Promise
Nagpatuloy akong tumakbo, my ego's hurt. Tumigil lamang ako nung nakaramdam na ako ng pagod, lamig at nagsipatakan na ang luha sa mata ko.
Ang madilim na palagid at malakas na ulan lang ang nararamdaman kong nakakakita sa akin ngayon, I need him.
Regrets are filling my whole damn system, I could sacrifice again, just to see him once again.
"I told you to run." Parang tumigil ang oras nung narinig ko ang boses niya.
Tumalikod ako at hinarap siya, pareho kaming basang basa sa ulan. There's no turning back, Rash. This is your only opportunity to win him back.
"Please, stay." Nanghihina kong sabi.
"I wouldn't go anywhere, Rash. Iwan ka man nilang lahat, I would never leave you." Niyakap ko siya, his kisses were so damn hot.
This was just the beginning.
Kinabukasan ay bulong bulungan na kami na talaga sa school. That made my heart flutter. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya, he's my strength.
"Rasheya." Tawag sakin ni Jigger.
"Yes?" I can almost see the spark that Aiken's giving him.
"Pinapatawag ka nga pala ni Ma'am Cristina, ikaw ang candidate niya for the upcoming election." Napatingin si Aiken sakin.
"You're going to run for Governor?" Tanong niya sakin.
"Well, undecided pa ako. I can't win all their votes." Jigger tapped my head.
"Wag kang nega, teh." Tumawa siya. "Nandito kaming cabinet members mo para tulungan ka." Kumaway siya at umalis.
"Hindi kapa ba talagang napapagod tumakbo?" Humalaklak siya sa akin.
"This is not between us!" Iniwan ko siya doon. Buti nalang at free time naming dalawa at wala ng masyadong ginagawa dahil magtatapos nadin naman na pasok.
"Labas tayo mamaya? Movie date?" Yaya niya sa akin.
Hindi naman ako tumanggi dahil ito ang magiging first date namin. I've been longing this, hindi ko naramdaman ito dati.
"Love birds." Nagsiupuan ang mga ka-team mates niya sa tabi namin.
"May game nga pala tayo mamaya, Ken." Ani ni Brent.
"Akala ko ba bukas?" Nakakunot ang noo niya.
"Hindi ko rin alam kung bakit napaaga e." Simula noon ay nakasimangot na siya, I find it cute.
"Mr. Sungit." Natatawa kong sabi. Kahit ang mga kaibigan niya ay natatawa din sa itsura niya.
"Alam ko na ang mga ganyang astahan." Humiyaw si PJ kakatawa. "Pre, may date kayo no?"
"Tss." Masama niyang tiningnan si PJ.
"Oh siya, ikaw na bahala diyan. Dinaig ang kasungitan mo dati." Saka nagtawanan na ulit.
"Bat ba ang sungit mo?" Pinaglalaruan ko ang mga daliri niya.
"Wrong timing kasi." Seryoso niyang sabi.
"Ano ba yon! Parang iyon lang, maraming next time pa, then let's make it a basketball date." Finorm kong nakangiti ang mukha niya.
Nag-drawing na lang ako dahil wala naman akong klase ngayong araw, habang pinapanood ko silang mag-warm up. It's my first time to see him play, dahil dati ay wala naman akong hilig sa panunuod ng ganito, it only bores me.
Tumunog ang phone ko, "Teh, san ka? Punta kang OSACA now na." Si Jigger.
Alas tres pasado palang naman, alas quatro naman ang simula ng game. Kaya't nagpaalam muna ko sakanya na pupuntahan ko lang si Ma'am Cristina. Pumayag naman siya at hinalikan ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Unrequited
General Fiction"Unrequited" Adjective not shared or returned by someone else.