Continuation:

382 3 0
                                    

Hindi ko inaasahan ang tanung na yon ni kurt.

Lubha kung ikinabigla yon.

“Hey! Are you ok? Namumutla ka?”

“No! O’ of course not….Ba Bat naman ako mamumutla? Ikaw talga. Ano nga pala yong itatanung mo?”

“Anung napag usapan nio ni miss aquino bago sya namatay?”

“Magkaibigan kami, natural lang na nagtatawagan kami.”

“Hindi kayo basta lang nag usap. Nag away kayo hindi ba?”

“Ha?..........!”

“Nag away kayo ni miss aquino bago sya namatay? Tinaasan ka ng boses ni miss aquino tama ba?”

“Oo, nataasan nya ako ng boses pero di kami nag aaway.”

“Kung gayon, Anung dahilan ng pagtaas ng boses nya?”

“Nabalitaan nya ang pagsangkot ng pangalan ko sa murder ni anica ng dahil kay Arthur.”

“At?..........”

“Noon pa man ayaw nya na kay Arthur na maging bf ko.”

“Dahil may gusto rin si miss aquino kay mr. amanzo?”

“No! Hindi yon.”

“Then y?”

“Gwapo lang daw si Arthur, maliban dun wala na.”

“At bakit naman sya magagalit?”

“Dahil hindi lingid kay arabelle na minsang nasaktan ako ni Arthur. At kahit may ka live in na syang iba, nagawa pa rin nya akung isangkot kahit sa isang murder case.”

"Teka nga.....iniimbistigahan muko sa pagkamatay ng bestfriend ko?"

"Tulad ng case ni miss anica, nag iimbistiga ako sa lahat ng kakilala ng namatay. Walang personalan ito."

obsession (2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon