"Harry okay ka na ba talaga?"
"Oo nga Babe. Simpleng sakit lang sa tiyan ito hindi ko na naman kailangang dito pa sa ospital magpalipas ng gabi."
Lumapit ako sa kanya.
"Magpahinga ka ha. Kahit huwag ka na munang pumasok bukas. Ipapa-cancel ko ang mga naka-schedule sa iyo bukas."
"You don't have to do it Babe. Okay na ako kaya papasok na ako bukas."
Pero nag-aalala pa rin ako kay Harry.
================
"Aba! Sinong paranoid ha?! May pangalan ako Celine! At hindi rin kita lalo type!"
Napailing si Warren nang maalala ang sinabi ni Celine kanina.
"Tss. Hindi ko rin naman siya type. Celine, Celine. Ngayon ko lang naman siya nakilala pero parang familiar talaga siya sa akin."
Pinaikot-ikot niya ang hawak na ballpen.
"Teka? Pakialam ko ba sa kanya? Dapat si Mr. Hernandez ang inaalala ko."
Hindi ko alam ang gagawin ko. How can I save him? Kahit sa makabagong teknolohiya sa panahon ngayon, it is not guaranteed if he will be cured. Hindi rin siya tumatanggap ng treatments kaya lalong lumalala ang kondisyon niya. I'll talk to him about it. Luckily, I can have my day off tomorrow. Mapag-aaralan ko ang kondisyon niya.
KINABUKASAN (10:45 am)
"Ano kayang makakain ko for breakfast?"
Oo, breakfast. Kagigising ko lang eh. Binuksan ko ang ref. Tubig lang at beer? Binuksan ko naman ang cupboard, wala rin stock? Ano ka ba naman Warren naturingang doktor pero hindi nakakabili ng groceries. Sa drive-tru na lang ako bibili ng breakfast at mag-gogrocery ako ngayon.
Grocery Store
"Dadamihan ko na nga ang stocks na bibilhin ko. Sa meat section muna."
Pumunta na ako meat section. Mga ilang kilo kaya ang bibilhin? Dalawa lang. Solo lang naman ako at hindi ko rin naman agad mauubos baka mabulok lang sa ref. Pumunta na ako sa favorite kong part ng grocery. Sa mga chocolates and candies. Gustong-gusto ko talaga ang Pepero. Favorite ko yung almond flavor at nakita kong nag-iisa na yung malaking box. Kinuha ko ang malaking box ng may humawak din dito. Kaya napalingon ako sa humawak.
"Ikaw na naman?!"
"Ikaw na naman?!"
Sabay pa naming sabi.
"Kapag minamalas ka nga naman." Bulong ko.
"Anong sinabi mo?!"
Bulong na nga narinig pa. Kapag amazona nga naman.
"Wala! Akin na ito." Sabay higit ko sa box ng Pepero pero hindi din nito binitawan.
"Anong iyo?! Ako kaya nauna kaya ikaw ang bumitaw." Sabi nito sabay higit pero hindi ako magpapatalo.
"Kung ako sayo Miss Amazona bumili ka na lang ng iba. Meron pa namang iba diyan."
"Noong una sabi mo Miss Paranoid ako ngayon naman Amazona? Sabi ko ngang Celine ang pangalan ko eh! Ikaw na lang ang bumili ng iba favorite ko ang almond!"
What? Parehas pa kami?
"Ikaw na lang. May maliliit naman na box na almond flavor ah." Sabay higit ko sa Pepero.
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
Teen FictionDr. Warren Reyes a successful doctor. Popular sa hospital lalo na sa mga nurse at pasyente niya but despite of being friendly with his patients may tinatago siyang kasungitan lalo na nang makilala niya si Celine. Celine Esguerra pilya, maingay, at m...