First thing na ginawa ni Happy ay mag-almusal at nag-ayos para maaga siyang makaalis ng bahay nila. Kailangan pa kasi niyang puntahan si Jay para maasikaso ito dahil nga sa nabaling braso niya. Nagpaalam na siya sa Mum niya at hindi na niya inantay ang sagot nito kakamadali niya. Nang makarating siya sa bahay nila Jay ay nagulat siyang napakalaki nito at sobrang yaman pala ni Jay. Ito ang first time na nakarating siya sa bahay nito. Sinalubong siya ng Mommy ni Jay at binati.
TITA: Good Morning Hija! *smiles*
HAPPY: Good Morning din po. *smiles*
TITA: Ang laki mo na pala, the last time I saw you was when you were 5 years old. Ah Yaya, call Jay now.
HAPPY: ha po?
Nagtatakang sagot ni Happy sa Mommy ni Jay. Sa pagkakaalala niya kasi ay hindi pa sila nagkakakilala nito. Sa mga meetings kasi sa school nila, Daddy ni Jay ang pumupunta pero hindi naman sila nagkakakwetuhan nun kaya't malabong naikikwento siya ng Dad nito sa Mum niya. Kaya paanong kilala siya ng Mum ni Jay? At ano ang sinasabi nitong nakilala na siya nito when she was 5. Lahat ng katanungan na yan ay gumugulo sa utak ni Happy ngayon. Wala siyang mahanap na kasagutan sa isip niya. Bumalik ang yaya ni Jay pero hindi niya kasama ang binata.
YAYA: Madam, ayaw pong gumising ni Sir Jay eh. Mahimbing po ang tulog.
TITA: Saglit nga.--
HAPPY: Ah Tita, ako na po bahala. Ako na po gigising sa kanya.
TITA: Are you sure?
HAPPY: Yes Tita. *smiles*
TITA: Oh sige. Dumiretso ka lang tapos kaliwa then yung unang brownish na pinto, yun ang kwarto ni Jay.
HAPPY: Sige po Tita. *smiles*
Pinuntahan na niya si Jay. Nang makita niya ang kwarto nito ay agad na siyang pumasok. Nakita niya ang mahimbing na natutulog na binata. Para itong isang anghel na hinulog sa langit pag natutulog. Bigla niyang naalala ang mukha nitong galit na galit kahapon habang siya naman ay umiiyak kaya't nawala ang pagkamangha niya sa mala-anghel na mukha nito. Lumapit siya sa kasama at tinangka siyang gisingin nang biglang hilain nito at natumba siya sa tabi nito sa may kama. Nanlaki ang mata niya nang makitang magkalapit sila ng mukha. Tulog pa rin ang binata at nakayakap ito sa kanya na parang ginawa siyang dantayang unan nito. Napatitig siya sa mukha ng binata at tinitigan ito. Nagulat siya ng dumilat ang mga mata nito. Napasigaw siya at nasampal niya ito. Nahulog naman sa kama si Jay at dali daling tumayo nang mabuhay ang diwa nito. Habang si Happy ay nakasaklob ng kumot at parang walang balak lumabas rito dahil sa kahihiyang ginawa niya.
JAY: What are you doing here inside my room?
HAPPY: Kasi ayaw mo pang gumising eh! Tulog mantika ka!
JAY: Ano? Who gave you the permission na pumasok dito? At teka, anong ginagawa mo sa kama ko? Pinagsamantalahan mo ko?
Sabay takip ni Jay sa mga dibdib niya na parang napagsamantalahan.
HAPPY: Malisyoso! Hinila mo kaya ako nung ginigising kita! Tapos yun, bumagsak ako sa kama mo. Kunyari ka lang ata natutulog eh!
JAY: ha? I'm sleeping hanggang sa makita kong katabi kita! Tinitigan mo pa nga ata ako habang natutulog eh.
HAPPY: ha?!
Namula si Happy sa hiya na agad namang napansin ni Jay.
JAY: You're blushing! *laughs*
HAPPY: ha? I'm not! Maligo ka na nga! Anong oras na!
Dali-daling lumabas ng kwarto si Happy. Nang makalabas ay agad niyang hinabol ang hininga niyang kanina pa niya pinipigil. Nadatnan naman siya ni Yaya sa ganung sitwasyon.
YAYA: Anong nangyari hija?
HAPPY: Ah wala po. Saan po ba cr dito?
YAYA: Ah bumaba ka lang tapos kaliwa. *smiles*
HAPPY: Sige po. Salamat po. *smiles*
Kahit na alam niyang pupuntahan ni Yanna si Jay ay sinundo pa rin niya ito. Nang lumabas si Yanna ay nakita nito ang kotse ni Kenneth na nakahinto. Umalis pa rin siya pero sinundan siya ni Kenneth. Huminto si Yanna at bumaba naman si Kenneth sa kotse nito.
YANNA: Sabi ko diba pupuntahan ko si Jay?
KENNETH: Hindi mo naman kailangang pumunta dun eh. Andun si Happy!
YANNA: Yun nga eh. Si Happy ang andun imbis na ako. Kailangan ako ni Jay.
KENNETH: why do you think so?
YANNA: I can take care of him.
KENNETH: Hindi niya kailangan ng dalawang nurse. Happy is enough.
YANNA: No! I'm more than enough. Kaya't ako dapat ang nasa tabi ni Jay ngayon. Pwes kung hindi mo ko sasamahan, mauna ka na sa school.
Paalis na si Yanna nang pinigilan siya ni Kenneth.
KENNETH: We'll drive you there.
Sumakay na si Yanna tsaka naman sumunod si Kenneth at tsaka sila nagpunta kila Jay. Natraffic sila nang halos kalahating oras. Nang makarating sila dun ay huli na ang lahat. Paalis na sila Jay and Happy. Sumakay sa kotse ni Jay si Happy. Napatingin si Kenneth kay Yanna na hindi kumikibo. Galit ba ito?
KENNETH: Ikaw naman kasing kotse ka eh. Bakit hindi ka marunong lumipad. Ayan tuloy, nahuli tayo. Malungkot na tuloy ang bestfriend ko. Kuya baste, bukas na bukas, i-train niyo tong lumipad ah? Nang hindi tayo naiistock sa traffic.
KUYA BASTE: Sige Sir. Gusto mo mamaya pa eh.
Natawa naman bigla si Yanna. Kenneth never fails to make her smile. Nakangiting nakatingin sa kanya si Yanna at ginantihan naman niya ito ng ngiti.
KENNETH: yan, smile ka na ulit. Para masaya ang buong araw. Okay? Puntahan na lang natin si Jay mamaya at kamustahin mo siya.
YANNA: Thank you. *smiles*
KENNETH: Tara na Kuya Baste, baka malate na naman tayo.
Nang maglunch break ay umalis muna si Kenneth at sumama kay Happy dahil may aasikasuhin sila sa Math Club. Naiwang magkasama sila Jay and Yanna. Nilapitan ni Yanna si Jay at kinamusta ito.
YANNA: How are you feeling now?
JAY: ha? I'm....okay. why you asked?
YANNA: Obviously, may problema sa braso mo. Basta Jay, if you need any help, just call me. *smiles*
JAY: How do you possibly got annoyed by this charming and pretty girl? Ah yes. I will. *smiles*
YANNA: I know this past few days, I really pissed you off. But I didn't mean to do that. I'm just showing care.
JAY: I know. *smiles* I'm sorry for treating you bad before. friends?
YANNA: yes, friends!
Niyakap ni Jay si Yanna at yun ang tanda na tunay na silang magkaibigan. Dati kasi, inis na inis si Jay sa presence ni Yanna. Palagi kasi itong sumusulpot kung saan siya naroon. Pero ngayong naisip niyang hindi naman siya dapat mainis sa dalaga, he'll be closer to her starting today.
BINABASA MO ANG
Secret Hero
FanficThe story of four people who secretly like one another. Find out who loves whom. :)