"Doc! Kailangan na po tayo sa OR."
Tumingin ako sa nurse na nagsalita.
"Okay, I'll be there."
Naglakad na ako papuntang OR at pagdating ko sa OR nilagay na sa akin ng nurse ang gloves at hospital gown na kailangan ko before starting the operation.
"Ready team?"
================
"Doc Warren, congratulations successful uli ang operation ninyo."
"Natin." Pagtatama ko. "Hindi ko naman magagawa ang mga iyon ng wala ang tulong. The operation earlier is a bit difficult than the previous ones. Muntikan ng magkaroon ng complications buti naagapan kaagad."
"Ang laki nga po ng pasasalamat sa inyo ng pamilya. Gusto nga po kayong makausap kaya lang busy kayo." Sabi ng nurse ko habang kumukurap-kurap pa.
"Ah ganon ba. I'll see them later. You can go now. Thank you." Then I smiled.
Pagkalabas ng nurse sa office ko ay rinig ko ang impit na iritan sa labas. I am used to it. I know maraming nagkaka-crush sa aking mga nurses. But I don't want commitment pa. Napatingin ako sa litratong nasa table ko.
"Love, thank God successful uli ang operation. I wish ikaw ang kasama ko doon habang nag-oopera."
Napapikit muna ako. It's already 11:30 in the evening. Sa propesyon ng pagiging doktor walang oras ang sinusunod. Inabot ng 7 hours ang operation kanina at ngayon lang ako nakaramdam ng pagod at pagkagutom.
Dito na naman ata ako sa office matutulog.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa swivel chair at dumiretsong cafeteria ng hospital. Magkakape na lang muna ako. After I bought coffee, napadaan ako sa isang room. Room nung taong naoperahan ko. Tulog pa rin hanggang ngayon. Mas mabuti yun nang makapagpahinga siya.
Biglang bumukas ang pinto.
"Doc! Kayo po pala! Maraming salamat po!"
"Sshh! Baka magising yung kasama mo." Sabi ko sabay ngiti sa asawa ng pasyente ko. "Bakit hindi pa po kayo natutulog?"
"Hindi ko po alam kung paano magpapasalamat sa inyo. Ang ibang doktor sinukuan na siya pero kayo ginawa niyo po ang lahat. Maraming salamat." Maluha luhang sabi nito.
"You're welcome. Its my job to save lives of people who need help. Magpahinga na ho kayo at baka bukas ay magising na ang asawa niyo."
Umuna na ako at uminom ng kape. I start reading important files of one of the patient. Nang makaramdam na akong ng pamimigat ng mata ko. Tuluyan na akong nakatulog.
===========
"Celine! Hanap ka na ni Sir Harry. Nasaan ka na ba?"Sabi ng co-worker niya na si Alicia na kausap niya ngayon sa cellphone. Dali-dali siyang naglakad papuntang elevator. Sa 16th floor pa ang opisina niya kung saan siya nagtatrabaho. Pinindot niya ang elevator button. Buti na lang hindi masyadong madami ang nakasakay.
"Naku! Mapapagalitan na naman ako ni Sir Harry. Malapit na ako."
"Sus! Hindi ka rin naman pagagalitan nun."
Napangiti siya.
"Talaga?"
Ting!
"Alicia!"
Kinuha nito ang hawak niyang kape. Sabay turo sa office ng boss niyang si Harry. Inayos niya ang kanyang hindi kahabaang bangs.
"Maganda na ba?"
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
Ficção AdolescenteDr. Warren Reyes a successful doctor. Popular sa hospital lalo na sa mga nurse at pasyente niya but despite of being friendly with his patients may tinatago siyang kasungitan lalo na nang makilala niya si Celine. Celine Esguerra pilya, maingay, at m...