Second meet

1 1 0
                                        

Seb POV

Pag mulat ng mata ko alas otso na.
Ahhhhh sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over.
Hindi ko na alam kung paano ako naka uwi kagabi basta ang huling natatandahan ko nakita kong lumabas ng bar si Ms Peevish kasama si Sehun syempre alam na kung saan sila pupunta!
Nakaka bad trip akala ku pa naman ibang babae siya.
Wala din palang pinag kaiba sa mga babaeng nakaka one night stand ko.
Sabagay ano pa nga bang aasahan ko sa pananamit pa lang niya halata naman hindi na siya birhen  nagpapaka virgin effect lang dahil sa amo ng mukha niya pati nadin sa kasungitan niya.
Sayang lang yung buong araw na pag iisip ko sa kanya kahapon akala ko siya na yung babaeng liligawan at papakasalan ko mali pala ako ng akala sa kanya.
Maling akala!
Bad trip na babae!
Dahil sa kasungitan na ipinakita niya sa akin naloko niya ako.
Sabi kasi ng sister ko ang babaeng virgin kahit makakita ng gwapo wa effect daw sa kanila at mas lalo ka daw pag susungitan dahil ang tingin nila sa aming mga gwapo HEARTBREAKER and VIRGINITYBREAKER hahaha tama
Hindi joke lang.
Depende yun sa mga babae,nasa kanila din kasi kung paano sila gagalangin ng mga lalake.
Tsaka ako yung gwapong lalake na marunong rumespeto ng mga babae.
Hindi ako HEARTBREAKER at mas lalong hindi ako marunong mag wasak ng virginity.
Sabi ko nga sa inyo diba ang babaeng gusto kong pakasalan ay yung babaeng birhen.
Pero mukhang mahihirapan na akong mag hanap ng ganon.
Tatanda na lang ata akong binata sayang naman yung lahi ko hahaha
Makaligo na nga at sobrang late na ako sa office buti na lang excuse kami kahit na late ng pumasok.
Iyon ang sabi ni Baekhyun last night sa party.

BYUN COMPANY

Pag pasok ko sa office nakasalubong ko si Loyd nakatingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti sa labi.
Ano nanaman kayang kahulugan ng ngiting iyon?

"Musta naman ang pakiramdam ng lalakeng nabigo sa pag ibig?"

"Ulul! Sinong bigo sa pag ibig?!"

"C'mon Seb wag ka nang mag deny"

"Wala akong alam sa sinasabi mo lumayas ka nga sa harap ko at marami pa akong trabahong dapat tapusin"

"Sure Mr heartbroken wahahaha"

Sabay talikod niya.
Baliw talaga napaka chismoso kalalaking tao ang bilis maka sagap ng chismis.
Kanino niya kaya nalaman yon?
Wala naman akong balak ipag sabi pa yon wala nadin namang mangyayari kahit malaman pa niya.
Hindi naman iyon mababago na may Sehun na si Ms Peevish at hindi na siya birhen.
Wala nakong pakialam sa kanya!
Wala na!
Turn off na ako!
Bago siya tuluyan lumabas ng pinto humarap muna siya sa akin ng may nakakalokong ngiti nanaman.
Nakakapikon na siya sa totoo lang!

"Siya ng pala bro nakita kuna kanina si Ms Ashley grabe Seb ang hot manamet sexy!"

"I don't care get lost!"

"Are you sure you don't care?"

"Loyd get lost!"

"Okay may nalaman pa naman ako about kay Ms Ashley and I'm sure mag didiwang ka pag sinabi ko kung ano"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya at napatitig sa mata niya.
I know Loyd kung kailan siya nag sasabi ng totoo at kung kailan siya nag titrip lang.
At sa nakikita ko ngayon seryoso siya.
Bigla tuloy akong kinabahan.
Ano kaya yon?
Tsaka bakit ako mag didiwang?

"Tell me"

"Ayoko nga! After mokong sigawan ng get lost?
Pakyu man!!"

This Time (Do Kyungsoo)Where stories live. Discover now