"Sino yun?", tanong ni Michael nang makalapit sya sa kin mula sa kabilang kalsada.
"Ahhh, si Jason. Dating kapit-bahay namin. Kababata namin nila Ronald. Close kasi yung mama nya kay mama. Pinapunta sya sa min ng mama nya kasi umorder ng leche flan sa mama ko", sagot ko kay Michael.
"Totoo ba yan? Bakit pinisil ka pa sa pisngi? Baka naman may kailangan akong malaman?", naghihinalang tanong ni Michael habang nakatitig ng matiim sa kin.
Kinabahan ako. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko na halos marinig ko na.
"Ewan ko dun bakit pinisil pisngi ko. Kainis nga eh. Baka madumi pa kamay nya. Ano naman kailangan mo malaman? Ikaw talaga kung ano-ano pinag iisip mo. Tara na nga sa park", pag yaya ko kay Michael at para maiba ang usapan. Hindi ko na alam kasi ang isasagot ko kapag nagtanong pa sya.
Sa park, as usual, naka upo kami sa paborito naming tambayan ni Michael. Sa ilalim ng puno ng aratilis.
"Claire, yung totoo? Nanliligaw ba syo yung Jason na yun? Hindi ako magagalit, basta magsabi ka lang ng totoo", tanong ni Michael habang hawak ang kaliwang kamay ko.
"Hindi nga. Ano ka ba. Kanina mo pa ko kinukulit about dyan. Nakakainis na ha", pagkukunwaring galit-galitan ko. Mabubuking na yata ako.
"Gusto ko lang malaman ang totoo. Maiintindihan ko kung ayaw mo na sa kin. Maiintindihan ko kung magkagusto ka sa iba. Basta aminin mo lang agad sa kin. Mahal kita, Claire. Kaya maiintindihan ko lahat at pilit na iintindihin para sa yo" sabi ni Michael habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. Pilit na inaalam ang totoo.
Bigla akong nakaramdam ng awa habang nakatitig sa mga mata ni Michael. Parang nararamdaman ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Michael, mahal din kita. Wag ka na mag isip ng kung ano-ano. Okay? Hindi ako mawawala sa yo", sabi ko kay Michael habang hinahaplos ko ang kanang pisngi nya.
Bilang pag sagot sa sinabi ko, hinalikan ni Michael ang kaliwang kamay ko. Haaayyy. Mahal ko talaga si Michael. Sya ang pipiliin ko. Makikipag hiwalay na ko kay Jason.
Halos 2 weeks kami di nagkita ni Jason. Busy daw kasi sya kaya hindi nya ako nasusundo sa school. May mga project sa school sya na tinatapos. Kaya tuloy hindi ko pa nagagawang makipag hiwalay sa kanya. Friday na. Maaga akong umuwi sa bahay para maka iwas sa traffic.
Habang binubuksan ko ang gate namin para pumasok, may tumawag sa kin.
"Claire!"
Pag lingon ko, si Jason nakatayo sa tindahan sa tapat ng bahay namin kasama si Ronald, Jasmine at Sarah. Nagulat ako at nakaramdam ng kakaibang kaba. Pag tingin ko kay Sarah, pasimpleng sumenyas sya ng 'lagot ka'. Si Jasmine naman ay nakangiti ng sobrang tamis. Si Ronald naman ay seryoso ang mukha habang si Jason, nakangiti na hindi umaabot sa mata. Lalo akong kinabahan.
"Oh, Jason, kanina ka pa dyan?", tanong ko.
"Medyo kanina pa kami nagkukwentuhan. Inaantay kita", sagot ni Jason.
"Ahhh ganun ba. Pasok muna ko sa bahay magpapalit ng damit", sabi ko. Iwas ko sa kanila. Parang ayaw ko ng lumabas. Parang ayoko ng kausapin si Jason.
"Sama ko sa nyo. May sasabihin lang ako kay Tita. May pinapasabi si Mama ko", sabi ni Jason habang naglalakad papalapit sa kin.
Awww! Di talaga ako makaiwas. Lalong bumilis kabog ng dibdib ko.
"Okay", sukong sabi ko kay Jason. Eto na ang kinakatakot ko. Bahala na. Tutal, makikipag hiwalay naman talaga ako sa kanya.
Pagtapos ko magpalit ng damit, bumaba ako sa hagdan papunta sa sala kung saan naka upo si Jason at kausap si mama.
BINABASA MO ANG
To Be Continued...
RomanceA story about teenage love to adult love. Nag umpisa sa tuksuhan, biruan hanggang sa totohanan. Will this become true love? Destiny?