Part 2

32 2 6
                                    

Nasa labas ako ngayon ng club at nakasandal sa bumper ng kotse ko sa tabi ng kotse ni Tristan kasama si Lexy na inalalayan ako palabas para makapagpahangin.


Kahit nanlalabo ang paningin ko ay tinititigan ko ngayon si Lexy na nangingilid ang luha nang mapadako ang atensyon ko sa likod niya at makita ng naniningkit kong mata na magkatulong na inalalayan ni Tristan at Mikee si Nico at Dex na halos kaladkarin na palabas.


Si Lexy naman biglang inayos ang sarili ng marinig ang boses nila Nico, ngumiti pa ito saken bago nilingon ang mga papalapit.


"Du~de isha pa! Order pa tay~o", paulit ulit na sabi ni Dex.


"May next time pa tayo pare.", rinig kong sabi ni Mikee.


"The hell. Umayos ka Nico, baka ibalik kita sa loob! Ipapagalaw kita sa mga bakla!.", rinig ko namang sabi ni Tristan kay Nico. Tumahimik naman ang huli.


Inayos ko sarili ko sa pagkakasandal dahilan para ma-out of balance ako. Agad naman ako nahila ni Lexy sa braso na kaharap ko lang.


"Kaya pa Chels?", paninigurado ni Lexy. Naghubad ito ng heels habang hawak ng kabila niyang kamay ang balikat ko. Tumango ako. 


"Wow Lexy an--."


"Don't you dare Mikes, hot ko pa din kahit ano pa yang sasabihin mo", mabilis na putol ni Lexy.


Natatawang tumabi saken si Mikee na amoy yosi. Sa sobrang lasing at pananakit ng ulo ko di ko na maiangat ng ayos ito.


"Idaan na lang sa mukha at katawan, diba Lex?", papalapit na sabi ni Tristan. "Tangina ni Nico ang bigat! Mamanyakin pa ko."


"Di naman katangkaran si Nico pero grabe sa babae. Di na nagbago.", Lexy na pilit na pinapasigla ang boses.


"Nagsalita ang matangkad.", bigla kong nasabi.


Tahimik lang mga kasama ko sa sinabi ko, tanging tunong sa loob ng club ang maririnig nang bigla na lang nagtawanan sila Mikee at Tristan ng malakas.


"Nice Chelsey! Hahaha! Binabati kita."


"Kumbaga sa mga pictures. Cute size si Lex", komento ni Tristan, narinig ko pang nag apir silang dalawa.


"Damn you Chelsey." sabi ni Lexy sabay hampas sa braso ko.


"Okay lang yan Lex, Sexy ka pa din.", boses ni Mikee


"Oh tara na bago pa mapikon si Little Lexy.", panunukso pa din ni Tristan


Nakita kong nakakunot na noo nito at nakangusong hahampasin ng takong si Tristan na mabilis na nakalayo sakanya.


"Chels.. hatid na din kita, bawal ka magdrive lasing ka eh.", suggest ni Tristan.


"Ako na maghahatid dude. Mapapalayo ka pa lalo nyan."


"You sure Mikes?", tanong ni Lexy.


"Yep. Same lang kami ng way papunta sa new condo ko kaya ako na bahala."



Tahimik lang kami ni Mikee sa loob ng kotse niya, dala na rin siguro ng kalasingan ko kaya wala kami mapag usapan hanggang sa nag stop over kami sa gas station.


"Okay ka pa Chels?", paninigurado ni Mikee.


Tumango lang ako sa kanya habang nakatakip ang braso ko sa mata.


Pagtapos niya magpa gas, diniretso nya sa store ang kotse, ako naman sa washroom para sa ritual ko. Pagbalik ko nakita ko siyang tinapon na ang yosi niya at inabot ang bottled water saken, ininom ko yun at yung natira binuhos ko sa ulo ko para mahimasmasan ng konti.

Narinig ko pa ang kasama ko na natawa.


Mabilis lang ang byahe namin. Napamulat na lang ako ng mamatay na ang engine ng kotse ni Mikee at nasa tapat na kami ng bahay ko.


"Andito na pala.", nag unat pa ko bago tanggalin ang seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan ni Mikee braso ko.


"Oh. Problema Mikee?", tanong ko sakanya.


"I want to try something new...", sabi nito habang nakaharap sa manibela, napansin ko din na madiin ang pagkakahawak nito doon.


Napakunot ako sa sinabi niya kasabay ng sakit ng ulo ko. Kelangan ko talaga magbabad mamaya.


"With you...", lumingon ito saken na lalo lang nagpakunot ng noo ko.


"What do you mean?"


Pinagsasabi ng lokong 'to.

At ang sumunod na nangyare ang lalong kinagulat ko.....








Nawala bigla kalasingan ko sa ginawa niya. He leaned forward to kiss me that made my whole body froze in confusion and shock.


Nang makabawi ako sa gulat ay itutulak ko na sana siya ng isandal niya ko sa pinto and his tongue slid to my lips asking for an entrance but I didn't response. I don't want to response.


Naguguluhan ako sa inaakto niya saken.


Nagulat ako ng kagatin nito ang lower lip ko dahilan para mabuka ko ang mga labi ko that made his way and kiss me softly.


Damn you Mikee!


He tasted like cinnamon with an after taste of beer and cigarette. He groan and deepen the kiss while caressing my hair when I kiss him back. I even close my eyes!


Tumagal din ng ilang minuto ang halikan namin hanggang sa kumalas na si Mikee, tinitigan niya ko habang nakakunot ang noo but gave me his sweet smile.


Nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya at hindi ko alam kaya bumaba na ko agad ng kotse nya at walang lingon na pumasok ng bahay.



FUCK!



----

A/N: Ang sabaw pa din ba? Hahaha... Sorry na agad, yan lang nakayanan ng magiting at tinatamad kong imagination XD Sana magustuhan niyo~ Babawi ako sa susunod. :* 

Love,
Dee♥

Confession of ChelseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon