Part 1

43 2 5
                                    


"Miss na miss lang ako? Haha! Malapit na ko."



"Kanina pa yang malapit mo Chels! Lasing na ko wala ka pa.", sigaw ni Nico sa kabilang linya.



"Ang ingay mo Nicolo! Dun na kayo sa sulok ng babae mo", saway ng kausap kong si Mikee.



"Pwede naman sa washroom bakit pa sa sulok.", rinig ko namang sabi ni Lexy.



Natatawa ako sa mga naririnig ko.Pinaandar ko na ang kotse ng makita kong nag green light na, binaba ko na din ang phone ko.


Napatingin ako sa oras 12:10 AM. Madaling araw na pero medyo traffic pa din at naka pang opisina akong pupunta ng club para makipag meet-up sa barkada, kakauwi lang din kasi ni Mikee from U.S kaya biglaan lahat.


Galing pa ako ng opisina sa Makati dahil sa meeting with the client from Australia kasama ang team ko, nasiyahan yata sa performance namin kaya nag-extend pa siya ng partnership sa company.



Sa Club.Dumiretso na ko sa VIP, nakita ko na dun ang mga siraulo kong barkada na nakikipag sayaw sa mga babaeng hapit ang damit.



"Chels is here guys!", sigaw ng barkada kong si Tristan.



Ang dami ng tao sa floor at dumadami pa pero rinig pa din ang pagsigaw nito.



"Finally! What took you so long Vien Chelsey? Kakadating ko lang pinaghihintay mo ko", iniwan niya yung kasayaw niya pagkakita saken at niyakap ako sabay abot ng beer niya.



He gave me an authoritative look but I just smirk at him. Ayaw kasi nito na pinaghihintay kaso matigas ulo ko kaya di ko siya sinusunod.



"As usual. Meeting and Traffic, Mikee Andrei", lagok ko agad sa beer. "And kahapon ka pa dumating, if... I am not mistaken."



Bigla naman siya natawa sa sinabi ko at niyakap ako.


Umupo na lang agad ako at kumuha ng pulutan.


Katabi ko ngayon si Lexy, as always sexy din manamit. Maya-maya sumunod na yung ibang barkada. Si Mikee naman nasa harap ko at nag iinom na din.



"Chels, kanina pa yan si Mikee naghihintay baka daw di ka sumipot.", natatawang sabi ni Tristan.



"Mahilig kasi gumanti yan si Chels eh.", mabilis na sagot nito.

Confession of ChelseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon