Shy #22

11 0 0
                                    


Shy Pov.

Hayy.. sa wakas..

Nakawala din ako mula sa kamay ng audrey na yun..

Grabe!

Ano bang meron ang bunganga ng babaeng yun.

Tila baril na putok ng putok.

Hays!.

Hindi pa naman ako masyadong ma-close sa isang tao.

And isa pa hindi ako friendly.

At grabe! English sya ng English eh mali-mali naman yung grammar nya!.

Mabuti na nga lang ay nakumbinsi ko sya na magsi-Cr lang ako pero ang totoo ay ayaw ko lang talaga sya makasabay pumasok ng roon.

Baka kasi ano isipin ng mga kaklase ko kapag sabay kami pumasok.

Paano ba naman kasi!.

Kamag anak nya ba yung isa sa mga fairy tale para bati-batiin nya ang lahat ng tao na makakasabay namin.

And isa pa!.

TRANSFEREE LANG SYA DITO!

Hays.kailangan ko munang i-check kung nakapasok na sya ng room bago ako tuluyang pumasok.

Sinilip ko ang labas ng room.

Wala na sya doon.

Malamang ay nakapasok na yun.

Naglakad na ako papunta ng classroom ko.

Pagkaharap ko palang ng pintuan ay agad ko na syang nasilayan na naka-upo sa pinaka-harapan habang nagsusuklay

Agad kong kinuha ang notebook ko at mabilis ko iyon itinakip sa muka ko upang hindi niya ko masilayan.

Dali-dali akong pumunta sa upuan ko.

Pagkaupo ko ay sinilip ko muna sya kung mapapatingin sya sa gawi ko at nung oras na napatingin siya sa gawi ng likuran ay mabilis kong idinampot ang notebook ko at mabilis ko iyon itinakip sa muka ko

Wala pang dalawang minuto ay dumating na ang teacher namin sa Org management na si Mam ,Reducion.

Bago sya magsimula sa lesson nya ay ipinamalita nya muna sa amin na may bago kaming kaklase at iyon si audrey.

Tinawag nya si audrey upang ipakilala ang sarili nya sa harapan na sya namang sinunod ni audrey

Hindi ko alam kung ilang litro ng confidence ang nainom ng babaeng ito.

May pa-I duBelib-duBelib pa syang nalalaman

Nagsisimula na ding magtawanan ang mga kaklase ko sa kanya.

Pero wala syang pake-alam.

Hay naku! Kung  Ako yan!

Hihilingin ko nalang sana na kainin ako ng lupa!.

At may nasabi pa sya na meron sya'ng kakambal na lalaki at pareho din daw sila ng course pero hindi nya alam kung bakit wala pa daw sya sa room ngayon eh samantalang nauna pa raw iyon umalis kanina sa bahay nila.

Hayy ewan!.

Hindi ko alam kung bakit ako nakikinig sa kwento ng babaeng yan.

Hsh!..

Wala rin naman akong pake-alam sa kanya!.

At ano nga bang pake-alam ko sa kanya?.

Eh ano nga bang pake ko?.

Hays!! Ewan!

Ilang  sandali pa ay umupo na si audrey

Sa wakas!.

Natapos na din ang kaartehan niya.

Hays imbis na pag-Tuunan ko sya ng pansin.

Ay mas uutapagin ko muna tong irereview ko sa business math!

Huhu may quiz kami dun eh!.

Ba't hindi pa kasi ako nag-review sa bahay kagabi!.

Edi hindi sana ako nagrereview ngayon habang naglelecture kami sa Org management.

OK!

Yung kailangan ko lang is kabisaduhin yung formula!.

I=PRtblah! Blah blah!.

Hay paano nga ba makuha yung maturity value?.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang may Gwapong nilalang na sumulpot----

Teka?

Gwapo?

Tingin uli sa pintuan.

Shetlacks!!!.

Yung!----Yung lalaking nakabungguan ko kahapon!.

Nyeta!.

Ano ginagawa nya dito-----

Oh no!!!.

Dont even try to say it!!!..

Sya yung kakambal na lalaki ni audrey!?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHY TYPE AKO. Wala Kang PAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon