Ringggggg...Ringggggg....
Bigla na lang akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko.6:30 na kaya pumunta na ko agad sa banyo para maligo at pagkatapos kong bumalik magpalit, bumaba na ko sa baba para kumain.Habang kumakain ako may itinanong si Mama sa'kin.
"Musta gising mo anak??" Sabi ni mama" Okay naman po." Sabi ko at itinuloy ko na ang pagkain.
Beeeeeppppp....beeeeeppppp....
" Oh anjan na pala yung service mo" sabi na mama.
"Sige po ma. Pasok na po ako" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Ingat ka anak! Huwag kang masyadong magpapagabi ha!" Pahabol pa niya sakin pero hindi na ko sumagot.
May service ako mula 1st year hanggang ngayong 4th year na kami. Ayaw kasi ni papa na pumapasok at umuuwi akong mag-isa. Hindi naman ako nag-iisa sa service ko. At dahil alam naman ni papa na may pagkaboyish ako, may mga lalaking kinuha si papa na kasama ko para daw may katrip ako pero hindi rin naman daw pwede na wala rin akong kasamang babae kaya kinuha niya sila Venice, Kiray at Noemi. Syempre kaservice ko rin ang childhood friend ko na ubod ng sungit, siya ay si Adrei. Sila Joshua, Ivan at Rex yung iba pa naming kasama sa van. 4 seaters ang van sa left side kami nila Andrei, Rex at Venice. Sa right side naman sila Kiray, Ivan, Noemi at Joshua. May couples sa mga kasama ko, yun ay sila Ivan at Noemi, Kiray at Joshua at may m.u. naman sila Rex at Venice.
1 hour ang travel time namin kaya yung iba samin ay nakatulog na at pati ako, hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ko....
Setting: St. Claire high
Ginising ako ni Rex. Andito na pala kami sa St. Claire. Nakatulog pa pala ko sa balikat niya.
" Sorry kung nakatulog ako sa balikat mo." Sabi ko.
" Ok lang basta ikaw." Sabi niya at bahagyang ginulo yung buhok ko.
" Hayaan mo sa su-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi biglang sumingit sa usapan si Andrei.
"Tara na. Late na tayo." Sabi niya at lumakad na papasok.
"Problema nun?" Sabi ko kay Rex pero kibit balikat lang siya.
Sumunod na kami sa kanya at tinignan kung anong section kami. 4- B kami nila Andrei, Ivan at Kiray. 4- A naman sila Rex, Venice, Noemi at Joshua. Kung tatanungin niyo kung sino yung mas magaling, syempre 4- A yun pero mas sikat naman kaming taga 4- B.
"Oh pa'no yan, magkakaroom na naman tayo." Sabi ko kila Andrei, Ivan at Kiray.
"So ano tuloy ang ligaya?" Sabi ni Ivan pero hinampas siya ni Noemi.
"Anong tuloy ang ligaya ka jan." Sabi ni Noemi.
"Joke lang..." Sabi ni Ivan at nag peace sign pa.
"Behave ka don. Subukan mo lang magloko, hindi mo makakayanan ang gagawin ko sayo." Sabi naman ni Noemi.
"Dont worry babe. Good boy na ko." Sabi naman ni Ivan.
"Tara na. Late na tayo." Sabi ni Andrei at lumakad na papunta sa room namin.
***
Tapos na ang 1st at 2nd period namin pero hinihintay ko pa rin si Kiray. Hindi pa kasi niya tapos yung pinagawa samin ni Ma'am. Nauna na sila Andrei sa Canteen kasi gutom na daw sila.
Nagtext pala sakin si Noemi kanina na nasa canteen na din sila.
***
Sa wakas tapos na rin si Kiray kaya pumunta na agad kami sa canteen.Setting: canteen
"Bakit ang tagal niyo." Sabi ni Noemi sakin.
"Pano kasi ang tagal ni Kiray magsulat kaya nahuli kami." Sabi ko.
"Bakit ako na naman." Sabi ni Kiray.
"Eh ikaw naman talaga eh." Sabi ko.
"Sabi ko nga." Sabi niya sabay upo sa tabi ni Joshua.
"Ang ingaaay." Sabi ni Andrei.
Sumunod naman kami sa kaniya.
Pagkatapos naming kumain, dumaretso na ko sa tambayan namin. Hindi ko alam na nandon na pala si Andrei. Nadatnan ko siya na nakaheadset kaya hindi niya napansin na dumating ako. Umupo ako sa harap niya. Pinagmasdan ko lang siya pero biglang dumating si Ivan.
"Huy baka matunaw yang kaibigan natin." Sabi niya pero hindi siya narinig ni Andrei kasi naka loudspeaker yung phone niya.
"Che!" Sabi ko. Tinapik naman niya si Andrei para pansinin siya nito.
"Tol may practice daw tayo sa basketball." Sabi niya.
"Sige." Bubuhatin na niya sana peropinigilan siya ni Ivan.
"Iwan. Mo na lqng kay Renesmee." Sabi niya. "Okay lang ba sayo Renesmee?" Dagdag pa niya.
"Oo naman." Pagkasabi ko niyan, umalis na sila.
Naiwan sakin lahat ng gamit ni Andrei pati yung cellphone niya. Maya-maya may tumunog na cellphone, tinignan ko yung cellphone ko pero hindi naman yun. Tinignan ko yung cellphone niya at nakita kong may tumatawag sa kanya pero hindi nakaphonebook yung no.
Sinagot ko na lang para malaman ko kung sino siya. Pagkasagot ko sa call niya bigla siyang nagsalita.
"Hello bhaby.?" Sabi niya.
"Hello." Sabi ko.
"Sino to? Bakit na sayo yung phone ni Andrei?" Sabi niya
"Iniwan niya sakin kasi may practi-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla niyang pinutol yung usapan.
"Kung andito ka lang sana, kanina pa kita sinapak." Sabi ko sa sarili ko.
Isinauli ko na yung cellphone na Andrei sa bag niya.