chapter 4

1.7K 32 1
                                    

gabriel pov

nag-alala ako kay cassy kaya sinundan ko din sya papunta kay kylle,hindi ko alam kong bakit ko to ginagawa pakiramdam ko kasi parang may maling mangyayare,hindi ako nagpakita nasa kotse lang ako nong pumasok na sya sa building ni kylle,kitang-kita sa mukha nya yong kaba,

hindi ko alam bakit pa nya to ginagawa sya na nga tong nangiwan kay kylle tapos babalikan nya ulit,nasaktan na nya si kylle,sa tingin nya ganun kadali ang lahat para maibalik ang dati nilang pagmamahalan,alam ko naman na mahal pa nila ang isa't isa,

ang kaso kay kylle natatakot na syang masaktan ulit ng babaeng mahal nya,

alam ko ang buong lovestory nilang dalawa ako ang saksi sa pagmamahalan nila,kahit masakit sa mata ko ang mga nakikita ko tinitiis ko,alam ko naman na hindi ako magawang mahalin ni cassy,oo mahal ko si cassy matagal na,

naging kaibigan ko din si kylle ako ang dahilan kong bakit nagkakilala sila,

minsan kahit masakit para sayo ang isang bagay kailangan mo din magparaya para sa ikakaligaya ng iba!

mga isang oras na din ako dito sa labas hinihintay ko si cassy!

pagtingin ko sa loob palabas na si cassy tumatakbo!

sandali umiiyak ba sya ,
agad ko naman syang sinalubong!

kasi ayoko syang nasasaktan sa tuwing nakikita ko syang umiiyak mas nasasaktan ako,

nong nakita nya ako agad nya akong niyakap,niyakap ko narin sya pabalik!

"ano nangyare"tanong ko sakanya
hindi sya sumagot dahil umiiyak parin sya,
"tahan na cas nandito lang ako para sayo"saad ko sakanya habang hinahaplos ang likod nya para kumalma,

mga ilan minuto din kaming magkayakap bago humiwalay sa isa't isa!
"gab hatid muna ko sa bahay"walang gana nyang sabi,

inakay kuna sya papasok sa sasakyan ko,

hinayaan ko nalang sya at hindi na sya kinausap hanggang ngayon di pa rin tumitigil sa pagiyak,

nagdrive nalang ako pauwe sa bahay nila!

alam ko yong feeling na pinagsiksikan mo yong sarili mo sa taong mahal mo kahit na ayaw na sayo,

kasi ganun ako kay cas kahit hindi nya napapansin ang mga ginagawa ko ok lang mahal ko naman sya,

kapag mahal mo handa kang magtiis at handa kang masaktan,

pero minsan wag mo narin ipilit pa ang isang bagay kong di na talaga pwede dahil mas lalo ka lang masasaktan,

mas mabute na yong sumuko ng mas maaga kaysa lumalaban ka sa wala,

ang pag-ibig hindi lang puro saya ang mararamdaman,madaming emosyon ang kailangan mong maramdaman bago mo makuha ang kasiyahan na gusto mong makamit!

ginising ko nalang si cassy ng makatapat na kame sa bahay nila!
"cas nandito na tayo"saad ko sakanya sabay yogyog sa balikat nya,hindu naman sya mahirap gisingin,agad naman syang nagising,
"ah sorry gab nakatulog ako''
"ok lang yun pasok kana magpahinga ka nalang"
"salamat gab "saad nya tapos lumabas na sya ng sasakyan ko,pinapanuod ko lang sya papasok sa bahay nila ng makapasok na sya,agad ko naman pinaandar yong sasakyan ko pauwe din sa bahay namin.

Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon