chapter 10

1.4K 28 0
                                    

(cassy pov)

sabi nga nila lahat ng pagsubok ma dumadating malalampasan din natin basta magtiwala lang tayo sa diyos dahil sya na ang bahala satin.

"gurl ano na"sambit sakin ni ailene habang ako naglilinis ng koko!
"anong ano na pagsasabi mo jan"
"diba sabi mo umamin na sayo si gab"oo nga pala sinabi ko ang lahat kay ailene yong nangyare nong umalis kame ni gab last na pagkikita namen!

pumupunta sya dito sa bahay pero hindi ako nagpapakita!
hindi ko nga alam,dahil ba nagui-guilty ako!

"hindi mo parin ba sya kinakausap simula nong umamin sya"
"naguguluhan kasi ako hindi ko alam kong ano ang isasagot ko o sasabihin ko sakanya''tama nga kaya nga umiiwas ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko o sasabihin ko!

alam kong nahihirapan na din si gab dahil sakin!
lage nya akong tenetext tinatawagan pero hindi ko sinasagot,hanggang sa nagsawa na sya,ilan araw ng hindi sya pumupunta dito at hindi narin sya nagpaparamdam sa text o tawag!seguro nga nasaktan ko sya ng subra.!hindi ko naman kasi alam na mahal na nya ako dati pa nong kame pa ni kylle!

speaking of kylle!
"gurl may inaasahan ka bang bisita ngayon"sambit ni ailene!
maglilinis parin ako ng koko sa paa nakayuko ako kaya hindi ko makita si ailene!
"ahm wala naman bakit?"sambit ko!
"look sino yun"pagkasabi yun ni ailene bigla akong kinabahan!
wala naman akong inaasahan na biseta dahan-dahan kong inangat yong ulo ko at tumingin sa labas!
nagulat ako sa nakita ko!napatayo ako sa kinauupuan ko!ano ginagawa nya dito,bakit sya nandito!
"diba si ex yan "sambit ni ailene may kasama pang kilig!
nakangiti lang ai kylle seguro hinihintay nya akong lumapit sakanya,nasa labas sya ng gate!
"gurl ano tunganga kana lang jan pagbuksan mona kaya sya at paasukin"sambit ni ailene kaya naman lumapit na ako kay kylle!
kinakabahan ako hindi ko alam kong bakit!
''hi"bati nya habang nakangiti parin sya!
"ano ginagawa mo dito"
"pwede ba kitang makausap"
ano naman ang pag-uusapan namen!
"tungkol saan naman"hindi ko alam kong maiinis ako o kikiligin dahil gusto nya akong makausap ito na yong matagal konh hinihintay,pero nangangamba parin ako sa pwedeng kinalabasan !
binuksan kona yong gate at pinapasok sya!
naglakad na ako papunta sa kinaroroonan namen ni ailene nakasunod lang si kylle sakin!
itong si ailene naman ngiting-ngiti!yong tipong pinipigilan nyang tumili!
"hi kylle"sambit ni ailene!
"hi din ailene"bati naman ni kylle!
,"uh sya iwan ko muna kayo parang may importanteng mahalaga kayong paguusapan sege kylle besty bye kwentuhan mo ko pagkatapos ah"sambit nya tapos naglakad na sya paalis!

so kame nalang ni kylle ang naiwan dito!walang nagsasalita samen dalawa!hindi ko din kasi alam kong ano ang sasabihin ko,tapos yong puso ko subrang bilis ng tibok parang gusto na nyang kumawala at magsaya dahil sa nasasaksihan nya ngayon!
"ano pala sasabihin mo"pagbasag ko sa katahimikan namen nakakapanes kasi ng laway kong tatahik lang kame at magtitigan lang!
"gusto ko sanang mag-sorry"panimula nya!
nakatingin lang ako sakanya!
parang mas pomogi sya ngayon!
"dahil sa nangyare nong last natin paguusap sorry kong sinumbat ko sayo ang ginawa mo alam kong mali din ako dahil pinaeral ko ang galit ko sorry talaga cassy,sa totoo lang hindi naman talaga ako galit sayo,natatakot lang ako na masaktan ulit,nong araw na yun gusto kong suntukin ang sarili ko dahil nasaktan kita"nakikita ko sa mga mata nya yong pagsisisi nya!
"sorry kasi hindi kita pinakinggan sorry sa lahat cassy"makikita mo yong lungkot sa mga mata nya parang may gusto pa syang sabihin!
"kylle tapos na yun at okey lang kasalanan ko naman eh ako yong nagsimula kaya wag mong sisihin ang sarili mo dahil nasaktan mo ako dahil simula palang ako na ang gumagawa ng dahilan para saktan ko ang sarili ko mismo"hindi kona mapigilan umiyak sa harapan nya!titig na titig lang sya sakin!
"salamat kasi hindi kana galit sakin at napatawad muna ako sa ginawa ko sayo yun lang naman anh gusto kong mangyare eh yobg marinig ang side mo"tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko!
biglang lumapit sakin si kylle at pinunasan ang mukha ko gamit ang palad nya!
mas lalong bumilis yong tibok ng puso ko sa ginagawa nya,hanggang ngayon kaya mahal parin nya ako,o nagsosorry lang dahil gusto na nyang maging maayos kaming dalawa!
"tahan na wag kana umiyak pumapangit kana uh"sambit nya,sa totoo lang namiss ko sya ng subra,yong ganito kame,tuwing umiiyak kasi ako yan ang lage nyang sinasabi!
"tahan na okey alam mo naman ayaw kong nakikita kitang umiiyak kasi nasasaktan ako"sambit pa nya!
hinahawakan ko ang kamay nya!
magkalapit na ang mukha namen dalawa!
"kylle ano ba talaga ang pinunta mo dito naguguluhan kasi ako sa mga sinasabi mo sakin"
napabuntong hininga sya!
sya naman yong humawak sa kamay ko yong tipong ayaw na myang bitawan!
"cassy nandito ako para sabihin sayo na"naputol ang sasabihin ni kylle ng biglang sumingit si ailene!
hindi mo mabasa yong reaction nya!
nakita ko pang nakapaa lang sya!
"hoy ailene ano nangyayare sayo"sambit ko hindi sya mapakali!
"a....no ka......si'utal utal nyang sambiy kaya naman agad ko syang sinampal!
"yong nanay mo gurl naaksedente"pagkasabi yun ni ailene parang nanghina ako bigla feeling ko nawala yong mga boto ko!tuluyan na naman tumulo ang luha ko!si nanay nalang ang natitira sakin tapos mawawala pa hindi kona yun kakayanin pa!

(kylle pov)

agad kaming pumunta ng hospital kong saan dinala ang mama ni cassy!
iyak lang sya ng iyak!
dalawa nalang sila ng nanay nya dahil namatay na yong tatay nya!
kaya masakit para sakanya sa nangyare sa nanay nya!
"tahan na cassy magiging okey din si tita kaya kumalma kana"sambit ko sakanya habang nagdridrive ako kaming dalawa lang dahil susunod daw si ailene hindi naman sya pwedeng sumama kanina dahil nakapaa lang sya!
hinayaan ko nalang si cassy dahil hindi ko naman sya mapatahan iyak parin sya ng iyak!

pagdating namen ng hospital agad na bumaba si cassy patakbo sa loob ng hospital!agad ko naman sya sinundan!

