Ep#26

537 12 0
                                    


( Athena's POV)

"Jiya paabot nga ng suklay!"





"Kita mo namang inaayos ko yung palda ko diba?ikaw ang may paa't-kamay dyan bakit di nalang ikaw ang kumuha!?"





"Mas malapit ka kasi dyan sa lalagyan.kapag hindi mo kinuha lilitsunin kita!"





"Edi litsunin mo.para magkaalamanan na kung sino ang mas malakas sating dalawa.ano? Kahit kuya kita di kita aatrasan"





Araw-araw nalang kung magbangayan itong dalawang ito.sa ilang linggo ko ng wala sa katawan ko ganyan ang araw-araw kong nakikita.miss na miss ko na ngang umuwi samin at makasama sila mama't-papa





"Let's go.tama na 'yang away nyong dalawa." Sumabat na si klenth dun sa dalawa dahil muka ngang walang balak tumigil sa kakasagutan.nagsialisan na kami sa kwarto at pababa na ng hagdan ng mabungaran si tita santi na ngiting-ngiti pa.pansin kong may dala syang mga damit na pang-opisina




"Kumain muna kayo bago umalis.marami pa naman akong niluto dahil mamaya bibisita ang tita vanessa nyo rito!"





"Mom is that dad's office clothes?!" Tanong ni klenth sa mama nya





"Oo,lalabhan ko na kasi may sakit raw ngayon yung labandera natin.saka baka sakaling bumalik na ang daddy mo para may maisuot sya kung sakaling muli na syang papasok sa tanggapan".ako lang ba o parang pinipilit lang ni tita na pasiglahin ang tono at awra dahil nandyan ang anak nya?






Napasulyap ako kay klenth at diko maiwasang makaramdam ng awa ng sandaling mapalitan ng lungkot ang pokerface nyang muka..marahil sobrang miss na ni klenth ang daddy at nag-aalala sya para rito.at palagay ko sobra rin ang lungkot kay tita santi



At alam naman nating sunud-sunod ang ginagawa ng mga kalaban nila..nitong mga nakaraang araw nga walang masyadong ginagawang kilos ang mga yun eh..at mas lalo akong nag-aalala dahil baka mas grabe na naman ang gawin nila..buti nalang talaga at pinadala rito ang magkapatid kundi baka hindi makayang mag-isa ni klenth na harapin ang lahat ng pasakit na binibigay sakanya ng mga kalaban





"Tita we'd like to pero baka mahuli na kami sa pagpasok.sa school nalang kami kakain!" Segway ni fredelus dahil siguro ramdam nyang naging gloomy ang paligid ng ma-mention si tito army



Tito asan kana ba? Ngayon ka mas kaylangan ng mag-ina mo..napatay na po ba talaga kayo?






"Bye mom,we're going now!" Ani klenth sabay kiss sa pisngi ni tita.hinatid nya ulit kami sa gate hanggang sa makalayo na ang kotse sa bahay nila





"Klenth naisip ko lang..baka habang wala tayo sa bahay nyo biglang sumalakay ang mga kalaban natin.nag-aalala kami kay tita.!" Pagbasag ni jiya sa katahimikan.simula kasi ng mapag-usapan si tito kanina e naging tahimik na itong katabi ko.titig na titig lang sya sa dinadaanan at focus na focus sa pagmamaneho.ni hindi na nga nya nakukuhang magpagupit.humahaba na ang brown curly hair nya





"Naisip ko na 'yan bago mo pa sinabi.wag kang mag-alala may barrier akong nilagay sa bawat sulok ng bahay..walang kahit sinong kaaway ang makakapasok..ilang gabi ko ring naubos ang enerhiya ko para lang gumawa ng dobleng tibay na proteksyon."






Buti nga at matiwasay kaming nakapunta sa school.last time kasi may malaking asong muntik ng paliparin ang kotseng ito habang papunta kaming school.buti nalang nagamit ni jiya ang talino nya at kinalaban ang malaking asong yun.meron syang dilaw na mata at nakakatakot na mahahabang pangil.ang cool nga ni jiya habang walang kahirap-hirap nyang pinatay ang halimaw pero ang siste,one hour silang late sa klase kaya pinalabas sila

AWLBADB#2.The Merciless EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon