Seb POV
5SOS Bar
Dito kami madalas tumambay ni Loyd pag may problema ang isa sa amin dito kami nag papakalango sa alak.
After office hour pinuntahan ko na agad si Loyd sa office niya para yayain dito yung asawa ko ewan ko kung naka uwi na ba siya basta wala akong pakyalam.
Kailangan ko ng ilabas itong kinikimkim kong sakit sa dibdib siguro naman hindi ako pagtatawanan ni Loyd.
Sa VIP room kami dumiresto."Mukhang mahaba habang usapan to bro ha?"
Hindi ako umimik sa sinabi ni Loyd.
Inum lang ako ng inum.
Hindi nadin siya kumibo at nag umpisa nadin uminom.
Kailangan ko muna ng madaming alak sa katawan para magkalakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoong nangyari sa amin ng asawa ko after our honeymoon.
Tutal wala naman kaming sikretong dalawa ni Loyd kahit gago ang isang ito pag dating sa problemang ganito maaasahan mo siya.
Nakaka limang bote na ako itong si Loyd pangatlo palang.
Nakamasid lang siya sa akin hinihintay niyang magkalakas loob ako na sabihin sa kanya ang problema ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Ashley yung unang araw na maka bungguan ko siya.
Sa unang pagkikita palang namin na yon may naramdaman na akong kakaibang tibok sa puso ko.
Yung mga araw na pagsusungit at pag irap niya sa akin lalo lang siyang napapamahal sa akin.
Alam ko nabibilisan kayo sa nangyari pero wala eh na love at first sight ako sa kanya hindi nga ako naniniwala sa love at first sight dati pero ayun na nga nangyari sa akin ng hindi inaasahan.
Sumariwa din sa alaala ko yung mga panahon na masaya pa kami sabay naming pinaplano yung kasal namin yung mga pag lalambing ko sa kanya.
Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko napapailing ako na napapangiti.
Para nakong timang sa harap ng best friend ko pero wala akong pakyalam.
Masakit yung nararamdaman ko kailangan ko iyong ilabas.
Si Loyd naman to eh alam ko hindi niya ko pagtatawanan.
Masyado nakong nahihirapan sa sitwasyon namin ng asawa ko gusto ko yung ginagawa kong pag hihirap sa kanya pero ako din yung nasasaktan.
Mahal na mahal ko siya pero sa tuwing pumapasok sa isip ko ang ginawa niyang pag tatago ng malaking sikreto sa akin gusto ko siyang pahirapan.
Pero bakit nasasaktan ako ng ganito?
Ganito na ba talaga ako ka tanga para kahit nagawa na niya akong lokohin mahal na mahal ko padin siya na sa tuwing binabalewala ko ang mga effort niya at makita ko siyang umiiyak patago din akong lumuluha?
Ano bang dapat kong gawin?
Nahihirapan na ako.
Dumadating din sa puntong gusto ko na lang lunukin yung pride ko bilang lalake at kalimutan na lang ang pag gagago niya sa akin naiisip ko din kasi yung mga pangako ko sa kanya na kahit anong mangyari at kahit ano pa ang malaman ko hinding hindi ko siya iiwan.
Pero gago tong isip ko eh ayaw sumunod sa tibok ng puso ko.
Nangingibabaw ang pride ko bilang lalake at ang malaking selos ko para dun sa unang lalakeng naka una sa kanya.
Ganon ba niya kamahal ang gagung lalake na yon para ibigay ng basta basta ang virginity niya kahit hindi pa sila kasal?
Minsan ang unfair din ng buhay ako itong nagmamahal at rumespeto sa kanya ng totoo pero ako pa tong nasasaktan at nag mukhang tanga.
Ang masakit pa sa mismong kasal at kalagitnaan pa ng honeymoon namin dun ku pa malalaman ang katotohanan.
Bilang lalake sobrang sakit sa pakiramdam ang nangyayari sa amin alam ko hindi lang ako ang nahihirapan pati na din ang asawa ko pero sana sa una palang sinabi na niya sa akin ang totoo hindi yung kailangan ko pang mag mukhang tanga sa mismong honeymoon namin.
Kung sa una palang umamin ka na sa akin Mahal ko baka mas madali pa kitang mapatawad at kalimutan na lang ang nakaraan mo tutal mahal naman kita eh mahal na mahal.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata gamit ang likod ng kamay ko."Sige bro ilabas mo lang yan ang tunay na lalake marunong din umiyak pag nasasaktan"
"Ang sakit bro eh niloko niya ko!!"
YOU ARE READING
This Time (Do Kyungsoo)
RandomHello mga ka Goddess... Try to read my short story kahit wala siyang kwenta may kwenta naman yung mga gumaganap hahaha Actually nabuo lang siya bigla sa imahinasyon ko. Hindi siya ganon ka common na story like third party o kaya naman gangster,mafi...