(Sorry sa matagal na Update baka naka 5 month na kayong nagiintay hahaha peace po!)
Cloud's POV
Nakatingin lang ako sa papalayong babae na kausap ko lang kanina. Ano ba ang nagyayari kay Tara. Best Friend niya ako. Dapat sabihin niya sa akin lahat ng mga problema niya. Ako nga eh, lagi kong sinasabi mga problema ko. Siya hindi.
Naglakad ako papunta sa Classroom ko pero napansin ko yung Girlfriend ng Kaibigan ko na si Samanta. May kasama siyang babae. Nilapitan ko sila Samantha.
"Hi Samantha!" sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Kung hinahanap mo si Caleb, Nandoon lang naman daw siya sa may Student Council room. Kausap siya ni Krevor" sabi ni Samantha. Tumango ako at napatingin ako sa kausap niya. Ngumiti sa akin si Samantha.
"Broken Hearted" sabi sa akin ni Samantha.
"Bakit naman siya broken Hearted?" Tanong ko. Napansin ko rin na may tumutulong luha sa mga mata niya.
"Ehhh.... Kwento ko mamaya" sabi niya. Papalayo na sana sila nung dumating si Caleb.
"Oh. Caleb nandito ka na pala. Hinahanap ka ni Cloud ka nina eh" sabi ni Samantha kay Caleb. Lumapit sa akin si Caleb.
"Bakit tol?" Tanong niya sa akin.
"May itatanong lang ako" sabi ko. Hinila ko siya palayo kina Samantha.
"Ano yun?" tanong niya.
"Sino yung kasama ni Samantha kanina?" Tanong ko.
"Ay yun, Ahahahaha! nainlove ka na ata tol ha?" Sabi ni Caleb sabay palo ng mahina sa likod ko.
"O-Oy! Hindi ah!" sabi ko sabay talikod.
"Ano ba yung itatanong mo sa akin?" Tanong ni Caleb. Humarap ako sa kanya kung ano nangyari sa babae. Sinabi lang niya sa akin na hindi niya alam kaya tinanong ko na lang yung pangalan nung babae.
So Trish pala yung pangalan niya...
"Ah, sige Caleb, Samantha alis na ako!" sabi ko at umalis na. Magisimula na kasi yung Class ko kaya kaylangan magmadali ako para hindi ako ma late. ayaw kong ma detention no.
___
"Hayyy! Natapos na rin!" Sigaw ko sabay uminat.
"Tol, may Basketball pa mamaya" sabi ni Caleb sabay kuha ng bag niya. " Hindi muna ako aatend" sabi ko.
"Yiee bakit? may ka-date ka tol?" sabi niya. Tumawa lang ako at kinuha yung bola sa floor at binato ito sa kanya.
"Wala. Marami lang akong gagawin kaya aalis na ako" sabi ko at lumabas na ng classroom. Gusto kong malaman kung bakit umiiyak yung babae. Yung babaeng umiiyak kanina. Gusto ko siyang makilala.
Habang naglalakad ako sa may hallway, nakita ko si Tara na nakatingin sa bintana. Nung sumilip ako, nakita ko si Kyle at kasama niya yung babaeng umiiyak kanina. Magkilala ba sila?
"Anong nangyari doon sa boyfriend mo at doon sa babae?" Tanong ko. Curious lang...
"Well, Sa nakikita mo hindi na niya mahal yung beach na yun" sabi niya at nag evil smile. Bigla na lang kumunot yung noo ko. Anong ibig sabihin ni Tara?
"May kinalaman ka ba sa pag break nila?" Tanong ko. Nakita ko lang na ngumiti siya. Naiinis na ako.
"BREAK NA TAYO!" napatingin ako doon sa may gate. Nakita ko na umalis na luhaan yung babae habang si Kyle ay nakayuko lang. Tinignan ko ng masama ulit si Tara.
"May kinalaman ka ba dito?!" sigaw ko. Nakita ko na nagulat siya.
"Of course wala! Why would I do that? kinukuha ko lang naman yung akin ah!" she shouted. "Kyle is mine and masama na ba yung ginawa ko?! She is the reason why they broke up! Cloud, I am the victim here so dapat kumakampi ka sa akin because you are my best friend!" pagpapatuloy niya.
"I know that you have reasons, but i think summobra ka sa mga actions mo" sabi ko sa kanya.
"I just told na you are my best friend Cloud. So bakit siya yung kinakampihan mo?" sabi niya and lumapit siya sa akin. I just looked at the ground. I don't know what to say.
"Tell me, Kinakampihan mo siya?" ulit na tanong niya. Nakayuko lang ako. Hindi ko alam yung isasagot ko. Tama nga ba na kumampi sa iba. Oo, alam kong bestfriend ko si Tara pero mali yung ginawa niya.
"Oo. Kinakampihan ko yung babae" sabi ko. Nakita ko na nagulat siya at naiinis. Bigla niya akong tinulak papalayo sa akin.
"MAG SAMA KAYO!" sigaw niya. I just stood there, thinking.
"I can't believe this!" sigaw niya at tuluyan nang umalis. Mali pa rin yung ginawa mo Tara. Maling mali...
____
A/N
walang kwentang remastered. pero so naenjoy niyo huhu
BINABASA MO ANG
Revenge Ni Miss Malandi
Short Story[REMASTERED SOON] "Balang araw magrerevenge din ako sa ginawa ninyo!" Sigaw ni Tara-- Este Tyler. P.S slow update!!!!