They say people come and go. Yet, on my opinion that's a freaking lie. If you really love someone you'll never go. What is the sense of coming if the next step is leaving?
"Rasheya, I'm sorry. I promise babalik si Mama at Papa." I pity myself for believing a such wonderful lie.
12 years. Dammit! I've waited for 12 whole years! Thinking na babalik pa kayo. I was totally wrong you've abandoned me.
I guess, they didn't even loved me.
Forgiving is necessary. Am I capable of that? Ni ang sarili ko nga ay di ko mapatawad kayo pa kaya?
Hinintay kong matuyo ang mga luha ko at saka lumabas ng kwarto. Ngumiti ako ng peke ng nakita ko si Lolo Lando.
Siya lamang ang nagtaguyod at nagpalaki sa akin. Kung isang araw ay bumalik man sila. I'd still choose Lolo. Siya ang laging nandyan para tulungan ako, parati niya kong naabutang umiiyak bago matulog.
My life went miserable.
"Kumain kana apo." Bati sa akin ni Lolo, nakagayak na siya para makapunta sa bukid, dito lamang kami umaasa.
"Mauna na kayo, Lo." Ngumiti ako ng peke saka dumiretso sa banyo.
Hindi ko padin maharap si Lolo dahil nagsisisi ako sa kasalanan kong nagawa sakanya.
Nung nagbreak kami ni Van, mas lalo lamang nagkanda leche leche ang buhay ko. Siya nalang ang meron ako. Siya ang pinakauna kong minahal. Pero nagawa niya padin akong iwan.
Natuto akong mag-inom. Dahil maraming nagsasabi sa akin na alak lang ang solusyon sa lahat.
Naranasan kong bumagsak ang mga grades ko. Ilang buwan rin akong hindi pumapasok. Nagawa ko pang maging irreg student.
Tila si Lolo pa ang sumusundo sa akin kapag nagiinom kami ng mga kaibigan ko sa bahay nila. Ni hindi siya nagbitaw ng masasakit na salita sa akin. Ang palagi niya nalang sasabihin ay "Umuwi na tayo, Apo. Bukas nalang ulit."
Oo, naging walang kwenta ako. Di ko man naisip na ang nagagamit kong pera ay ang panggastos namin dito sa bahay at pang-gamot ni Lolo. Hindi nga pala kami mayaman.
Pero hindi ko naisip na andyan pa pala ang Lolo ko. Na handang gawin ang lahat maibigay sa lang sa akin ang mga kailangan ko.
Pinagsisihan ko ang lahat ng mga yon, bumawi ako at sinikap na hatakin ang mga grades ko pataas. Kahit na sa tuwing nakikita ko si Van kasama ang bago niya ay winawasak ako sa loob.
Mahirap pigilan ang mga nakasanayan mo ng gawin. Pero pinilit ko, para kay Lolo.
Ilang buwan nadin ang nakakalipas, galit at sakit na lamang ang natitira sa akin.
Third year college na ako sa BPSU. BS Architecture ang kinuha ko dahil ito ang gusto ko at ito ang napagusapan namin dati ni Van dahil siya naman ay mag-engineer. Ganoon rin naman ang kwento sa akin ni Lolo na iyon rin ang gusto ng mga magulang ko na aking kunin.
"Quiñones, Rasheya Audrey, P." Tawag sa akin ng akin Professor.
Itinaas ko na lamang ang aking kanang kamay. "Present."
"Himala pumapasok kana yata ngayon, Ms. Quiñones." Ngumiti si Ma'am Artuz.
Tiningnan ko nalang siya. Bumukas ang pintuan, napunta roon ang atensyon ko. Si Van at Yana iyon. Magkahawak pa ang kanilang kamay.
Parang dati lang ay ganon rin kami ni Van. Bullshit, kalimutan nalang iyon.
Gustong gusto kong mag-walkout sa tabi ko pa sila umupo. Wtf is wrong with you people! Pero dahil kailangan kong ayusin ang buhay ko ay nanatili ako kahit na nawawasak ako ng pa-unti unti.
BINABASA MO ANG
Unrequited
General Fiction"Unrequited" Adjective not shared or returned by someone else.