Chapter 2

38 1 0
                                    

Dumating na sila Andrei galing sa practice.

"May tumawag pala sayo kanina." Sabi ko.

"Sino daw?" Sabi niya. Aba himala ata, sumagot to ng maayos.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang, masungit siya." Sabi ko.

"Baka si Xyrille yun. Ex ko." Sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot. Naglakad na lang ako paalis. Ewan ko kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko nagseselos ako pero bakit?

"Anong problema nun." Rinig ko na sabi ni Ivan pero hindi ako nag abalang tignan sila.

***

Andito kami ngayon sa mall. Nakalimutan ko na rin yung nangyari kanina sa tambayan. Tapos na yung klase namin kasi short period lang kami. May pupuntahan daw kasi yung mga teachers kahit sa isang kasalan lang sila pupunta. Haayys. Kahit kailan talaga ang mga teachers noh? Hahaha. Kaya naisipan naming magmall. May gusto kasi kaming bilhin. Nagpaalam na din ako kay mama at pumayag naman siya. May kanya- kanya kaming lakad. Si Kiray at Joshua nasa sinehan para manood na 'Imagine You And Me' , ayaw ni Joshua na pumunta pero wala siyang magagawa kasi under siya ni kiray. Si Ivan at Noemi naman nandun sa Game Court , naglalaro. Si Rex at Andrei naman nasa bilihan ng sapatos. Nangongolekta ata sila ng sapatos eh. Si Venice naman ang kasama ko ngayon dito sa book store.

Sumasakit yung ulo ko sa dami ng libro dito kaya nagpaalam ako kay Venice para magpahangin sa labas. Habang papalabas ako may nabunggo akong lalaki. Hindi ko siya nakita at malamang sa malamang hindi rin niya ko nakita kasi nagse-cellphone siya.

"Sorry miss." Sabi niya. Parang kilala ko to dahil sa balat niya sa pisngi.

"Steward?" Sabi ko.

"Do I know you?" Sabi niya. Aba inglishero na pala siya ngayon.

"Ano ka ba. Si Renesmee to." Sabi ko.

"Ikaw pala." Sabi niya.

"Ay hindi, picture ko lang siguro." Sabi ko at natawa naman siya dito.

"Musta na?" Sabi niya.

"Okay lang. Ikaw musta ka na?" Sagot ko sa kanya.

"Okay lang din." Sagot niya.

"Anong ganap?" Tanong ko sa kanya.

"Dito na ko ulit mag-aaral. Pinauwi na ko kasi nila mama kasi may business daw kami dito." Sabi niya. Ang yaman talaga nila. May mga company kasi sila sa bawat bansa kaya kahit saan nakakapunta siya.

"So saang school ka nag-enroll??" Tanong ko sa kaniya.

"Sa St. Claire High. Maganda kasi yung name kaya nagustuhan ko dun." Sabi niya.

"Eh dun din kami nag-aaral. Dun din nag-aaral si Andrei. Naaalala mo ba siya?" Sabi ko

"Oo naman noh ako pa eh hindi naman ako ulyanin noh." Sabi niya.

"Tara punta tayo sa kanila." Pagkasabi ko niyan ay naglakad na kami apunta sa exit door ng mall. Dun kasi yung usapan namin na lugar kng uuwi na kami.

Ivan's P.O.V.

Hi guys!! Im Ivan Jouvanni Lee. Half Korea at half Pilipino. 5'6 ang tangkad at higit sa lahat ay gwapo.

Kanina pa namin hinihintay si Rene. Short for Renesmee. Tinanong ko kay Venice kung nasan siya kasi sila ang magkasama kanina pero hindi daw niya alam kasi lumabas daw si Rene para magpahangin. Tinatawagan namin pero hindi naman sumasagot. Kanina pa kami nag-aalala dito.

Maya- maya nakita namin siya sa di kalayuan at may kaholding hand siya na lalaki. Himala ata. Hahahaha. Napansin ko naman si Andrei na nakakunot ang noo. Gusto niyang lapitan at sapakin yung kasama ni Rene pero tinapik ko yung balikat niya para pakalmahin. Hindi ko pala nasasabi sa inyo na mind reader ako kaya nabasa ko agad yung isip ni Andrei kanina. Katapat na namin ngayon sila Rene kasama yung lalaki kanina.

"Sino ka?" Tanong ni Andrei na medyo galit na.

"Hindi mo ba siya talaga nakikilala?" Sabi ni Rene.

"Itatanong ko pa ba kung kilala ko na?" Sabi naman ni Andrei. Namimilosopo na siya at sigurado akong galit na yan.

"Sabi ko nga..." Sabi naman ni Rene. "Si Steward to yung kababata natin na pumuntang U.S. noon." Dagdag pa niya.

"Ikaw pala tol. Hindi mo naman kasi agad sinabi eh." Sabi ni Andrei. Baliw na ata to eh. Kanina napaka hyper pero ngayon may patol tol pang nalalaman. Hmpt.

"Ikaw naman kasi eh masyado kang hyper." Sabi naman n g Steward na yun. Nakalimutan na ata nila na kasama nila kami. Kaya umubo ako ng konti para mapansin nila kami. At nahalata naman nila ako.

"Ah sila nga pala yung iba pa naming barkada." Panimula ni Rene.

"Meet Ivan,Noemi, Kiray, Joshua, Rex at Venice." Sabi ni Andrei at nakipagkamay naman silang lahat except sakin.

"Hi Steward. Nice to meet you." Sabi ni Noemi tsaka nakipagshakehands. Medyo malambot ata ang kamay nilang dalawa kasi hmatagal bago sila nagbawian ng kamay.

"Tara na. Hapon na." Sabi ko tsaka naglakad palabas. Sumunod naman sila agad sakin.

"I smell something's fishy." Sabi ni kiray na parang nang aasar pa.

5:00 p.m. Na ng makauwi kami. Mahkakapit bahay nga pala kami ng Steward na yan. Kaya tinawag ko siya sa labas ng bahay nila kasi gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina.

"Bakit bro??" Tanong niya sakin.

"Dadaretsohin na kita. May gusto ka ba kay Noemi??" Sabi ko.

"Bakit mo naman natanong?" Sabi naman niya.

"Napansin ko kasi kanina na ayaw mong bitawan yung kamay niya kanina." Sabi ko.

"Ah yun ba. Wala yun. Si Renesmee ang totoong gusto ko pero nahihiya ako na ligawan siya." Nagulat ako sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang siya.

"Ah ganun ba. Kaya mo yan. Ito lang ang sasabihin ko sayo ha, payong kaibigan lang. Ihanda mo ang sarili mo sa pwedeng magiging sagot ni Rene." Sabi ko. Nagpaalam na din ako sa kaniya kaya umuwi na ko.

***

Ano kaya ang magiging rule ni Steward sa buhay nila??

Mapasagot kaya niya si Renesmee ???

Renesmee na cold hearted....

Kung gusto niyong malaman, just keep on reading...!!!!!

I'm secretly inlove to my bestfriendWhere stories live. Discover now