"nurse saan po ang room ni lanie dela cruz"sambit ni cassy!
"sa 101 O.R miss"sambit ng nurse agad na tumakbo na naman si cassy nasa 2nd floor yong O.R derederetsyo si cassy paakyat ng hagdan at hinanap yong 101 O.R!
nang mahanap na namin!
kita ko yong takot sa mga mata nya sa nakita nya!
ang daming nurse ang nasa loob ng kwarto kong saan si tita lanie!
malala ba ang nangyare sakanya bakit nandito sya sa O.R!
may kailangan ba silang operahan!
nakatingin lang sa loob si cassy habang patuloy parin syang umiiyak!
"nay wag mo po akong iwan please lumaban ka po nay"sambit ni cassy!
nilapitan ko sya at niyakap!
kailangan nya ng karamay ngayon kaya nandito ako hindi ko sya iiwan gaya ng dati!
"kylle si mama sya nalang ang natitira sakin"
"magtiwala lang tayo cassy kakayanin ni tita yan"
nagkakagulo na sa loob ng room hindi namen malaman kong ano ang nangyayare!
hanggang sa nakita ko nalang na napailing yong doktor sinyales na wala na si tita!
agad na lumabas yong doktor!
"kayo ba ang kamag-anak ng pasyente"sambit ng doktor!
"ako po dok anak nya po ako okey na po ba si mama dok sabihin nyo naman sakin na okey lang sya diba"
hinihintay kong sumagot si dok,nakita ko yong lungkot sa mga mata ni dok!
"iha sorry ginawa na namen ang lahat para isalba ang buhay ng mama mo pero hindi nya kinaya grabi ang pagkabagok ng ulo nya pasensya na iha"sambit ni dok!
"dok hindi yan totoo sabihin nyong nagjojoke lang kayo dok hindi ako iiwan ng nanay ko dok please lang sabihin sakin ang totoo"napaupo si cassy!
nagpaalam na si dok sakin!
"cassy maniwala ka wala na si tita''tinignan nya ako ng masama!
"pati ikaw din naniniwala sa sa kanila diba sabi ko hindi ako iiwan ng mama ko hindi nya ako iiwan hindi nya ako iiwan"sambit nya sinusuntok ang dibdib ko!
nagsidatingan na sila ailene mga magulang nya at iba pa nyang kamag-anak!
ng lumabas na ang mga nurse sa loob ng kwarto agad na pumasok si cassy!at nakita nyang wala ng buhay ang nanay nya!
yong mga tao dito nagiiyakan narin sila!
nilapitan ni ailene si cassy!
"cass tama na wala na si tita tanggapin mona"sambit ni ailene!
"sa inyo madali lang tanggapin sakin hindi dahil sya nalang ang natitira sakin!hindi nyo ako maintindihan dahil conpleto ang pamilya nyo samantalang ako at si mama nalang tapos ngayon sasabihin nyong tatanggapin ko nalang na wala na sya"
natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni cassy!tama nga naman sya hindi naman nya agad matatanggap ang pagkawala ng nanay nya dahil sakanya lang sya humuhugot ng lakas tapos ngayon wala na si tita!

(ailene pov)

masakit din para sakin na mawala si tita lanie dahil parang nanay narin ang turing ko sakanya,naintindihan ko kong bakit ganun nalang umasta si cassy dahil sya at ang nanay nalang nya ang magkasama masakit para sakanya na tuluyan na syang iniwan ng nanay nya na wala man lang paalam!lahat ng mga nangyare biglaan dahil hindi namen inaasahan na ganito pala ang kakalabasan,ang akala namen simpleng aksedente lang pero truck yong nakabangga kay tita,imposibleng makakaligtas ka dahil yong ulo nya ang napuruhan!
nakukong narin yong nakabangga kay tita!

ang dahilan nya nawalan daw ng preno yong truck na sinasakyan nya at hindi nya nakita yong taong tumatawid!

kaya ayun ang nangyare kay tita!
naaawa na ako kay cassy halos wala syang pahinga at di rin sya kumakain,bute nalang nanjan si kylle para damayan sya!
kong ako din naman ang mawalan ng ina baka mabaliw ako!pero sa awa ng diyos buo parin ang pamilya ko!

Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon