Third Person's POV
Dumating na sa venue ang magkaibigang sina Barbie at Chichay. Masaya silang sinalubong ng mga kapwa-fans nila. At ilang sandali lang ay dumating na rin ang binatang pinakahihintay nila, si Ryle. Nagkagulo na sa lugar. Hindi malaman ni Barbie ang gagawin nang tumingin sa gawi niya ang binata. Kinakabahan siya, iyon ang alam niya. Pero, naalala niya ang hindi pagreply nito ng mga text niya.
Bakit kaya hindi niya ako nirereplayan kanina?, she thought.
Binati na nila ito. At isa-isang binigyan ng regalo. Tinawag naman ni Barbie ang kaibigan habang ito ay inihahanda ang regalo. Lumapit siya dito.
Barbie: Hindi kapa lalapit sa kanya?
Chichay: Mauna kana, bebe. Ibabalot ko lang to ng maigi.
Barbie: M-mamaya na rin ako. Sabay nalang tayo (Sabay ngiti.)
Chichay: Sigurado ka? Baka, mainip ka.
Barbie: Shunge. Ba't naman ako maiinip?
Chichay: Alam mo na, baka excited kang makausap siya.
Barbie: Hindi ah!
Chichay: Hus, ulo nito. Huwag ka ngang mag-deny.
YOU ARE READING
TEXT IN DISGUISE (RyBie TEXT LOVESTORY)
FanfictionSocialserye of RyBie (Fanmade) baka kasi isasave niyo yung number ni Ryle kuno hahaha!