Isa na namang nakakagimbal na balita sa umaga ang bumulaga sakin ng buksan ko ang tv.
Isa na namang babae ang walang awang pinatay sa sarili nitong condo unit sa makati.
At walang iba kundi ang kaibigan kuna naman.
Una, si amanda. That until now, dipa rin nahuhuli ang killer.
Isang bwan na ang nakalipas ng mangyari yon kay amanda.
At ngayon naman,
Si anica torente ang laman ng mga pahayagan at balita sa tv.
At ang pilit sumisiksik sa isipan ko, bakit sina amanda at anica pa?
Ang mga matatalik kung mga kaibigan mula pa nung college?
Nagkataon nga lang ba ang mga pangyayari o sadyang pinagpaplanuhan kung panu kami iisa isahing patayin?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lima kaming magkakaibigan nung college.
Si Amanda Eyada, ang sweet but has sophisticated beauty sa group.
Si Anica Torente, ang pinaka pilya sa aming lahat at nag iisang anak ni Cong. Torente.
Si Arabelle Aquino, ang pinaka maingay at pinaka prangka magsalita, sasabihin nito kung ano ang nasa isip kahit pa may masaktan pa ito. Parents nya ang may ari ng university na pinapasukan namin.
Si Gretchen Tolentino, ang pinaka mayaman sa aming limang magkakaibigan. Sya na rin yata ang pinaka mabait, Tahimik pero bungisngis. Taga tawa lang sya sa lahat ng kapilyahan at mga jokes naming apat.
At ako,si Karenina Manuego, sabi nila, ang pinaka maganda raw sa group at pinaka charming sa aming lima. kaya naman halos sakin lahat nakatuon ang atensyon ng mga boys sa campus. At hindi din naiwasang madami din ang naiingit saming lima, pero madaming boys din naman ang naiinis dahil sa ugali namin. Part lang siguro ng kabataan namin at kapilyahan.
Bigla akung nagising sa pagmumuni muni ko ng maagaw ang pansin ko ng news.

BINABASA MO ANG
obsession (2012)
غموض / إثارةSino nga ba ang killer sa limang dating beauty queen ng isang university? Mailigtas kaya si karen ng pagmamahal ni kurt sa ngalan ng kamatayan??? Tara samahan nyo kung tuklasin.