Ep#17

1.7K 69 8
                                    


(Athena's POV)

"Ma ano 'yang niluluto mo?mukang masarap a?"


Paggising ko palang at nung pababa ako ng hagdan ay naamoy ko agad yung niluluto nya,bigla nga kong napahawak sa sikmura dahil sa gutom kaya nagmadali akong bumaba at ito ang nadatnan ko,,si mama na nagluluto




"Pininyahang manok ito,,naparami ang luto ko dahil pupunta ako mamaya kila santi para bigyan sya nito saka para narin makapagkwentuhan kami,,itatanong ko narin kung bakit ilang araw ng wala sa pabrika si Sir,mabini..yung si Ariel tuloy ang uma-attend sa mga meetings saka sa product deliveration na si Sir dapat ang umaasikaso,!",sabi nya habang busy sa paghahalo




Umupo ako sa mesa saka na nagsimulang mag-almusal,napatingin ako sa wallclock sa taas at nakitang 7 'o clock palang



"Ma si papa po pala?!"




"Nauna na sa talyer,,marami pa syang aasikasuhin e,ikaw pala anong oras ang pasok mo?"




"8 po ma,,diba dadalawin mo ngayon si tita santi?gusto ko po sanang sumama sainyo para sabay na kami ni klenth!",pagkasabi ko ay napatingin sakin si mama sabay ngisi,




"Ikaw na babae ka magtapat ka nga sakin!,type mo si klenth ano?!",hala sya!kaylan pa naging mapag-usisa?!,





Umiling nalang ako saka na bumalik sa kinakain,,mukang makakalibre nanaman ako sa pamasahe dahil sasabay nalang ako sa kotse ni klenth,




Ilang minuto lang pagkatapos maluto at nilagay sa plastick tupperware yung dadalhin ni mama ay naghanda na kami sa pag-alis,,may sasakyan kami kaso nag-iisang motorsiklo,si papa kasi nagmamay-ari ng isang talyer at maayos naman ang pamumuhay namin,,hindi kami gaya nila tita santi na mayaman talaga pero masaya na kami kung anong meron kami ngayon,ang importante lang naman sakin ay mairaos ang pang-araw araw naming pagkain at pangtustos sa pag-aaral ko,,ako na ang nagpaandar sa motor dahil hindi marunong si mama mag-drive nito,,buti nalang naturuan ako dati ni papa




Ng makarating ay ipinark ko muna sa gilid nung gate habang si mama nagdo-dorbell na,,tinanggal ko ang helmet sa ulo ko at nakitang lumabas na si tita santi




"Ay sir ito na po ba yung pinadeliver kong pizza?!",,taka akong napatingin kay tita tapos kay mama,,hindi pa kasi tinanggal yung helmet sa ulo,,





"Gaga best ako 'to!",sabi ni mama sabay tanggal nung helmet,halos magtatalon sila habang magkahawak kamay pa,para silang dalaga pa kung titignan





"Best ikaw pala,,buti napadalaw ka,halikayo pasok at nagpadeliver ako ng pizza,,halika athena!"kayag nya sakin kaya ngiwi akong sumunod




"Tita si klenth po?!"




"Pababa na yun iha,sabay na kayong pumasok,at ikaw kate ha marami tayong pag-uusapan,matagal-tagal narin nung huli kang bumisita,,halika dun tayo sa sala dali!",excited na sabi ni tita kaya masaya silang umalis at iniwan ako sa isa pang sala,,kung 'di nyo alam lima ang sala nila dito,sa taas meron silang 20 bedrooms dipa kasama sa guestroom,,may tatlong cr dito sa baba tapos sa taas apat,tapos yung labas ng bahay nila all black,,malawak at malaki talaga dito kala ko nga nung unang punta ko hotel e




Nakarinig ako ng yabag kaya napatingin ako sa hagdan,,halos mapangiti ako ng makita si klenth na bumababa habang sinusukbit yung bag sa likod nya tapos nahinto sya sa paglalagay ng earphone sa tenga at nabitawan pa yung susi ng kotse ng makita ako,nilapitan ko sya



"Goodmorning klenth!sabay na tayo a?!"sabi ko pero natulala lang sya,ako nalang yung yumuko para kunin yung susi na nahulog,,pag-angat ko ng tingin ayun tulala parin,natulala na ata sa ganda ko e,joke lang,,pero seryoso napano ba sya?naengkanto ata




AWLBADB#2.The Merciless EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon