RNMM Chapter 4

194 12 0
                                    



Tyler's POV



This day, is a beautiful day. Kasi gumanda ako ngayon. Well, dati pa. Ginawa ko yung morning rituals ko at pumasok na ng school.


Habang nasa may car ako, nakikinig ng music at nakatingin sa may bintana.


Well, Here she is...


"Trish" I mouthed. Naglalakad siya with Cloud habang hawak-hawak ni cloud yung bag ni Trish. Couple ba sila? bakit ako na cucurious?  Bahala kayong malate diyan. Masyado kayong maasim. Binuksan ko yung window from my car and shouted,

"SANA OL MAY JOWA" and then i closed my windshield again and then pumunta na ako ng school.

___

Trish's POV

Habang naglalakad ako sa daanan (syempre), biglang may umakbay sa akin at napatigin ako kung sino yun.


"C-Cloud? bakit ka nandito?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at sabi, "Dito ang daan papuntang school" Yeah, I know Cloud.


"Ako na ang mag bitbit ng bag mo" sabi niya sa akin. Hindi kami couple ah. Sadyang mabit lang itong Cloud na ito. Minsan nga humahangin eh. Haha


"No need" sabi ko at ngumiti. Pero pinipilit niya pa rin ako. So wala akong magagawa kundi um-oo.


"Are you okay?" Tanong niya sa akin. 0.o


"Oo naman noh. Omelette pa nga yung kinain ko kanina ah" sabi ko at ngumiti. Favorite ko kasi yung Omelette eh. Egg siya na parang ni-roll.


"Ay oh? Ako gusto ko Takoyaki" sabi niya. Yung Takoyaki naman yung bilog na may octupus sa loob. Pero yung gusto kong Takoyaki yung gulay yung na sa loob. Filipino style. Joke.

Habang naglalakad kami, bigla na lang may sumigaw from nowhere.

"SANA OL MAY JOWA" napatingin kami ni Cloud sa may sumigaw pero hindi na namin naabutan kung sino yung sumigaw. tho familiar siya, hindi na lang namin pinansin ni Cloud at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.


___


Tyler's POV


Balik tayo sa akin. Masyadong maingay yang Trish na yan eh. Pati pagkain dinadamay sa usapan. Patay gutom. 


Nandito na ako sa may gate namin at syempre, pinagtitiginan yung beautiful face ko with light make up at yun. Ish.


"Hi tara!"

"Tara! ang ganda mo!"

"Syemays, Siomai, Shopao, BEAUTIFUL!" Bakit may pagkain na nasama? SO SIOMAI AKO GANON?! At sino si Tara? sa hindi ako yung sinasabing siomai. Well, masarap naman talaga ako. 


HINDI NA TARA YUNG PANGALAN KO MGA PANGIT SA LOOB NG MARS!!!! Easy lang Tyler, Easy...


Revenge Ni Miss MalandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon