Seb POV
Bosch Residence
Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking mukha.
Pag mulat ng mata ko mukha niya agad nasilayan ko yung maganda niyang mukha na mala anghel sa amo kung titigan mo akala mo napa ka inosente pa sa lahat ng bagay!
Ganito yung pangarap ko yung sa pag mulat palang ng mata ko sa umaga maamo na niyang mukha masisilayan ko pero hindi na ngayon!
Sinungaling siya ginawa ko lahat lahat sa kanya tapos ito pa yung isusukli niya sa akin?!
Mahal ko siya mahal na mahal pero yung katotohanan na ginawa niya akong malaking tanga hinding hindi ko siya mapapatawad!
Sinira niya ang mga pangarap ko.
Tinitigan ko siya ng masama."Ano bang kailangan mo bakit nanggigising ka?!
Umagang umaga sinisira mo araw ko!!!""Baste tanghali na ginising lang kita para kumain"
"Kumain kang mag isa mo busog ako!"
Sabay tayo ko sa kama.
Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over.
Hindi ko alam pa ano ako napunta sa kwarto basta ang alam ko nag pakalasing ako dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko pag ka tapos ng malaman ko sa babaeng mahal ko.
Hinawakan niya yung kamay ko nung patalikod nako para pumasok sa cr.
Tinitigan ko yung pag kakahawak niya sa kamay ko pag ka tapos binaling ko ang tingin sa mukha niya."Mahal ko please kung galit ka sa akin wag mong idadamay ang pag kain"
"Wag mo kong hahawakan nandidiri ako sayo!"
Sabay alis ko ng kamay niya sa pag kakahawak sa akin.
Tumalikod nako at tuluyan ng pumasok sa cr para maligo.
Dinig na dinig ko ang pag iyak niya kaya't pumikit ako at nilakasan ang shower.
Tanga nga siguro ako dahil kahit niloko na niya ako mahal na mahal ko padin siya at hindi ko padin siya kayang makita na nasasaktan.
Kusang tumulo ang luha ko sa mga mata.
Bakit nagawa mo sa akin ito mahal ko?!
Bakit niloko moko?!
Bakit nag sinungaling ka sa akin?!
Bakit sa mismong honeymoon pa natin dun ko pa malalaman?!
Bakit hindi mo ka agad sinabi sa akin?!
Kung sana sa una palang sinabi mo na sa akin baka mas madali pa para sa akin ang tanggapin ka mahal kita eh mahal na mahal!
Ako wala akong tinago sayo hindi ba sinabi ko sayo habang maaga pa mag sabihan na tayo ng mga deepest secrets natin?
Ang daming pag kakaton para umamin ka sa akin pero hindi mo ginawa mas pinili mong mag sinungaling na lang sa akin!
Ganyan ba yung pag mamahal na sinasabi mo sa akin?!
Anong klaseng pag mamahal yan Ashley nakaka gago naman!!!
Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita sa panloloko mong ito sa akin.
Bahala na nasa saiyo na kung kaya mong tiisin ang pagtrato ko sayo nangako akong hindi kita iiwan diba?
Marunong akong tumupad ng pangako!
Papalasap ko lang sayo ang sakit ng panloloko mo sa akin!Pag ka tapos kong maligo nagbihis na ako at bumaba.
Pagkababa ko nadatnan ko ang asawa kong naglilinis ang daming mga basag basag na bote tapos lahat ng gamit wala sa pwesto sobrang daming kalat.
Napapikit ako dahil biglang kumirot ang ulo ko inilot ko ang sintido ko para kahit papaano maibsan yung sakit.
Dahil sa paglalasing ko last night im sure ako yung may kagagawan lahat ng mga kalat na yon.
Tinitigan ko ang asawa ko naka talikod siya sa akin at busy siya sa pag lilinis kaya't hindi niya siguro namalayan na nakababa na ako at ngayon naka tayo sa likod niya.
Hindi ganito ang pangarap ko sa aming dalawa.
Ang gusto ko sabay kaming gigising sa umaga na may parehong masayang ngiti sa mga labi gusto ko ako yung magluluto ng almusal namin sa umaga tapos pag dadala ko na lang siya ng almusal sa kwarto namin.
Gusto ko sabay kaming kakain habang masayang nag kukwentuhan at sabay naming paplanuhin yung magiging takbo ng masayang pamilya namin.
Yung mag kukulitan kami kung ilan magiging anak namin
Pupunuhin namin ng masasayang alala itong bahay namin.
Kaso wala lahat ng iyon hanggang pangarap ko na lang.
Hindi ko namalayan lumuluha na naman pala yung mga mata ko.
Mabilis ko iyong pinunasan ng maramdaman kong papalapit na siya sa akin.
Balik poker face ako nang nasa harapan ko na siya.

YOU ARE READING
This Time (Do Kyungsoo)
RandomHello mga ka Goddess... Try to read my short story kahit wala siyang kwenta may kwenta naman yung mga gumaganap hahaha Actually nabuo lang siya bigla sa imahinasyon ko. Hindi siya ganon ka common na story like third party o kaya naman gangster,mafi...