Naglalakad ako papuntang hospital. Nag-file muna ako ng leave for today dahil dadalawin ko ang ate ko. May dala akong prutas para kay ate pero alam kong si Akeesha din ang makakakain nito.
See you around Celine.
Napailing ako. Naalala ko na naman ang sinabi ng doktor na iyon. First time niya akong tawagin sa pangalan ko. I don't know but I can't sleep last night because of that. Naku kapag nakita ko iyon babatukan ko dahil sa kanya nadagdagan ang eyebags ko.
Kriingg~
Babe calling...
Sinagot ko ang tawag.
"Babe napatawag ka?"
"Bakit hindi ka pumasok ngayon?"
"Nagtext ako sayo last night ah. Hindi mo ba nabasa. Babantayan ko kasi Ate ngayon."
Narinig kong huminga ito ng malalim.
"Babe okay ka lang?"
"I'm okay. I thought you don't want your job anymore. How's ate?"
"Ikaw naman nag-absent lang ako ng isang araw. Si ate ooperahan ngayon. Nakakatakot nga eh."
"That's great. I hope she'll be fine."
"Babe-"
Naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita.
"Miss bawal gumamit ng phone dito."
Napataas ako ng kilay. Lagi na lang nangingialam.
"Ediwow. May kausap lang akong importante."
"I don't care. It distracts other patients. If its really important, sa labas ka."
"Ah babe, call you later may malaki kasing lamok dito."
At pinatay ko na ang phone. Tumingin naman ako sa doktor na mayabang.
"Pati ba naman pakikipag-usap ko sa telepono bawal?"
"Yes. At bakit nandito ka na naman? Are you courting me now?"
"Kilabutan ka nga. Ano ng balita kay ate?" Pag-iiba ko sa usapan namin. Baka mamaya kung saan na naman ito mapunta.
Tumingin ito sa wristwatch nito.
"Later at 10:00. Huwag kang lalapit baka mapaano pa lalo ang nakababata mong kapatid."
Napataas na naman ang kilay ko.
"Ano nakababata? Ako ang ate ganon? Siya po ang ate."
Tumawa naman ito ng nakakaloko.
"Ah! Siya pala ang ate. Akala ko kasi ikaw." Sarcastic na sabi nito.
"Baby face kaya ako. Palibhasa gurang ka na ata."
"Tita Lin!"
Lumingon ako.
"Akeesha!"
At sinalubong ko ito ng yakap. Hinalikan naman ako nito sa pisngi.
"Wow naman. How's my baby?"
"Good. Are you here for mommy? Ah grape I want grape!" Turo niya sa dala kong ubas na kasama pa ng iba pang prutas.
"Okay baby let's go. Baby ingat ka maraming pakalat-kalat na basura dito madapa ka pa."
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
Teen FictionDr. Warren Reyes a successful doctor. Popular sa hospital lalo na sa mga nurse at pasyente niya but despite of being friendly with his patients may tinatago siyang kasungitan lalo na nang makilala niya si Celine. Celine Esguerra pilya, maingay, at m...