Shy #18

4 0 0
                                    


Hindi ako makapaniwala.

Akala ko matatahimik na ang buhay ko..

Pero hindi pala..

Nakaka-inis talaga ang ganitong buhay..

Kapag wala ka talagang kaibigan.

Hinding-hindi mo maiiwasan ang hindi mabully.

Kahit sa Room ay hindi nila ako tinantanan.

Tinatanong nila ako palagi kung nagpalit na ba ko ng palda ng dahil sa pagaakala nila'ng

Tinagusan ako..

Walang magandang nangyari sa araw na to.

Walang pagbabago.

Sisiguraduhin ko ding lalabhan ko ng maayos ang palda ko at kukusutin ko iyon ng kukusutin hanggang sa mawala ang mansya ng ketchup doon.

Hargh!!.

Ano bang problema ng tatlong babaeng yun sakin?.

Ano bang ginawa ko sa kanila?.

May ginawa ba akong masama sa kanila?.

Parang ngayon ko nga lang nakita yung mga babaeng yun eh.

.

Tapos na ang klase.

Palabas na sana ako ng room ng bigla kong marinig ang nakakahulasok na sigaw ni Ivan(Ang pinaka bully sa room namin.

"She has a backlit!! Hahahahha."

At sabay-sabay silang nagtawanan ng mga kasama niya.Napakit ako nalang ako sa sobrang inis.Gusto ko silang patayin pero hindi ko pwedeng gawin yun dahil baka si Duterte pa ang pumatay sakin.Kaya Minu-Murder ko nalang sa isipan ko.

Lumabas na ako ng room.Pero akala ko tapos na ang lahat.Hindi pa pala.

Nakita ko lang naman ang mga babaeng sumira ng araw ko.

Ang Pabebe girls.

Naglakad na ako at agad na yumuko para hindi sila masilayan.Napatigil ako ng may maramdaman akong humawak sa braso ko.

"Where did you think your going?."Napaangat ang ulo ko.

Sh*t.

Sila nanaman.

"Ano ba bitiwan nyo nga ko.".Pilit kong inaalis ang braso ko pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin kaya hindi ko yun magawa. "Ano ba? Bitiwan nyo nga ko!"

Nagsimula ng magtinginan ang mga tao samin.

"Did you hear something haley?."Pagtatanong ni Chloe sa kasama niya."Did she say bitawan?."

Tumango naman ang kasama niya.

Pilit ko pa ding inaalis ang braso ko sa kamay niya.

"Ok if you say so..".Bigla niyang binitawan ang kamay ko kaya bigla akong napasubsob sa sahig.Halos maiyak ako sa sakit ng dahil sa lakas ng pagkaka-hampas ng puwetan ko sa sahig.

Halos na-shock ang lahat ng tao sa hallway ng dahil sa nangyari sakin.

"C.mon. Nagsasayang lang tayo ng oras dito.".Naglakad na sila palayo sakin.

Hindi ko na kaya.

Napipikon nako.

Hindi ko na talaga kaya.

Inis na inis na ako.

Kaya agad kong kinuha ang ballpen sa bulsa ng palda ko.

Dahan-dahan akong tumayo.

Nilingon ko silang tatlo.

Unti-unti kong iginalaw ang mga paa.

At agad akong kumaripas ng takbo palapit sa kanilang tatlo at dun ko Pinagsasaksak ang gilid ng leeg ni Chloe gamit ang ballpen ko.Napahiga sya sa sahig ng dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya sa ginawa ko.

.

Pero hindi ko sya tinantanan.Inupuan ko ang tyan niya at mabilis ko syang pinagtatatadtad ng saksak.Tumatalsik na ang dugo niya sa damit ko pero wala akong pakealam.

.

Nasusugatan na ang braso niya ng dahil iyon ang ginagawa niyang pangharang sa pagsaksak ko sa kanya.Naiiyak na sya ng dahil hindi na nya kaya.Walang ng  ibang nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi panoorin ang kaibigan nila na nagdurusa sa sakit.

Ganun din ang reaksyon ng mga tao na nakakakita sakin.

Ang iba naman ay napapasigaw ng dahil sa takot ng kanilang nakikita.

Pero merong isang sigaw ang nakapagpatigil  sa ginagawa ko.

"Ms Park!!."

Napatulala ako ng makita ko si Ser Ed. na nakatayo sa harapan ko.

"Bakit nakakatulala ka lang sa klase ko!."

Namilog ang mata ko ng mapansin kong nasa klase nga ako.

Ano nangyari?

Ano yun daydreaming lang??

"I said get 1/4 sheet of paper!."

At dun ko lang namalayan na.

May Quiz nga pala ngayon!.

SHY TYPE AKO. Wala Kang PAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon