Ep#27[klenth's punishment]

1.1K 39 25
                                    

( Athena's POV )


Malapit ng mag-uwian pero wala paring malay si klenth.hindi narin nakapasok sa mga sumunod na subjects ang magkapatid kaya napagdesisyunan nalang naming umuwi.bitbit sya ni fredelus habang papunta na kami sa parking lot





"Kuya ayusin mo naman 'yang pagbubuhat mo sakanya.para ka namang nagdadala ng isang sakong bigas!" Saway ni jiya





"Sis,si veos nga hindi nagrereklamo ikaw pa..hayaan mo na,alangan namang buhatin ko sya ala-bride style.bakit kasal na ba kami?!" Nang-aasar na banat sakanya ng kuya nya







"Tse.bading ka talaga kahit kaylan!",kahit papano napangiti na ko dahil sa palaging pinasisigla ng dalawa ang atmospera lalo na kapag malungkot na




Si fredelus na ang nagmaneho dahil kami ni jiya hindi marunong sa ganyan.kaluluwa ako e.nasa passenger seat si klenth na mahimbing parin ang tulog.kami na ni jiya ang nasa backseat







Abala si tita santi sa pagluluto kaya hindi nya kami napansing pumasok.hindi na sya binati ng dalawa dahil lagot na pag nakita ni titang buhat-buhat nila si klenth na walang malay.baka mag-alala pa ng todo si tita.ayaw na namin syang pag-alalahanin






Habang papanhik kami papuntang kwarto ay kinalabit ko si jiya.nahinto naman sya sa paglalakad at nilingon ako





"Jiya pwede ka bang makausap kahit sandali lang?!"




"Sure,dun tayo sa garden"



Ng naroon na kami ay bumuntong hininga muna ako bago sya harapin





"Ano nga palang sasabihin mo?"




"Jiya pwede ko bang hiramin ang katawan mo?"




Halatang nagulat sya sa sinabi ko "athena..a-alam mong hindi ako normal na tao diba? Isa akong demon.baka mapasama ang espiritwal mo kapag sumanib ka sa katawan ko.gusto kitang tulungan pero baka ito ang maging mitya at manganib ka."






"Jiya ikaw nalang kasi ang kaisa-isa kong pag-asa.saka hindi naman aabot ng isang araw may iimbestigahan lang ako.at pareho naman nating alam na magagawa ko lang ang dapat kong gawin kung nasa katawan ako ng buhay."






Saglit syang natahimik.mukang tinitimbang nya ang kahilingan ko at sa magiging resulta nito







"Athena baka magalit si klenth kung malalaman ny--






"Jiya please.sana matulungan mo 'ko.bukas after ng klase dun ko hihiramin ang katawan mo.may kukumpirmahin lang ako.kung nag-aalangan ka dahil kay klenth ako na ang bahalang magpaliwanag sakanya pagkatapos.hindi ko na kasi kayang manood nalang.ayokong manahimik jiya gusto kong makatulong kahit sandali lang"







"Pinapahalagahan namin ni kuya ang mga bagay o taong mahalaga rin kay klenth at isa ka na roon."





"Mahalaga rin naman sya sakin jiya kaya ko nga gagawin 'to eh.sana naiintindihan mo ko dahil pareho tayo.pareho nating gustong tulungan si klenth.tayu-tayo nalang ang magtutulungan jiya kaya nakikiusap ako"





Pinaparamdam ko sakanyang pursigido ako sa gusto ko at hindi ako susuko.napapikit sya ng mariin sabay buntong hininga.pagdilat nya ng mga mata ay ngumiti na sya pero halatang napilitan lang





"Okay sige payag na 'ko pero isasama mo 'ko sa gagawin mo.babantayan kita dahil mahirap na kapag nalagay ka sa panganib..baka malagot ako kay veos." Aniya kaya mabilis ko syang niyakap kaso naglagos lang ako.nagtatalon nalang ako sa tuwa.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AWLBADB#2.The Merciless EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon