II

4 0 0
                                    

Feeling

Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan ng dalawang iyon. Hindi ko na din naman nagawang mangialam pa, usapang lalaki.

Humikab ako at lumabas ng kwarto ko, pagkatingin ko sa hapag ay nandoon si Lolo at si Aiken. "Good morning." Bati sakin ni Aiken.

Nanlaki ang mata ko, nagtatakbo ako pabalik sa kwarto. Ang aga aga! Alas otso pa ang pasok namin pero 6:30 ay nandito na siya. Nagmadali akong mag-ayos. Saka ako lumabas ng kwarto.

"Kain na." He said at tumayo para mag-lahad ng upuan.

Nanatili akong tahimik, ni umalis ako ng bahay nang hindi siya kinikibo.

"Magkaaway ka'yo?" Tanong ni Lolo sakanya.

"Hindi ko rin nga ho alam, Lo e." Sagot niya naman.

Limang minuto na akong nag-aabang ng tricycle pero wala pading dumadaan.

Isang mamahaling kotse ang tumigil sa harapan ko, iba ito kaysa sa dala niya kahapon.

Bumaba siya rito at pinagbuksan ako ng pinto.

"Get in. I'd be so ungentleman if I let my girl ride a tric than ride my car." Kung akala mo okay lang sa akin ito, hindi. Never magiging okay. "Labas tayo mamaya, pinagpaalam naman na kita kay Lolo." Ngumiti siya.

"Tama na, Aiken. Ayokong niloloko ang Lolo ko, pinapaasa lang natin siya sa isang bagay na kahit kailan hindi magkakatotoo." Lumihis ako ng tingin.

"Pag-isipan mo, Rasheya. It's easy to bring everything in reality." Nanumbalik ang tingin ko sa kanya, bakit napakadali para sakanya sabihin ang mga ganong bagay?

"Ewan ko sa'yo." Umirap ako.

Pagkapasok ko ng classroom ay sumugod na sampal agad sa akin, ramdam ko ang sakit ng latay nito sa pisngi ko.

"Shit." Hinawakan ko iyon.

Nakapaligid ang mga kaklase kong babae sa akin, nandoon rin si Yana na nakangisi at Van na nakakunot lamang ang noo.

"Hindi ka talaga titigil na agawin ang boyfriend ko ano?" Akmang susugurin niya ako pero inunahan ko na siya. I only have my pride.

"Bakit ko pupulutin ang sarili kong basura ha?" Sigaw ko na nakapagpaalburuto sa kanya. This is isn't a cat fight.

Van's here! Hindi niya man lang ako ipinagtanggol sa kanila. Pumikit ako sa sakit na nararamdaman ko emotionally. Hindi niya na nga pala akong kayang ipaglaban dahil may iba na siyang ipinaglalaban.

Puro kalmot na ako, "That's why para kang higad na dikit ng dikit kay Aiken, to gain the power that you've lost, when Van left you. Akala mo ba papayag ako? Hell no. Duwag ka! Hindi mo siya mahal, you just need him!." Sumugod nadin ang ibang babae kong kaklase. One against Six. Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko, lasang lasa ko ang sarili kong dugo.

"Rasheya!?" Sigaw ni Brent at PJ, tumakbo sila papunta sa akin. Tila nahihilo ako, binitawan na nila ako at bumalik sa sariling upuan. Bumagsak ako sa lapag, tutulungan sana nila ako pero tinanggihan ko.

"Don't." Inagaw ko ang mga kamay ko sa dalawa.

"Lastly, My dear." Tiningnan ko si Yana, binuhusan niya ako ng strawberry juice. Fuck.

"I wouldn't mind if I got expelled here!" Tumayo ako at sinabunutan siya. Wala na akong imahe na ipapakita sa kanila. I'm all torn out.

Tumakbo ako palabas ng umiiyak, hindi ko na kaya ang ganitong pangyayare. I'm raised to be a loser, but I'm born to be a fighter. Lahat ng kinukuhanan ko ng lakas ay bigla bigla nalang akong iniiwan.

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon