Shy #19

5 0 0
                                    


Uwian na.

Sa wakas ay natapos din ang masalimuot na araw na ito.

Paano ba naman kasi.

Mababa nanaman ang score na nakuha ko sa quiz!.

Hindi kasi ako nakapag-concentrate sa tinuturo ni Ser Ed. Kanina.

Kaya ayan. 5 over 15 lang ang nakuha ko na score.

Huhu at ako lang tuloy ang nakakuha ng pinakamabababg score sa quiz.

Hays! Kasalanan ito ng tatlong maria na yun!.

Kung hindi lang sana nila ako pinagtripan kanina.

Edi hindi ko sana sila pinagmo-murder sa isipan ko habang nagtuturo si sir Ed tsk!.

Lumabas nako ng classroom at nagtungo na agad sa hagdanan.

Pababa na sana ko ng may bigla akong narinig na boses.

"Omg girls! Ang pogi nung bagong transferee!."

Pogi?.

Bigla ako na-Curious kaya agad akong nagtago at sabay na pinakinggan ang susunod na sasabihin ng babae.

"Oo nga eh! And balita ko is galing sya ng private school kaya malamang sa malamang ay matalino yun!."

Porket sa Private school nag-aaral ay matalino na agad?

Ano yun parang love lang?

Porket nagpakita sayo ng magandang motibo ay feeling mo crush ka na agad!.

Hays! Makaalis na nga! At baka hanapin pako ni tito rod.

And as if naman na may pakealam ako sa mga gwapo na yan nuh.

Naku! Yang mga gwapo na yan! Aanakan ka lang at syaka ka iiwanan.

Yan ang sabi ni tito rod.

Papatatalikod na sana ako bigla akong mabunggo sa isang matigas na bagay.

Namilog ang mata ko ng masilayan ko ang bagay na iyon.

Napalunok ako na mapansin ko na hindi lang pala sya isang bagay lang.

Isa pala syang Magandang nilalang!.

"Sorry po miss."Paghingi nya ng pasensya ng dahil sa pagkakabangga ko sa kanya at agad na syang umalis.

Teka? Bakit sya ang humihingi ng tawad?

Diba ako dapat ang magsorry sa kanya dahil ako itong hindi tumitingin.

Pero inferns ha! Ang bait nya! Kasi yung mga lalaking nababasa ko sa libro ay kapag nabunggo mo ng hindi sinasadya ay bigla-bigla ka nalang mumurahin.

Pero sya!

Sya pa talaga ha!.

Sya pa talaga yung nagsorry!.

Hayy...What a life!.

Pababa na sana ako ng hagdanan ng masilayan ko ang tatlong babae kanina na sobra ang pagkatulala sakin.

May masama ba sa mukha ko?.

"Girl! Ang swerte niya!."-Bulong ng isang babae

"Oo nga..gosh kung ako yan naku! kanina ko pa tinanong yung pangalan nung guy at agad-agad kong hihingin yung number.'

Teka??

Hindi kaya yung lalaking nakabungguan ko kanina ay yung lalaking pogi na pinag-uusapan nila?

SHY TYPE AKO. Wala Kang PAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon