nag papasama sa kanya sa mga biglaang lakad ko kapag hindi pwede si Sarah. Dahil libre sya kasi nakatambay lang naman sya.

Pero dahil sa larong Truth or Dare, mukhang may mag babago sa pakikitungo ko kay Michael. Dahil sa isang kiss na halos dumampi lang ang mga labi ko sa labi ni Michael eh mukhang may magbabago sa damdamin naming dalawa.

Parang nahihiya na ako humarap kay Michael. Kumakabog ang dibdib ko at parang may butterfly sa tiyan ko maisip ko lang ang nangyari. Nanlalamig ang mga palad at paa ko. Si Michael kaya, ganito din kaya ang nararamdaman nya?


***Abangan ang next episode. Pls comment any reactions or reviews below. =)***

To Be Continued...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon