KRYSTAL'S POV
Nakarating kami rito ng medyo maaga. 5:10 palang. Di niya na pinasok ang kotse niya. Kaya naglakad kami papasok. May ilang bisita na rin, at may dumadating na rin. Dumiretso kami sa taas sa kwarto ng mama niya.
"Tita." Tawag ko habang kumakatok. Itong kasama ko naman poker face lang. Tss.
"Pasok ka nalang iha"
"Sige po"
Pumasok na kami. Gulat at saya ang bumalot sa mukha ni tita ng makita kami ni Zick. Humarap siya sa amin dahil nakatalikod siya kanina sa amin sa salamin niya kami nakita.
"Zick. Anak" dali dali siyang lumapit sa amin at niyakap niya si Zick. Lumabas naman ako. Pero bago ako makalabas nakita kong nag thank you siya sa akin. Ngumiti nalang ako at lumabas. Pumunta ako sa kwarto ni Zick.
Nag tingin tingin ako. Black and white ang kwarto niya. May picture kami rito na nakasabit sa ding ding niya. 8years old ako rito at hindi nerd look ang itsura ko. Merong ring 13 years old ako. At picture kong mag isa lang ako ng 13 ako at hindi nerd look.
Marami pang ibang picture namin. Yung iba naman picture nilang as whole family. Meron naman yung dalawa sila ni mama niya. At syempre di mawawala ang picture ng mga kaibigan niyang sina Ivan. Nasa 15 palang ata sila rito at meron naman yung latest. Nakasuit silang lahat dito.
Umupo muna ako sa kama niya. Inilapag ko na rin ang regalo ko. Lumipas ang ilang minuto ng may pumasok rito si Zick.
"Nag usap kayo" tanong ko at tumayo. Lumapit ako sa kaniya at inayos ang neck tie niya.
"Yep."
"Kamusta?"
"Okay naman. Tara na muna sa sala. Nandoon na sila Ivan."
"Okay" at ngumiti ako sa kaniya. Pinagbuksan niya ako. Kaya nauna na akong lumabas. sumunod naman siya kaya nauna na akong bumaba.
Ng makababa ako. Dumiretso ako sa sala. Umupo ako sa isang sofa na nandun. Umupo rin naman si Zick sa kabila.
"Stal?" tanong ni Troy.
"Hmmmm?"
"Wa-wala. Akala ko dika pupunta wala ka sa bahay maghapon eh"
"San ka nanggaling??" tanong ni Ivan sa akin ng ibinaba niya ang magazine na binabasa niya.
"Dito at sa condo lang" sabi ko at kinuha ko ang magazine na ibinaba niya kanina.
"Sure??"
"Yeah."
"Tss" at pansin ko ang pagpipigil nila ng hininga nina Troy at Chris. Syempre yung dalawa. Poker face.
Troy POV
WHOAH!! Akala ko kung mag aaway na sila. Pero shucks ang ganda ni Stal. Kahit na medyo may pagka buhaghag ang buhok niya at may ilang pimples at malaking glasses. Maganda siya.
Pero wag niyong isipin na gusto ko siya. May mahal akong iba wag kayo.Nandito kami ngayon sa anniversary party ng magulang ni Zick.
Pero ang pinagtataka ko lang is bakit nandoon sa Kwarto ni Zick si Stal. Nakita ko yung paglabas ni Stal kanina dahil balak ko sanang pumunta sa taas. Kaya lang nga nakita ko yun. At kahapon magkasabay kami.
Mukha ngang nagseselos si Ivan eh. Kaya nga kanina pigil hininga ako. Maghapong wala si Stal ngayon. Tss. Ewan ko ba. Pero di kaya may relasyon sila. Tsaka nung isang araw.
Nakita kong inakbayan ni Zick si Stal pero tinanggal ni Stal ang kamay niya. Ang sabi pa ni Stal is
***
"We're in school Zick""Tss. Bakit kasi--"
"You know why" putol ni Stal kay Zick
"Okay fine una na ako. Bye"
***
Oh?? Diba. Bakit nasa likod sila ng school bakit ganon ang usapan nila.?? Para talaga silang may lihim na relasyon. Uhmmmp. Ewan koba. Pero kasi may kasama siya kahapon si Krissy kadate niya ata. At tsaka nung kahapon ng gabi diba sabay sila si Stal is parang umiyak. Baka nag away?? Dahil sa may ka date si Zick. Hindi ba?? Isss ewan koba. Pinagmamasdan ko si Ivan na nakatitig kay Stal hindi iyon napapansin ng iba dahil may kaniya kaniya silang buhay. Si Chris may kausap na babae yung pumasok ata kanina. Si Gian naman nakasandal na nakapikit. Si Zick naman tulala sa kawalan.
IVAN'S POV
Nakatitig ako sa kaniya. Ang amo niyang tignan. Ewan ko pero naiinis ako sa kaniya kasi di man lang niya ako nitext kung nasaan siya.
"Bakit ikaw nitext mo ba siya kung nasaan?" Sabi ng kabila kong isip.
"Nga naman kasi. Tss"
"Eh bakit ba?? Kailangan ba yun??"
"Oo ah."
Ahh. Para na akong baliw rito kinakausap ko ang sarili ko. Tss. Oo na diko siya tinanong kung nasaan siya. Pero kahit na noh! Umppph. Ewan ko. Kinuha ko nalang ang magazine na nakapatong sa mesa rito sa sala.
*******
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd And Mr. Heartthrob Are Secretly Married.
Dla nastolatkówWala ng Proulogue di ko po kasi alam gumawa mahina ako riyan eh. Hehe. This is my own story. Kathang isip lang po ito. But i hope you like it.