"Michael, bukas na ako mag eenroll. Ikaw, kamusta pag-hahanap mo ng school na mapapasukan?", tanong ko kay Michael habang naka tambay kami sa ilalim ng puno ng aratilis sa park.
Hinawakan ni Michael ang kaliwang kamay ko sabay sabi, "Pass muna ako this school year. Baka next year na lang. Wala pang pera si Mama."
Kitang-kita ko sa mga mata nya ang lungkot na pilit tinatago. "Ganun ba. Bakit di ka mag working student? Try mo mag apply sa Jollibee tapos sabihin mo mag part time ka kasi mag aaral ka tapos apply ka na sa mga school na mababa lang tuition. Try mo next semester", suggestion ko. "Pwede naman yun di ba."
Ngumiti lang si Michael sabay halik sa kaliwang kamay ko na hawak niya. "I love you, Claire."
"I-I love you too", nauutal na sagot ko kay Michael. Mahal ko si Michael, pero may kasalanan ako sa kanya. Ang tungkol kay Jason.
Nagi-guilty ako sa nangyayari. Mahal ko si Michael. Pero nae-excite ako kay Jason. Nae-excite ako na may boyfriend akong college student din at nakakapag kwentuhan kami tungkol sa schools at mga clubs na pwedeng salihan sa school. Bahala na. Titimbangin ko muna bago ako mamili.
"Ano?! Gaga ka! Bakit mo ginawa yun?! At alam pa ni Mama mo ha!", gulat na sabi ni Sarah ng ipagtapat ko sa kanya ang nangyayari sa kin. Nasa loob kami ng kwarto ko at naka upo sa kama ko.
"Oo, alam ni Mama. Sinabi kasi ni Jason nung pinilit nya kong ihatid dito sa bahay last week. Hindi ko na nga alam gagawin ko, Sarah. Naguguluhan na ako", pag amin ko kay Sarah.
"Si Mama, botong-boto kay Jason. Sabi nya sa kin kahapon, hiwalayan ko na daw si Michael at si Jason na lang piliin. Bukod sa kilala nya ang family eh nag aaral pa daw. Samantalang si Michael, di na nga nya kilala tapos tamad pa kasi di daw mag working student kung walang pera pang paaral. Tapos sabi pa nya, pag si Michael daw makatuluyan ko, siguradong mag titinda daw ako ng banana-q sa kanto! Haaayyy, Sarah. Naguguluhan na ako!" nanlalambot na napahiga ako sa kama.
"May point si Mama mo. Si Michael kasi eh! Pero sino bang mas matimbang? Sino mas mahal mo?" tanong ni Sarah.
"Mahal ko si Michael. Mahal na mahal. Pero si Jason, may sundot sa puso ko. Alam mo naman may history kami nun mula nung mga bata pa tayo. And habang lagi kami nag kakasama ni Jason, lalo akong nahuhulog sa kanya. Tapos ginagatungan pa ni Mama. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin" naguguluhan na sagot ko kay Sarah.
"Ganito na lang. Timbangin mo muna. Hanggang bukas. Pag uwi mo after mag enrol, mamili ka kung sino ba talaga mas mahal at mas pipiliin mo. Kailangan mo ng mag decide bago pa malaman ni Michael at Jason", advice ni Sarah.
After mag enroll, diretso kami ni Jason sa Jollibee na malapit sa school para mag lunch. "Ano gusto mo kainin?", tanong ni Jason.
"One-piece chicken with rice and regular coke. Yan lang", sagot ko kay Jason.
"Sige. Ako na bahala umorder. Hanap ka na ng mauupuan natin."
BINABASA MO ANG
To Be Continued...
RomanceA story about teenage love to adult love. Nag umpisa sa tuksuhan, biruan hanggang sa totohanan. Will this become true love? Destiny?