Part 4-b

15 0 0
                                    

Hindi ako mapakali sa pwesto ko when I see the person everyone is waiting slowly walking in the aisle. Nilabas ko ang phone ko para makuhaan ito kahit na may naka assign na para kunan siya.

I look at Mikee, looking proud and handsome as always. I'm happy he is back to his old self before this event happen.

Naikwento na niya saken ang problema niya simula ng lumipat sila sa U.S na di na mahalaga pa maliban sa bumalik na siya sa dati.

Inayos ko na ang suot ko at kumuha ng litrato nila nang mapatingin ako sa pwesto ni Lexy na bakante. Hindi ko maiwasan masaktan para sa kanya. Natauhan nalang ako ng tapikin ni Nico ang balikat ko, ngumiti ako dito. Nang ituon ko ulit ang sarili ko sa harap, I see him look at me with his fierce eyes, natawa na lang ako sa kanya.

"You look good as always, Chelsey.", puri ng matandang babae sa akin at hinaplos pa ang mukha ko.

"You too Tita. Looking young as always", halik ko sa pisngi nito na kinatuwa niya.

"Oh you.. I told you to call me Mom when I arrived.", ngumiti ako sa kanya at tinawag siyang Mom.

Iniabot na nito ang kaliwang kamay ng papakasalan ko samantalang si Mikee ay ayaw kumilos.

"I'll kill you if you hurt my precious love, Chelsey." natawa kaming mga nakarinig sa sinabi niya.

Hinampas siya ng katabi niya na natatawa sa itsurang binibigay nito saken. Protective.

Bumuntong hininga muna si Mikee bago ibigay ang kanang kamay nito, namumula ang pisnging nakatingin ito saken at halatang nagpipigil ng pagbagsak ng luha niya.

"I entrust our Catherine to you Chelsey.. I swear I'll kill you if---", sabi pa nito ni Mikee na pinisil pa ang kamay namin pareho pero pinutol siya agad ng katabi.

"Stop it na kuya.", sweet na saway nito sa kapatid.

"Take good care of her, dude.", habol na sabi nito saken bago pumwesto sa gilid ko.

"I will.", dahan-dahan na kami ulit naglakad ni Catherine papuntang altar. Napangiti ako ng makita kong naiyak na ito.

"You look stunning.", pabulong kong puri sa kanya na kinapula lalo ng pisngi niya.

Ngumiti ito at nagpunas ng luha. "I always look stunning in your eyes, Hon'."

Ngumiti ako ng matamis sa kanya nang mapatingin ako ulit sa bakanteng upuan ni Lexy at sa babaeng makakaisang dibdib ko ngayon..

Idinaos ang kasal sa Church ng Alma Mater naming magbabarkada, Easton Academy. Di ko maiwasang mapangiti ng maalala ang hinanda ni Tristan at ng barkada saken na bachelor's party at dito ginanap sa Academy.

"I'm sorry for everything I did when you're not around.", paghingi ko ng tawad sakanya.

She gave me her sweet and innocent smile that I always feel guilty as if I commit killing.

"I don't know what nasty things you've done...", natawa ito sa sinabi niya na malokong tumingin pa sa barkada. "... but I always trust you and love you with all my heart, Chelsey.", mahinahon nitong sabi.

"I love you too, Catherine."

I smile at her whose smiling back at me as we both face the altar to start the ceremony.



-------*

A/N: Maikli lang no? Haha. Pakiabangan ang next chapter.
Hint: Flashbacks ni Chelsey XD

Love,
Dee♥

Confession of ChelseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon