Krystal's POV

Nandito parin kami sa party actually kakaumpisa palang eh. Magkatabi kami ni Zick. Syempre siya escort ko. Bumulong ako sa kaniya.

"Zick??" Hinihila ko yung laylayan ng suit. Napatingin naman siya sa akin. Inilapit niya ang tenga niya sa akin.

"Gutom na ako." Tumawa siya. Tss anong nakakatawa roon. Eh sa gutom na ako eh. Ewan koba.

"Haha. Teka wait" at para siyang may hinahanap.

"Waiter" tawag niya kay kuya. Ah. Ang style  kasi is buffet bahala kang kumuha ng pagkain mo pero may mga waiter din kung may kailangan ka. Agad namang lumapit si kuya sa amin.

"Ser??"

"pwede mo ba kaming dalhan ng pagkain. Gutom na kasi tong kasama ko eh" sabay tingin sa akin na may halong nakakalokong ngiti. Tss.

"Yes. Ser" agad naman niyang sagot at tumalima na.

"Okay"--- "aray. Bakit?" Pinalo ko sa braso niya.

"Uhmmmp ewan ko sayo" inirapan ko siya. Kaasar eh.

"Hahaha. Ang cute mo talaga" at pinisil ang ilong ko.

"Aray." Reklamo ko.  Hinilot ko yung ilong ko. Mabilis lang  naman yung pag pisil niya pero pinisil niya ng mabuti. Ayos noh?? Tss.

"Ehem" tikhim ni Troy. Tss. Inirapan ko lang siya.

"Tumigil ka nga" suway ko kay Zick. Paano kasi kumakanta. Eh parang ang ganda naman ng boses. Tss. "Maganda naman ah" singit ng isa kong isip. Iss ewan ko. Oo na maganda na.

"bakit ayaw mona boses ko.?? Nakakasakit ka ah" sabi niya habang hinahawakan ang dibdib niya. Tss. Ummmph. Inirapan ko nalang.

"Hey" bulong niya sa akin at sinundot ang tagiliran ko. Napaatras ako kasi ang lakas ng kiliti ko diyan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa pa Zick. Bubugbugin na kita diyan." Banta ko sa kaniya. Alam niya na nga kasing ayaw ko ng nakikikiti. Kikilitiin pa rin ako. Tss.

"Wo-woah" sabi niya at itinaas ang dalawang kamay na parang susuko na. Tss. "Chill ka lang. Init mo" dagdag niya. Binatukan ko siya. "Wo-woah. Bakit na naman??" Tanong niya nakita ko namang umiiling iling si Gian. Dina ako sumagot pa basta inirapan ko lang siya. Sakto namang dumating na yung mga pagkain. Inayos na nila yung mga pagkain. Tinignan ko lang kung paano sila maghanda ng matapos nila yun umalis na sila puno ng pagkain ngayon ang mesa namin. Tss.

"Ano po ang gusto niyo aking prinsesa" mahunang sabi niya sapat na para marinig ko pero sa tingin ko naintindihan rin nila ito. Medyo maingay rito dahil na rin sa nagsasalita at sa back ground music.

Napatingin ako ng marinig ko ang pangalan ni tita at tito.

"Let's all welcome Mr and Mrs. REYES." Sigaw ng emcee. Pumunta naman sina tita sa taas binigyan sila ng mike. "Let's give them around of applause" nagpalakpakan sila nakipalakpak na rin kami/ako. Napaka ganda ni tita. Para siyang nasa 20 palang kung titignan pero the truth is 43 na siya.

"Thank you" paunang salita ni tita. "Thank you for coming. Diko akalain na makakaabot kami ng ganito katagal." at tinignan niya ai tito. Napatingin naman ako sa kaniya. Walang kaexpre-expresyon ang kaniyang mukha. Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay tita. Ng mapansin kong pinapatunog nila ang mga baso nila gamit ang kutsara nila.

"Madame and ser mukhang gusto nila ng masaksihan muli ang matamis na iyong paghahalikan." Sabi ng isang baklang emcee. Naghalikan naman sina tita. Isang masigabong palakpakan ang iginawad nila. Nagtagal ito ng kaunti. Malawak naman ang naging ngiti ni tita sa kanila. Natigilan ako sa sinabi ng emcee.

"Ngayon naman hinihiling kong pumunta rito ang nag iisang anak nila na si Senior Zick Reyes." Napatingin ako kaagad sa kaniya. Halos lahat sila ay nakatingin rito dahil ipinunta nila rito ang spot light. Hinihintay nila ang pagtayo nila. Hinihintay  ko rin kung tatayo siya. Tumayo naman siya. Peeo bago siya pumunta roon Inayos niya muna ang sarili niya. Naglakad patungo sa stage. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ng makarating siya roon hinalikan niya si tita at--- tito.  Ibinigay sa kaniya ang isa pang mike. Nakita kong humingi siya ng malalim. Tumingin siya sa akin. Itinaas ko nalang ang kamay ko at nag thumbs up.

Ivan's POV

Nakita ko kung paano sila mag asaran. At paano tignan ni Stal si Zick  kanina ng tinawag ai Zick. At pagtingin niya sa likod ni Zick sa paglalakad niya patungo sa stage. Paano tignan ni Zick si Stal ng makarating siya roon. Paano palakasin ni Stal ang loob ni Zick sa oag thumbs up niyA. OO NAGSESELOS AKO. Ewan koba. Siguro MAHAL KO NA SIYA. SIGURO. Ang sakit pala noh?? Makitang nakikipag asaran siya sa iba at ang masakit sa pinaka tuturing mo pang pinakamatalik na kaibigan. Pinaka close ko sa kanilang lahat. Napatingin ako Kay Zick ng marinig ko ang boses niya.

"Happy Anniversary po Ma, Pa" ang una niyang bungad.

"Salamat anak" tita answered.

"you're welcome po. And sana marami pang anniversary ang dumating. Mahal ko po kayo" he said. Niyakap niya ang kaniyang ina at ama medyo may pag aalinlangan pa ng yakapan niya si tito. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Bumaba na sila roon. Nagentertain na sina tita ng mga bisita nila. May banda naman na tumututog sa stage.

ZICK POV

Bumaba ako agad at tumungo sa mesa namin. Kanina nag alangan akong yakapin ang ama ko. Pero kailangan. Napaka ganda ngayon ni Mama kaya diko alam kung bakit nagawa yun ni Papa eh. Ano bang nakita niya sa babaeng yun na wala si Mama. Galit ako kay Papa dahil nagawa niya kaming ipagpalit. Nung una hindi ko ito pinanasin dahil baka kasosyo niya lang. Pero iba eh ang yakap niya sa babaeng yun. Pinabayaan ko ito binalewala ko dahil akala ko magbabago siya.
Pero hindi. Hindi siya nagbago. Nagpatuloy yun, kaya simula non sa bahay nina Ivan na ako nakitira. Pinatuloy naman nila ako. Umuuwi naman ako sa bahay pag alam kong wala siya. Pero ng dumating si Stal dito para sa kasal nila Ivan. Sa condo niya na ako nakitira. Dun siya tumutuloy tutal malapit ein ang school ron. Kapag sa bahay naman daw nila masyadong malayo. It takes an hour kaya bumili siya ng condo niya. Pero  ng ikasal si Stal at Ivan at nagsama sa isang bahay. Dun narin ako nakitira.

Dumiretso ako sa mesa. Ng nakita ako ni Stal ngumiti siya sa akin ngumiti naman ako. Umupo ako sa tabi niya. Nakita ko naman na wala pang laman ang plato niya. Tss. Umiling ako. Masyado siguro siyang nag alala sa akin dahil alam niya ang problema ko. Sinasabi ko lahat ng problema ko sa kaniya. Pinsan na Bestfriend kami.

Nilagyan ko ang plato niya ng mga gulay lang. Veggie siya eh. Minsan lang kung kumain yan ng karne. Mahirap daw idegest. Tss.

"Thank you" she said ng matapos ako sa pagalgay ng pagkain sa plato niya. Nag umpisa naman na siyang kumain. Pinanood ko lang siya sa pagkain niya.

"Stop staring at me." utos niya pero diko sinunod. Pero nabigla ako ng tumayo si Ivan.

"Van?? San punta mo??" Tanong ko sa kaniya.

"Sa labas lang. Magpapahangin."
Pagkasabi niya yan naglakad siya. Ito namang kasama ko parang walang pake alam.

"Huy" sabi ko at siniko ko.

"Oh??" Sagot niya. Tapos na siyng kumain. Kaunti lang naman kinakain niya at puro gulay pa. Tss.

"Yung asawa mo" sabay nguso ko kay Ivan na palabas.

"Tss. Tapos?" Tanong niya. Kita moto.

"Sundan mo kaya." At tinignan ko ang daan pero wala na siya roon.

"Fine." At tumayo siya. Naglakad siya patungo roon.

*********

Ms. Nerd And Mr. Heartthrob Are Secretly Married.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon