The Truth

0 1 0
                                    

Seb POV

Sira ulo talaga itong best friend ko pumili pa talaga ng mamahaling restaurant pasosyal ang gago.
Ang balak ko sana tatakasan ko na lang siya dahil gusto kong maka bawi ng tulog pero ang gunggung nauna pa sa akin sa kotse ko.
Siguraduhin lang niyang matutuwa ako sa sasabihin niya kung hindi baka ngayong araw ding ito makakatikim na talaga siya ng isang kutos.

"Axl Loyd ikaw na gago ka siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa sasabihin mo ha?!"

"Wahaha oo naman Sebastian sure na sure!"


"Pakyu ka talaga kahit kailan!"


"I love you too bro wahahA"





Now playing This guys in love with you pare by PNE





Nag finger sign na lang ako sa kanya ayoko ng maki pag talo napakahirap niyang kausap daig pa niya ang tatlong taong gulang na batang nangungulit sa magulang para ibili ng laruan at candy.
Sininyasan ko ang waiter para maka order na kami sa totoo lang gutom na talaga ako hindi na kasi ako naka pag lunch sa office kanina dahil sa dami ng trabaho.
Tsaka baka makita ko lang dun si Ms Peevish at Sehun masira pa lalo yung araw ko.
Inayaan ko na lang siyang pumili na kakainin namin kahit ano naman kinakain ko eh dinaman ako choosy haha.
Pag ka alis ng waiter bigla akong tinitigan ni Loyd.


"Anong ibig sabihin ng tingin na yan Axl Loyd?!!"


"Ang gwapo mo pala Sebastian! Pwede akin ka na lang?"


Bigla akong namutla sa sinabi niya! DaPAK Totoo ba yung narinig ko?!
Bakla si Loyd?!!! Bakit hindi ko man lang nahalata sa tagal ng pag kakaibigan namin?
Alam ko naman na gwapo ako eh pero hindi ko alam na pati yung best friend ko ma iinlove sa akin.
Ito ba yung importante niyang sasabihin?!
Pero diba sabi niya about yun kay Ms Peevish?!
Napano?!
Hindi ako maka sagot mandidiri bako o ano?!
Tapos yung tumutugtog sakto pa sa sitwasyon namin ngayon.
Grabe talaga! Paano nalang yung minsan na sabay kaming naliligo tapos magkatabi kami sa pag tulog nakakadiri!
Baka pag masarap yung tulog ko pinag sasamantalahan na niya ang macho kong katawan.
Hindi kita mapapatawad Axl Loyd kapag ginawa mo sa akin yon pinag katiwalaan kita!
Tatayo na lang sana ako dahil hindi nako maka tiis sa sitwasyon namin nang bigla siyang bumunghalit ng tawa halos pag tinginan na kami ng mga ibang taong kumakain doon dahil sa lakas ng tawa niya.
Bigla tuloy akong nainis sa kanya gago pinagtitripan nanaman ako!


"Pakyu Axl Loyd!!!"


"Wahaha hahha Sebastian best facial expression ever!!!
Priceless bro wahahaha!"


"Sira ulo! Pag hindi ka tumigil sa pagtitrip mo sa akin iiwan kita dito ubusin mo lahat ng inorder mo at ikaw lahat mag bayad!!!!"


"Wait lang bro joke lang!"

Tinitigan ko siya ng masama konting konti na lang Loyd.
Tumigil siya sa pag tawa ng dumating ang order namin pero sa sulok ng labi niya kitang kita ko yung pag pipigil ng ngiti niya.
Hindi ko siya kinikibo kain lang ako ng kain bahala siya sa buhay niya.
Gutom na nga yung tao pinagtitripan pa napaka abnormal niya talaga.
Napansin siguro niya na pikon na talaga ako kaya tuluyan na lang siyang nanahimik at kumain na lang din.
In fairness masarap naman yung pag kain nila dito kaya kahit papaano kumalma yung inis ko kay Loyd.


"Wag kang pikon Sebastian"




"Walang may pake Axl Loyd!"


This Time (Do Kyungsoo)Where stories live. Discover now