Ep#15

1.9K 88 11
                                    


[Athena's POV]



dinala na si klenth sa prisinto at dahil menor pa sya ay nilagay na muna sya sa isang espesyal na kulungan kung saan doon pinapaabot ng isang gabi ang nahuhuling bata at kinaumagahan ay papalayain din ito pero kaylangan ng sunduin ng kanilang magulang at para makausap narin nito ang mga pulis





"Tita patawarin nyo po ako,kasalanan ko po ang lahat kung bakit nasa presinto ngayon si klenth!",yukong ulo kong paghingi ng paumanhin,,ayoko pa namang nagagalit sakin si tita santi at ayokong ipahiya si mama sakanya mag-bestfriend pa naman sila




Naramdaman ko nalang ang paghawak nya sa magkabila kong braso at pag-angat ko ng tingin ay nakangiti pa sya saka ako niyakap





"Alam mo athena hindi mo kasalanan kung bakit nasa presinto ang anak ko,ang totoo nga nyan proud na proud ako sakanya at masaya ako dahil nailigtas ka nya sa mga masasamang estudyante na balak kang gahasain,,",naluha ako dahil sa sinabi ni tita kaya tumugon ako sa yakap nya at doon narin ako naiyak





Nagpunas sya ng luha kaya ganun din ang ginawa ko."halika athena samahan moko,puntahan natin si klenth at baka nagugutom na yun,hindi pa naman sya sanay sa kulungan baka mangati sya o kaya lamukin",,kahit naman ako ay nag-aalala doon sakanya,noong dinala sya ng mga pulis ay hinatid na ko pauwi ng police car samin,,suot-suot ko parin yung uniform at slacks ni klenth,,buti nalang at payat din ako kaya nagkasya sakin yung uniform nya,,napakabango nga e pero nilabhan ko parin at pinabango ko pa talaga saka plantsa para kapag sinauli ko ay maganda ito at isusuot nalang nya pagpapasok





Alalang-alala si mama pero nagkausap na sila ni tita santi at masaya raw sila pareho dahil hindi kami nasugatan,pero nag-alala rin si mama kay klenth kaya nagpahatid sya sakin ng pagkain at sabi nyang ibigay ko ito sakanya kapag dadalawin ko sya,,yakap ko na ito ngayon at maisip ko palang na ngingiti ng maganda si klenth kapag binigay ko to sakanya ay sumasaya na ang puso ko,,gustong-gusto ko pa naman si klenth lalo na kapag naiinis na sya sa presensya ko at ang sarap nya lang asarin kasi mas lalo syang nagiging cute na gwapo^_^




Naalala ko nanaman yung senaryo kahapon na iniligtas nya ko sa mga hayop na yun na balak akong gahasain,ibang-iba ang itsura at aura nya sa kilala ko,,kapag minsan nakikisakay ako sa kotse nya kapag papasok kami pareho sa school,yung lukot nyang noo habang nakatitig sakin ay mas nagustuhan ko,,minsan pang napapasabunot sya sa buhok nyang medyo wavy,,may lahing demonyo ang mag-anak na yan!!
Isa lang yan sa mga naririnig ko sa kapitbahay nila,,medyo gusto ko ng maniwala noon dahil sa ilang beses ko ng nakitang nagkulay pula ang mga mata nya pero hindi ko yun in-open up sakanya dahil nga mainit ang dugo nun sakin at para akong malaking peste sa buhay nya na diring-diri kapag kasama ako,,okay lang kahit maselan ang lalaking yun basta alam kong sa likod nya ay may tinatago syang kabaitan na mas nakumpirma ko pa ng iligtas nya ako





Hindi ko nga lang ma-sight nitong mga nakaraang araw si tito army pero sabi ni tita busy sa business,,isa pa yun si tito army na gwapo,,nasa genes na nga nila kaya si klenth pwedeng maging artista,,muka nga lang strikto si tito pero kapag pumupunta ako minsan at naaabutan ko sya ay inaaya nya pa kong sumabay sakanila sa pagkain na hindi na sana ako papayag pero kapag nakikita ko si klenth na masama ang tingin sakin na parang sinasabi nyang wag akong papayag sa alok ng daddy nya ay mas lalo akong mang-aasar,,uupo ako sa tabi ni tito at makikikain na ko sakanila,,cute nya kasi kapag nagagalit e




Huminto na kami sa tapat ng police station kung saan dinala si klenth,malinis dito na parang kulungan sa ibang bansa,,mayaman kasi sila tita samantalang kami ay tama lang ang pamumuhay,,si tita natuto ng magmaneho ng kotse,,nalaman kong kay tito pa pala ang kotseng ito kasi naman apat ang kotse nila sa garahe,alam ko namang hindi pinapagamit masyado ni tito si klenth ng kotse





AWLBADB#2.The Merciless EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon