Part 4-a

15 1 0
                                    

Hapon pa lang umalis na ko ng company, need ko din naman ng break para sa sarili ko sakto tinext ako ni Lexy na dumiretso na lang sa condo unit niya at samahan na lang siya manood ng movie sa flash drive ko.

"Nakakainis talaga Chelsey! Minamadali ako kanina sabi ng madami pa ko ginagawa! Ang daming staff sa office, saken pa talaga pinagawa yung mga papers na yun! Bwisit talaga! In the first place di ko na nga trabaho yun pero pinipilit na ako ang gumawa! Bahala sila ngayon tapusin yung outline ng report!...", pag aatungal ng kausap ko sa phone. "Malapit ka na ba?", mahinahong tanong saken ni Lexy.



"Malapit na po.", nakangiti kong sagot dito kahit di naman niya nakikita.


Sa sobrang atat niya magkwento ng kabadtripan niya sa opisina tinawagan na ko kahit nagdadrive ako. Paulit ulit lang naman siya sa pagkwento ng nangyare sakanya after ng lunch namin, hindi makapag hintay na makapunta ako sa pad niya.

Tumambad sa harap ko ang mga alak, chips at ang naka pause na "The Secret Life of Pets" sa pad ni Lexy. Natawa naman ako bigla kaya nagtanong ito.



"Wala. Natawa lang ako sa pagkabugnutin mo Lex, nag upgrade. Napapabili na ng alak. Haha!" tawa ko pa ulit kaya hinampas niya ko sa braso.


Wala pang 8 ng gabi ng matapos na kami ni Lexy manood, puro kwentuhan at tawanan ang ginawa namin pati mga nakaraan namin nung estudyante pa kami naopen at ngayon inuubos na lang ang alak na hawak namin habang nasa terrace. Nakakamiss rin tumambay sa pad niya. Estudyante pa kami ng huli kong dalaw sakanya dito, ako at ang kambal lang niya ang pinapapunta niya.



"I miss being here. So relaxing~", sabi ko at sumandal sa railings habang tinitignan ang city lights.



"Yeah? Don't worry ... this place misses you too Chels.", I look at her looking in the city lights with her sad eyes. I smile weakly and focus myself in the city lights.



Inubos ko na ang alak ko.




---

It's saturday. Wala akong pasok pero maaga akong nabulabog ng alarm clock ni Lexy na nasa tabi ko pa talaga. Hindi naman nagigising itong katabi ko kaya hinagis ko sa pader.


"Damn alarm clock.",napaupo ako sa badtrip. Tinignan ko pa ng masama si Lexy na masarap ang tulog at halatang maga ang mata sa pag iyak kagabi. Nalungkot ako bigla.



Bumangon na ko at inayos ang kumot sakanya na siya namang pag galaw nito saglit. Nag asikaso na ako sa sarili ko at naglinis ng mga naiwang kalat namin kagabi, nagluto na din ako ng breakfast tutal no choice naman ako dahil di na ko makakabalik sa pagtulog ko, request din ni Lexy kagabi na mag stay muna ako dito sa pad niya kaya susulitin ko tulog ko mamaya.

Nagring ang phone ko sa center table ng living room at nakitang si Tristan yun.


"Yo. Morning a**hole.", bati ko sakanya.



"F*ck Morning too Chels!", hyper na bati nito. "Wag ka mawawala ah! Surprise ko yun sayo eh!"



"Siraulo ka. Surprise pero pinaalam mo saken. Asan ang thrill?", pagsusungit ko.


Narinig ko naman na tumawa ito sa kabilang linya.



"Ano naman? Basta ah. Susunugin ko opisina mo pag nawala ka.", pananakot nito sabay tawa.



"Okay. Subukan mo. Mawawalan ka ng fiancee pag ginawa mo yang balak mo. Madali ako kausap.", pagbabanta ko din sakanya habang naka smirk.



"Ito naman di mabiro. Ha-ha! Opisina na lang ni Dex ang susunugin ko. Bye!" mabilis niyang baba ng tawag.


Confession of ChelseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon