Author's POV............................
Buo na ang pagsisisyasat ng mga pulis.
Marami ang pagkakahawig ng krimen.
Tulad ng......................
Pareho ang ginamit sa pagsaksak,
Parehong brutal,
Ang red roses na may gold ribbon sa paso,
At ang pinakahuli at malinaw sa lahat, magkakaibigan ang tatlo.
Pero may problema pa rin,
Hindi nila makitaan ng motibo ang pagpatay at walang forciblt entry.
Pero eto ang malinaw............ Iisa ang killer!
"Tatlong motiveless killings, parehong sa kusina pinatay. Dapat ay may koneksyon,hindi pweding wala." nasabi ni boom habang pinagaaralan ang mga kasong hawak ng boss nyang si kurt.
Habang sumusulong ang imbistigasyon, lalong napapalapit si kurt kay karen.
Minamahal nia na ang babaeng minsan ay naging girlfriend ng number 1 suspect sa murder ni anica torente.
Palaging nasa bahay ni karen si kurt.
Parang concerned din ito sa kaligtasan ng dalaga at gusto nitong laging malapit dito.
Pagkalipas lamang ng dalawang linggo, ngyare ang pagpaslang sa ikaapat na biktima.
Ang pagpaslang kay miss Gretchen tolentino.
Tulad ng inaasahan, tadtad din ito ng hiwa sa pulso sanhi ng pagkaubos ng dugo at sapat para mawalan sya ng buhay.
At tulad ng mga naunang pinatay may iniwan din itong isang paso ng red roses at wala rin bakas ng forcible entry ang salarin.
Napakaraming tao sa labas ng bahay ng dalaga ng dumating doon sina kurt at boom.
May dalawa pang NBI agents na nagsisiyasat.
"Huwag na muna nating sabihin kay karen ang tungkol dito. Baka mag panic na iyon dahil may diary na naman sa tabi ng bangkay. Familiar sakin ang pangalan ng biktima. Malamang bstfriend nya din yan nung college pa kami. ......[ si kurt ]
"Pero mababasa rin nya ito sa mga pahayagan."
"Bahala na."
"Mukhang nanlaban ang isang ito, nagulo ang isang table lamp at basag ang isang flower vase na nag kalat sa carpeted floor."
"Mukhang nagiging careless na ang target natin.Napansin mo bang ang apat ng murder ay ginawa sa araw ng huwebes?"
"At wala ding trace ng murder weapon."
"Gusto ng killer na iisang sandata lang ang kikitil sa buhay ng mga papatayin nya."
"May asawa ba ang biktima?"
"Wala. Dalaga at modelo."
Naalala ni kurt ang paso ng red roses na napunta sa kusina ni karen under mysterious circumstances.
"Natitiyak kung ang tatlong murders na ito ay connected kay karen. Dahil sa paso ng mga pulang roses at nawawala din nya ang diary nung college."
"Bakit nauna na ang paso ng pulang rosas na ipinadala kay karen samantalang hindi pa ito napapatay?" tanung ni boom.
"Ito marahil ang gusto ng killer. takutin sya. Ang killer na ito ay isang paranoid. Malalim at matindi ang galit sa mga naging biktima nito." sagot ni kurt.
BINABASA MO ANG
obsession (2012)
Mystery / ThrillerSino nga ba ang killer sa limang dating beauty queen ng isang university? Mailigtas kaya si karen ng pagmamahal ni kurt sa ngalan ng kamatayan??? Tara samahan nyo kung tuklasin.